You are on page 1of 19

Senior High School

PAKITANG-TURO
FILIPINO 11

Bb. Queen Gladys V. Opeña


Tekstong Impormatibo
nagbibigay ng impormasyon at
ebidensya tulad ng mga
report, ulat, balita at iba pa.

naglalayon itong magpabatid.


LAYUNIN:
• nakapagbibigay ng kahulugan at
layunin ng Tekstong Persuweysib
• nabibigyang-halaga ang gamit ng
Tekstong Persuweysib sa pang-araw-
araw
• nakapagsusulat ng isang halimbawa ng
Tekstong Persuweysib
“Tara na’t Tangkilikin ang Sariling Atin”
Ano pa ba ang hinihintay
Minsan may mga mo???
produktong pinoy na Ang bumagsak nang
nababalewala… tuluyan ang ekonomiya
dahil sa pagsakop ng mga ng bansang Pilipinas o
iba’t ibang dayuhan sa ang tuluyang pagkawala
bayan natin, ng kulturang pinoy?
naapektuhan ang antas ‘Wag sana natin kalimutan
ng ating pamumuhay… ang pakikipaglaban ng
Lumipas ang maraming mga bayaning
taon, unti-unti na nating nagtanggol sa ating
nakakalimutan ang bayan!!
produktong pinoy… Kaya kumilos na at
mas lalong tinatangkilik tangkilikin ang sariling
ang mga produktong produkto…
gawa sa ibang bansa… para sa bansang ating
kinagisnan…
HALIMBAWA

TEKSTONG PERSUWEYSIB
Tekstong Persuweysib
(Kahulugan)
 tekstong nanghihikayat upang tanggapin ang sinasabi
o mapaniwala ng awtor o mananalita ang mga
bumabasa, nanonood o nakikinig

 may kahirapang idebelop ito sapagkat kailangang


makumbinsi ang tagabasa o tagapakinig sa
ipinapahayag, partikular sa mga kontrobersyal na
isyu
 hindi hiwalay ang paggamit ng emosyon sa
pagpapahayag na ito upang mahikayat ang tagabasa
o tagapakinig

 ang mga ekspresyon/salita na sumasapol sa


damdamin ang mahalagang kasangkapan sa
pagpapakitaw ng emosyon

 matagumpay ang ganitong pagpapahayag kung


naipahiwatig o naipakita ng awdyens ang
pasasalamat, pagsang-ayon, pagkilos tungo sa
pagbabagong magaling at pagtalima/pagsunod sa
kahilingan ng manunulat o tagapagsalita
Tekstong Persuweysib
Layunin:
 layunin ng pagpapahayag na ito na umakit ng taga-
pakinig o mambabasa at upang higit na maging
makatotohanan ang panghihikayat kinakailangang
magkaroon ng mga ebidensya o patotoo

 layunin ng ganitong pahayag na makapagbabago ng


atityud o beheybyor ng awdyens
APAT NA URI NG
EBIDENSYA:
 Pangyayari – ito ang pinakaobhektibong
ebidensya

 Obserbasyon – ito ay mga ebidensyang


batay sa mga nakita, narinig, naamoy at
nadama
 Mga Saksi – ito ay mga taong nagpatotoo
sa mga pangyayari

 Mga Dalubhasa’t Iskolar – sila ang mga


taong nagbibigay ng mga palagay na
mapaniniwalaan dahil sa pinag-aaralan
nila ang mga pangyayari, sinusuri ang
mga patotoo ng mga saksi, at pinag-
iisipan ang lahat ng katibayan)
TEKSTONG PERSUWEYSIB
HALIMBAWA:

talumpati
sales talk
adbertisment
propaganda materyal
PANUTO:
Gumawa ng isang
patalastas batay sa naiatas
na gawain sa bawat
pangkat.
GAWAIN:
• UNANG PANGKAT: pag-eendorso ng isang
beauty product
• IKALAWANG PANGKAT: pag-eendorso ng
pagkain/restaurant
• IKATLONG PANGKAT: pag-eendorso ng
t-shirts/pants
• IKAAPAT NA PANGKAT: pag-eendorso ng
palabas/movie shows
PAMANTAYAN SA
PAGMAMARKA:

• Nilalaman 10
• Hikayat sa madla 10
• Pagkamalikhain 5
• KABUUAN 25
SINTESIS:
Bakit mahalaga ang tekstong
Persuweysib sa pang-araw-araw na
gawain ng tao sa kanyang:
1) sarili
2) pamilya
3) komunidad
4) bansa
EBALWASYON:
Sumulat ng isang tekstong
Persuweysib (malaya kayong
pumili ng inyong sariling
paksa.) Isulat ito sa isang
short bond paper.
TAKDANG-ARALIN:
Paggawa ng isang brochure na
naglalayong humikayat sa inyong
lugar/pook na kinabibilangan, mga
pagkaing tampok sa inyong lugar
at iba pa na nais mong tangkilikin
ng ibang tao.
MARAMING SALAMAT PO!!!

-Q.G.V.O-

You might also like