You are on page 1of 21

Pagsulat ng Talasanggunian o

Bibliograpiya

Ano ang talasanggunian o


bibliograpiya?
Bibliograpiya
 Ang Bibliograpiya o Sanggunian
ay lagi makikita sa hulihan ng
mga papel na pananaliksik.
 Mahalaga ang bibliograpiya
sapagkat dito mo ipinapakita
ang pagkilala sa kinuhaan mo
ng ideya.
 Kailangan ang bibliograpiya
upang mapatunayan na ang
pinagsasabi ay hindi opinyon
lamang sapagkat mayroon
itong kredibilidad.
Talasanggunian
 Tala ng mga pinagsanggunian
ng mga aklat, magasin at
pahayagan
Narito ang ilang halimbawa ng
pagtatala ng mga
talasanggunian o pagsulat ng
bibliograpiya
Mga Aklat
 Abueg, Efren R. at Estrella E. Cruz.
Filipino sa Bagong Henerasyon.
Malolos,Bulacan:Press 1990.
 Del Valle, Bartolome, at Melania del
Valle. Talatinigang Pilipino-
Pilipino.Manila:Bookmark,1967.
 Monleon,Fernando B. et al.Hiyas 4.
Quezon City:Abiva Publishing
House,Inc.,1967
Mga Magasin
Marami sa mga magasin ay may
bilang at tomo. Ang labas ng mga
magasin ay mayroong
petsa,araw,buwan at taon na
kadalasang ginagamit sa pagtukoy ng
magasin na kinakailangang
sangguniin
Halimbawa:
 Arinas,Jose B. “Si Quezon ang
Pangulo.” Mabuhay,Vol.XIII
Disyembre,1965:24-26.
 Ramirez,Neriza C. “Ang Mabisang
Paghahatid.” Pag-asa, Vol.XII
Agosto,1984:20-23
Mga Dyornal
Karaniwang ang bilang ng mga
pahina ng dyornal ay tuloy-
tuloy. Ipinagpapatuloy ang
bilang ng pahina ng nakaraang
labas sa kasunod nito sa halip
na magsimula sa pahina 1
Halimbawa:
 Lumberto, Bienvenido. “Poetry of the
Early Tagalogs.” Philippine Studies.
Loyola Heights, Quezon City:
Ateneo de Manila University Press.
Vol.16,No.2.
 Kung ang dyornal sa bawat labas ng
isang tomo ay nagsisimula sa pahina
1,kailangang isama ang bilang sa
labas(issue)
Hal.
Otanes,Fe T.,Alfonso O. Santiago.
“Translation Preferences of
Educators.” Philippine Journal of
Education,VII:55
Mga Sanggunian
 Halimbawa nito ay ang
talatinigan,ensiklopedya,atlas at
yearbook. Ang mga ito ay hindi na
kailangang lagyan ng tungkol sa
paglilimbag. Tanging bilang ng
edisyon o taon lamang. Ang artikulo
na itinala ay dapat napapaloob sa
mga panipi. Ang pamagat o pangalan
ng sangguniang ginamit ay
sinasalungguhitan.
Mga Halimbawa:
 “Anito.”Ensiklopedya.Bayang
Magiliw:Ang Pilipinas at
Mamamayang Pilipino. Aklat I,A-E.
Unang Edisyon.
 Diksyunaryo- “Panitikan.”
Diksyunaryo ng Wikang Filipino.
Unang Edisyon.
 Atlas- “Hidden Face of the Moon.”
Times Atlas of the World.1981
Mga Pahayagan
 Ibinibigay ang pangalan ng sumulat,
ang pamagat ng artikulo na
nakapaloob sa mga panipi ( “ “) at
pangalan ng pahayagan ng may
salungguhit.
 Kung walang lugar ng paglilimbagan-
pangalan ng lungsod na nakapaloob
sa panaklong ( ) sa simula o hulihan
ng pamagat
Halimbawa:
 “Samu’t saring Pakinabang Mula sa
Kawayan.” Perez,Ela R. Lathalain
ng PNA:Taliba Hulyo 23,1996.
Kailan ginagamit ang kuwit?(,)
 Paghihiwalay ng apelyido sa unang
pangalan ng may-akda
 Pagitan ng pangalan ng palimbagan
at ng taon ng pagkakalimbag ng aklat
 Pagitan ng pamagat ng magasin at ng
ilang bolyum nito
 Pagitan ng buwan at nang taon nang
malathala ang magasin
Kailan ginagamit ang tuldok?(.)
 Pagitan ng pangalan ng may-akda at
ng aklat
 Pagkatapos ng pamagat ng aklat
 Pagkatapos ng taon ng
pagkakalimbag
 Pagkatapos ng pahina ng magasing
pinagsanggunian
Kailan ginagamit ang tutuldok?(:)
 Pagkatapos ng pook na
pinaglimbagan ng aklat

Ang panipi (“ “ ) ay sa pamagat ng


artikulo.
Ang panaklong( ) ay sa petsa nang
ilathala ang artikulong
pinagsanggunian
Pagbuo ng Tentatibong
Bibliograpiya(American
Psychological Association (APA))

 Gabay sa pagsulat ng Bibliograpiya:

 1) Gawing single space ang pagitan


ng bawat linya at double space ang
pagitan ng entri ng bibliograpiya
 2) Baligtad ang pagkakasulat ng lahat
ng pangalan ng awtor
(Apelyido,Unang Pangalan). Kapag
sumobra na sa anim ang itatalang
awtor sa akda ay gamitan na ito ng
ellipses at pagtapos ng elipses ay
ilagay ang pinakahuling awtor.
 3) Maging konsitent sa paggamit ng
istilo gaya ng paggamit ng
salungguhit, italics o pahilig sa
pagsulat ng pamagat ng akda
 4) Kailangan Alpabetikal batay sa
apilyedo
 5) kung walang nakalagay na awtor
ng isang akda, ayusin ito batay sa
pamagat
 6) itala ang kumpletong pamagat ng
akda na kinuhaan
 7) isulat sa malaking letra ang mga
pangunahing salita sa pamagat ng
journal

You might also like