You are on page 1of 4

I.

Kasanayang Pampagkatuto
Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino
batay sa layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik (F11PU – IVef – 91)
II. Paksang-aralin
Kasanayan: Naiisa-isa at nakapagsunod-sunod sa paraan
Paksa: Bibliyograpiyang American Psychological Association (APA)
Pamamaraan: Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino sa pamamagitan ng pagsunod-sunod sa mga impormasyong
isinasama sa bibliyograpiya gamit ang istilong APA
Biswalisasyon: Pagkatapos ng talakayan, lahat ng mga mag-aaral ay
nakapagsunod-sunod sa mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya gamit ang
istilong APA
Pagtataya: Batay sa mga larawan, magbigay ng solusyon sa mga kaisipang
namayani sa akda na hanggang ngayon ay problema pa rin ng lipunan.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma
Kagamitan: Power point presentation, kartolina, TV, laptop

III. Pamamaraan

A. Paghahanda
Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.

Bago kayo umupo, pulutin niyo muna ang mga basurang nakakalat sa sahig at ayusin
ang inyong mga upoan.

a. Balik-aral
Klas, ano nga ulit ang leksyong tinalakay noong nakaraang tagpo?

Magaling!

B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng isang aklat. Magtatanong ang guro:

Klas, ano itong dala ko?


Ano ang maaari niyong gawin sa aklat klas?
Tama! Ito ay ginagamit upang mapagkunan ng mga impormasyon.
Mayroon bang masamang mangyari sa inyo kapag kinopya niyo ang mga ideya ng ibang
tao kapag hindi niyo ito binigyan ng pagkilala?

Kaya naman klas, sa hapong ito ay ating tatalakayin ang Bibliyograpiyang American
Psychological Association (APA)

Kahalagahan:
Napakahalagang pag-aralan natin ang paksang ito sapagkat magagamit natin ‘to sa
tuwing tayo ay gumagawa ng pananaliksik. Ito ay ang isa sa mga magpapatunay na
gumagawa talaga tayo ng pagsusuri o pananaliksik. Bukod diyan, maaari rin nating
matulongan ang mananaliksik na magsagawa rin ng pag-aaral na may kaugnayan sa
paksang ginawan niyo ng pananaliksik dahil maaari nilang bisitahin ang mga itinala
mong batis o reference sa bibliyograpiya.

C. Kinakailangang kasanayan
Ipapahayag ng guro kung ano ang ibig sabihin ng bibliyograpiya.

Makikita niyo sa pisara ang mga halimbawa ng bibliyograpiya gamit ang paraang APA o
American Psychological Association.
Santos, A., et. al. (2010). Varayti at Bendalan, N. (2013). Retorika: Mabisa at
Varyasyon ng Wikang Filipino. Masining na Pagpapahayag.
Quezon City: Phoenix Publishing Quezon City: Wiseman’s Books
House Trading, INC.
Zaide, S. (2000). World History fourth Sauco, C., & Cruz, R. (1978). Panitikan:
edition. Quezon City: All Nations para sa mga Kolehiyo at
Publishing Co., Inc. Pamantasan. Quezon City:
Educational Inc.

D. Pagmomodelo:
Sasabihin ng guro:
Klas, kung ang pinagkukunan natin ng impormasyon ay aklat, mayroon itong iba’t ibang
paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya gamit ang istilong APA depende lamang sa kung
ilan ang awtor ng aklat. Minsan may isa, dalawa o higit sa dalawang awtor ang isang
aklat.

Kapag gagamit tayo ng istilong APA at ang sanggunian natin ay may isang awtor
lamang, ang pormat nito o ang pagkasunod-sunod ng mga impormasyon ay:

Sanggunian APA na Pormat Halimbawa


Pangalan ng awtor. (Petsa ng Dominguez, T. (2001).
Aklat na may isang pagkalimbag). Pamagat ng Pananaliksik para sa
awtor aklat. Lugar ng publikasyon: kolehiyo: Isang pahapyaw
Pangalan ng publikasyon. na sulyap. Manila: Victoria
Publishing.

Kapag may dalawang awtor naman ang aklat.

Sanggunian APA na Pormat Halimbawa


Pangalan ng unang awtor, & Dominguez, T., & Quijano, L.
pangalan ng ikalawang (2001). Pananaliksik para
Aklat na may dalawang awtor. (Petsa ng sa kolehiyo: Isang
awtor pakalimbag). Pamagat pahapyaw na sulyap.
ng aklat. Lugar ng Manila: Victoria
publikasyon: pangalan Publishing.
ng publikasyon

Sasabihin ng guro:
Kung napapansin niyo, dalawa na ang awtor na isinama sa bibliograpi. Ginagamitan ito
ng simbolo (&) na ang ibig sabihin ay “at”.

Kapag higit sa dalawa ang may-akda ng aklat.

Sanggunian APA na Pormat Halimbawa


Pangalan ng unang awto, et.al. Dominguez, T., et. al. (2001).
(Petsa ng pakalimbag). Pananaliksik para sa
Aklat na may higit sa Pamagat ng aklat. Lugar kolehiyo: Isang pahapyaw
dalawang awtor ng publikasyon: pangalan na sulyap. Manila: Victoria
ng publikasyon Publishing

Sasabihin ng guro:
Kapag mayroong higit sa dalawang awtor ang aklat, gagamitan ito ng et. al na
nagsasabing hindi lamang isa o dalawa ang may-akda kundi marami pa.

Kapag hindi naman nabanggit ang pangalan ng may-akda.


Sanggunian APA na Pormat Halimbawa
Aklat na hindi Pamagat ng aklat. (Petsa ng Pananaliksik para sa kolehiyo:
nabanggit ang may- pagkalimbag). Lugar ng Isang pahapyaw na
akda o anonymous ang publikasyon: pangalan sulyap. (2001). Manila:
inilagay ng publikasyon Victoria Publishing

E. Gabay na Pagsasanay
Ang bawat miyembro ng pangkat ay magtulong-tulongan sa pagsasaayos ng mga
impormasyon na isasama sa bibliyograpi gamit ang istilong APA. Ang inyong sagot ay
isusulat sa manila de papel sa loob lamang ng 5 minuto.

Magbibigay muna ng halimbawa ang guro.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga impormasyong isasama sa pagsulat ng bibliyograpi


gamit ang istilong APA.

May nakahandang tanong ang guro pagkatapos ng gawain.


Ilang awtor mayroon ang aklat batay sa bibliyograpiya?
Bakit niyo naman nasabi?

F. Paglilinang sa Kabihasnan
Magbibigay ulit ang guro ng mga halimbawa ng bibliyograpiyang may mali ang
pagkasulat at posisyon ng mga impormasyon batay sa istilong APA. Iwawasto ito ng
mga mag-aaral sa pisara (Board work)

Panuto: Tukuyin kung alin sa bibliyograpiya ang may maling pagkasulat o posisyon ng
mga impormasyon batay sa istilong APA. Iwasto ang mga sumusunod na
bibliyograpiyang may nakitaang mali.

Magtatanong ang guro:


Alin dito ang mali?
Bakit nasabing ito ay mali?
Paano dapat ito isulat?

IV. Pagtataya:
Panuto: Ayusin ng tama ang mga impormasyon gamit ang istilong APA ng
bibliyograpiya.

May-akda: Del Rosario, Mary Grace


Publikasyon: Phoenix Publishing House Pagwawasto
Pamagat: Wikang Filipino
Lugar ng publikasyon: Quezon City
Taon: 2010

Taon: 2015
Lugar ng publikasyon: Cavite City Pagwawasto
Publikasyon: Grayson Publishing House
Pamagat: Lakbay ng Lahing Pilipino 4
May-akda: Julian, Alien, Lontoc, Nestor

Publikasyon: Victoria Publishing


Lugar ng publikasyon: Manila Pagwawasto
Taon: 2001
Pamagat: The Plight of Filipino Teachers
May-akda: Dayag, Alma, Mariquit, Fritzie at
Amodia, Jevelyn Pagwawasto
Publikasyon: Sarimanok Publishin
Taon: 2012
Lugar ng publikasyon: Quezon City
May-akda: Wikang Filipino

V. Takdang-aralin
Panuto: Magtala ng 5 bibliyograpiya mula sa iba’t ibang aklat na may iisang awtor, 5
bibliyograpiya naman mula sa aklat na may dawang awtor at 5 din para sa aklat na may
higit sa dalawang awtor gamit ang APA.

You might also like