You are on page 1of 17

Masining na Pagpapahayag –

RETORIKA
Kabanata 4
Ang Mga Diskorso /
Pagpapahayag
• Matukoy ang layunin ng pagpapahayag
• Matutunan at makagagawa ng mga pagpapahayag na
naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan at
nangangatwiran.
• Napauunlad ang kasanayang pangkomunikatibo sa
pamamagitan ngpagdedebelopng mga pangungusap at
talataan na gumagamitng ibat ibang diskors.
Layunin ng Pagpapahayag
> Magbigay lugod o saya
Ang pagpapahayag na ito’y naglalayong makuha at
mapanatili ang atensyon ng mga mambabasa/ nakikinig sa
esensya sa sinasabi ng manunulat o taga pagsalita. Ang
pagpapasaya at pagbibigay lugod sa awdyens ay kailangang
magkaroon ng elemento ng pagpapatawa, makulay na istorya
at “jokes “ na kakagatin nila at talagang makakalibang sa
kanila sa mga pagkakataong sila ay may gustong takasan
mga suliranin, lumbay, at alalahanin sa buhay.
>Magbigay ng Informasyon
Sa pagpapahayag na ito, ang awdyens ay
natututo ng iba o katulad ng informasyon na bago
sa kanilang pandinig. Sa mga bagong inpormasyon,
nakapagnilay-nilay sila sa katotohanan, na
nababalideyt nila ang mga alam at
nakapagdaragdag sa kanilang imbak na kaalaman.
Halimbawa:
*lektyur sa klase
*bisnes miting
* propaganda materyal
> Manghikayat
Layunin ng pahayag na ito ay makapagpabago ng atityud o
beheybyur ng awdyens. May kahirapang idebelop ito sapagkat
kailangang makumbinsi ang taga basa o tagapakinig sa
ipinahahayag , partikular sa mga kontrobersyal na isyu.
Ginagamit din dito ang emosyon sa pagpapahayag na ito upang
mahikayat ang tagabasa o tagapakinig. Ang mga ekspresyon
/salita na sumasapol sa damdamin ang mahalagang
kasangkapan sa pagpapagitaw ng emosyon. Matagumpay ang
ganitong pagpapahayag kung naipahiwatig o naipakita ng
awdyens ang pasasalamat, pagsang-ayon, pagkilos tungo sa
pagbabagong magaling at pagtalima/pagsunog sa kahilingan
ng manunulat o taga pagsalita.
Halimbawa: talumpati “sale’s talk”
adbertisment propaganda materyal
> Nagbibigay-larawan
Ang mgaideya o kaisipang abstrakto nabibigyan ng
larawan sa mga mambabasa/nakikinig.
Sa paggamit ng mga pang-uri at pandiwa gumagana ang
imahinasyon, alaala at pag-iisip.

> Nagbibigay ng Ebidensya , Rason, Katwiran


Tinutulungan nito ang tagapagsalita / manunulat na
maghanap, magtipon ng mga katibayan, dokumento, rekord
at tala upang mapatotohanan ang sinasabi o sinusulat.
Ang Awdyens ( Tagapakinig at Tagabasa)
1.Sumasang-ayon / naniniwala
2. Ang di-sumasang-ayon/ di-naniniwala
3. Walang pakialam na awdyens
Mga Dapat Ikunsedera sa Awdyens
1. Edada / gulang
2. Kasarian
3. Edukasyon
4. Etniciti, Kultural,Pananampalataya, at
Politikal bakgrawnd
Paglalahad / Expositori
Isang uri ng sulatin o komposisyon na naglilinaw,
nagpapaliwanag, nagbibigay ng inpormasyon na gumagamit ng
alinman sa mga sumusunod na paraan: pagbibigay ng depinisyon,
Klasipikasyon o dibisyon , paghahambing at pagkokontras, sanhi-
bunga, analisis ng proseso. Ang expositori ay karaniwan nang
nagagamit sa mga sanaysay, editoryal, mga tanging lathalain , balita
atbp.
Ang sanaysay ang pinakagamitin sa lahat ng uri ng sulatin na
naglalahad, nagpapaliwanag, nagbibigay ng depinisyon o kahulugan.
Maaaring paksain ng sanaysay ang mga seryosong paksa na
nangangailangan ng sapat na panahon upang mabuo. Mahalagang
isama rin natin ang pananaliksik upang ganap na matalakay ang
paksa.
Ang sanaysay na persweysive ay naglalayong pakilusin
ang tao pagkatapos papaniwalain samantalang ang
argumentativ ay naglalayong papag-isipan ang tao hanggang
sa tuluyan ng mabago ang kanyang “ tayo” (stand) o
paniniwala (belief). Ang dalawang ito ay (persweysiv at
argumentativ), ay kapwa nakaiimpluwensya sa paniniwala at
pagkilos.
May mga paksang di nangangailangan ng argumento.
Ang mga halimbawa nito ay ang mga paksang nasasagot na
dahil ito ay nagpapahayag ng isang katotohanan at nga
paksang pampersonal. Bagaman kung panrelihiyon ang mga
pagtatalo ay magiging mahirap sa pagitan ng isang di-
naniniwala sa Diyos (atheist) at sa isang relihiyon.
Mga Anyo ng Paglalahad
1.Sanaysay
Ito ay isang personal o impersonal na sulatin na
naisusulat sa formal at di-formal na pamamaraan na
nagbibigay kalayaan sa manunulat na piliin ang paksa,
haba, at istilong gagamitin sa pagsulat.
2.Pangulong Tudling
Ang kuru-kuro, palagay, damdamin ng isang
patnugot hingil sa mga bagay/ isyu na may kaugnayan
sa lipunan, politika, sining,relihiyon at iba pang aspekto
ng buhay ang ginagawan ng salaysay. Tinatawag din
itong editoryal.Ang pagtalakay ng pangulong tudling ay
subhektibo sapagkat sarili ng manunulat ang opinyon.
3. Balita
Isinusulat ito sa paraang pabaligtad na piramide.
Ang mahahalagang detalye ang nasa unahan ng
talataan. Sinasagot nito ang tanong na sino, ano,
kailan, saan, at paano. Ang anumang pangyayari sa
mundo na di pangkaraniwan , bago,kagaganap
lang , di pa nagaganap o gaganapin pa lang ay
maaring ibalita.
4. Siyentipiko at Espesyal na Ulat
Bunga ito ng isang eksperimentasyon at siyentipikong
pag-aaral . Maihahanay din dito ang mga teknikal report ng
isang proyekto o gawain . Mga ulat o report na may
kapakinabangan para sa isang sektor o grupo, komonidad o
bayan.
5. Rebyu (Pampelikula, Aklat, Kultural, na
Presentasyon atbp.
tinitingnan natin ang ating nabasa / napanood ayon sa
ating panlasa bilang manunulat. Minsan, mayroon tayong
panukatan/ kraytirya na ginagamit upang ebalweytin ito.
Kinakailangang maging maingat sa pagrerebyu, iwasan ang
pagiging “biased” at panatilihin ang objectiviti sa pagtingin
sa piyesa, akda, pelikula at palabas.
Ang Mga Pamamaraan Sa Paglalahad
1. Pag-iisa-isa
Inaayos ang mga detalye sa paraang pinag-iisa-isa ang
mga bahagi o parte.
2. Pagsusuri
Inaanalisa, sinusuri angisang bagay, pangyayari,
konsepto, teorya upang mabigyan ng malalim na analisis.
3. Pagbibigay Halimbawa
Mas mabibigyan ng paliwanag ang paksa kung
magbibigay ng halimbawa para tuluyang matalakay ito.
4. Pagbibigay ng hambingan o Kontrast
Ano ang distinktibong kaibhan ng isang bagay sa kapwa
bagay?Paaano natin kinikilala ang katangian ng bawat isa .
5. Klasipikasyon
Sa paglalahad na ito, iniaayos/ inihahanay ng manunulat
ang datos base sa kanyang kategorya o klas, tulad
halimbawa ng mga paninda sa groseri . Ganito rin ang dapat
na mangyari sa pagsulat ng komposisyon na gumagamit ng
klasipikasyon – maayos , balanse, at may sistema .
6. Definisyon o Pagbibigay Kahulugan
Ipinapaliwanag nito ang mga salita o konsepto,
mamaringito ay isang salita, karagdagan sa parirala,isang
pangungusap o mahigit pang talataan na malalim
natumatalakay sa bagay na ipinapaliwanag.
7. Sanhi at Bunga
Dito inihahayag ang dahilan kung bakit nangyari ang
isang bagay / pangyayari at kung ano ang naging efekto nito
at ibinunga.
8.Sekwensyal, Proseso o Pamamaraan
Ang expositoring ito ay nagbibigay nginpormasyon sa
pamamagitan ng pagsulat ng mga hakbang, proseso, o
pamamaraan. Inililista at ipinaliliwanag ang mga hakbang ,
isteyjis, o pamamaraan kung paano isinasagawa ang isang
bagay, aksyon o gawain ayon sa pagkakasunud- sunod.
Pagsasanay (Activity)
I.Panuto: Tingnan natin kung paano mo sasagutin ang mga
katanungang ito ? Isulat at ibahagi ang iyong opinyon o
pananaw. (isang malinis na papel)
1. Bakit nga ba natutuyo ang mga dahon?
2. May langit nga ba?
3. Pagbibigay ng limos sa pulubi.

II.Isulat sa isang malinis na papel ang iyong pananaw s


paraang , negatibong impresyo at sa positibong impresyon.
Diborsyo sa Pilipinas
III. Iba iba pang usapin. Magnilay-nilay sandali at sagutin
ang mga sumusunod base sa iyong pananaw
1. Para sa iyo ano ang kahulugan ng pagiging mahirap
2. Para sa iyo ano ang kahulugan ng huling linya ng
Pambansang Awit… “Ang mamatay ng dahil sa iyo”
3. Para sa iyo ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
4. Para sa iyo ano ang ibig sabihin ng dayuhan sa sariling
bayan?
5. Para sa iyo ano angtinatawag na out of school-youth?

NOTE: SAGUTAN SA ISANG BUONG PAPEL, PAKI


PICTURAN AT PAKI SEND SA PRESIDENT SA
SATURDAY.
THANK YOU VERY MUCH, GOD BLESS YOU ALL

You might also like