You are on page 1of 42

MANALANGIN

TAYO……
TITSER JESSIE
MGA KASUNDUAN

T- Tumayo kapag tinatawag ng guro.


A- Alisin ang pagiging mahiyain sa klase.
P- Panatilihin ang interes sa pakikinig sa mga
talakayan.
A- Alalahanin palagi ang kahalagahan sa
pagsunod sa mga panuto.
T- Tandaan at ugaliing isabuhay ang mga
ibinigay na mga kasunduan sa klase.
GAWAIN: PUTOK-BUO
PANUTO: Putukin ang mga lobo na
naglalaman ng mga nakagupit na
larawan at magpaunahan sa pagbuo
ng mga ito. Ang mananalo sa larong
ito ay bibigyan ng kaukulang puntos.
TANONG:
Ano ang
masasabi ninyo
sa mga larawang
ito?
GAWAIN: AYUSIN MO ANG KALAGAYAN KO

PANUTO: Ayon sa pangkat na kinabibilangan


kanina, ay kailangang magpaunahan ang bawat
pangkat sa pagbuo ng mga pinaghalong letra na
nakalagay sa mga palatandaan ayon sa pangalan
ng inyong pangkat. Ang pangkat na mauunang
makatapos ang siyang mag-aanunsyo sa ating
paksa ngayong hapon.
MGA
POPULAR
NA
KAUGALI
ANG
MGA LAYUNIN NG PAG-AARAL

a. Nalalaman ang kahulugan ng kaugalian at


nakikilala ang mga halimbawa nito batay
sa katangian ng mga Pilipino.

b. Napahahalagahan ang mga kaugaliang


popular sa Pilipinas.

c. Nakapaglalahad ng apat (4) na


magkakaibang gawain hinggil sa mga
kaugaliang popular ng mga Pilipino.
TALAKAYIN NATIN….
DEPINISYON NG
MGA
MAHAHALAGANG
SALITA
KAUGALIAN

Ang kaugalian ay isang malawak at


mahalagang konsepto sa ating
pamumuhay at pagiging bahagi ng isang
lipunan.

Sa pamamagitan ng mga kaugalian,


naipapahayag ng isang lipunan ang
kanilang pagkakakilanlan, kasaysayan,
at halaga.
POPULAR

Ang popular ay tumutukoy sa pagiging


tanyag o kilala ng isang pag-uugali,
katangian, tradisyon, paniniwala, at
sining.
KAUGALIANG POPULAR

Ito ay tumutukoy sa mga tradisyon,


paraan ng pamumuhay, at paniniwala ng
isang partikular na lugar o bansa na
tumatak sa isipan ng mga mamamayan
kaugnay sa mga gawaing sumasalamin
sa isang grupo ng tao.
ANG MGA POPULAR
NA KAUGALIANG
PILIPINO
ANG KULTURANG PILIPINO

Ang kultura ng Pilipinas o Kalinangan ng


Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng
mga katutubong tradisyon at mga kultura
ng mga unang mangangalakal at
mananakop nito noon.

Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas


na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may
malaking kontribusyon sa kultura’t
kaugalian ng mga Pilipino.
1. BAYANIHAN

Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng


mga magkakapit-bahay na nagtutulungan sa
mga gawaing panlipunan o pampamilya,
gaya ng handaan, paglipat ng tahanan, at
paglinis sa mga kapaligiran.
2. MATINDING PAGKAKABUKLOD-
BUKLOD NG MAG-ANAK

Ang mga Pilipino ay kadalasang malapit sa


kanilang mag-anak.
Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit
sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila
ay may edad na o kaya naman ay may sarili
ng pamilya.
3. PAKIKISAMA

Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino


na nagnanais magkaroon ng maganda at
mabuting pakikitungo sa iba o sa kapwa.
4. HIYA

Ang kaugaliang ito ay isang panlipunang


kaugalian. Ang mga Pilipino kase ay
naniniwala na dapat na kumilos sila kung
ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng
lipunan, dahil kung sila ay nakagawa ng mga
hindi katanggap-tanggap sa isang lipunan,
hindi lamang ang kanilang sarili ang
magdusa sa kahihiyan kundi maging ang
kanilang buong angkan.
5. PALABRA DE HONOR

Isang kaugalian ng mga Pilipino na


kailangan tuparin ang mga sinasabi nitong
salita o mga binitawang pangako.
6. AMOR PROPIO

Kaugaliang Pilipino na tumutukoy sa


pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang
dignidad.
7. DELICADEZA

Isang kaugaliang Pilipino na kung saan ang


isang tao ay dapat kumilos sa tama at nasa
lugar.
8. UTANG NA LOOB

Ito ay tumutukoy sa kaugaliang Pilipino na


kung saan pag-alala at pagtingin sa mga
mabuting nagawa ng isang tao sa kanya,
kagaya ng pagtulong sa panahon ng
kagipitan, pagsubok, at problemang
nararanasan sa sariling buhay o maging ng
kanyang pamilya.
GAWAIN: PILING SALOOBIN
PANUTO: Pipili ang bawat kinatawan ng
pangkat ng isang larawan ng mga Kaugaliang
Pilipino na nais tahakin. Ang bawat larawan ay
may mga nakasulat tungkol sa magandang
dulot ng mga kaugaliang ito.
Kung ano ang larawang napili ninyo ay
kailangan ninyong magbigay ng paliwanag
hinggil sa inyong sariling mga karanasan.
Bigyan ko lamang kayo ng 5 minute upang
tapusin ang gawaing ito.
PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS
MGA PAMANTAYAN KAUKULAN PANGKAT
G PUNTOS 1 2 3 4

Nilalaman 20
Malinaw na pagkakalahad 15
Partisipasyon ng bawat 10
kasapi
Takdang oras 5
KABUUAN 50
GAWAIN: LAKBAY-SALAYSAY
PANUTO: Sa parehong pangkat, ang mga
kinatawan ay kailangang kumuha ng
isang kagamitan sa loob ng Munting
Aklatan. Ang bawat kagamitan ay may
nakasulat na gawaing kailangang
ilahad sa harap ng klase hinggil sa
inyong naging karanasan na
nagpapakita ng Kaugaliang Pilipino.
PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS
MGA PAMANTAYAN KAUKULAN PANGKAT
G PUNTOS 1 2 3 4

Nilalaman 20
Malinaw na pagkakalahad 15
Partisipasyon ng bawat 10
kasapi
Takdang oras 5
KABUUAN 50
PAGTATAYA NG ARALIN

PANUTO: Kumuha ng isang-kapat na papel.


Basahin at unawaing maigi ang bawat
katanungan. Titik lamang ang isulat.

1. Ito ay isang uri ng kaugaliang Pilipino na


sumasalamin sa pagtingin sa ginawang
kabutihan ng kanyang kapwa.
a. Palabra de Honor
b. Amor Propio
c. Utang na Loob
2. Isang kaugaliang Pilipino na nagpapakita
ng pagtupad sa mga pangako.
a. Utang na Loob
b. Amor Propio
c. Palabra de Honor

3. Kaugaliang Pilipino na nagpapakita ng


mabuting relasyon sa kapwa.
a. Hiya
b. Bayanihan
c. Pakikisama
4. Ang kaugaliang ito ay tumutukoy sa
kusang pagtulong ng isang tao o grupo para
sa isang gawaing panlipunan.
a. Pakikisama
b. Hiya
c. Bayanihan

5. Ang kaugaliang ito ay tumutukoy sa


pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang
dignidad.
a. Utang na Loob
b. Delicadeza
c. Amor Propio
TAKDANG-ARALIN
PANUTO: Gumawa ng isang maikling
Portfolio ng mga kaugaliang popular
ng mga Pilipino. Ipasa ang inyong
output sa susunod na tagpo.
MARAMIN
G
SALAMAT
PO!!!

You might also like