You are on page 1of 6

Identification

1. Ito ay tungkol sa pagkilos ng paggamit ng puwersa at pananakot


upang makamit ang isang layunin.
2. Tumutukoy sa agwat sa pagitan ng mga demograpiko at mga
rehiyon na may access sa modernong teknolohiya ng
impormasyon at komunikasyon at sa mga hindi.
3. Isang uri ng sexual intercourse ng kinasasangkutan ng isang tao o
ng mga taong hindi pa naikakasal.
4. Ito ay bumubuo ng katauhan at kabuuan ng ating pagkatao.
5. Ito ay ang paglipat ng mga tao mula sa isang pook patungo sa
ibang pook upang doon manirahan ng panandalian o
pangmatagalan.
6. Nagaganap kung ang isang tao ay lumilipat ng ibang bansa upang
doon maghanapbuhay o manirahan.
7. Ito ay tumutukoy sa mga mahahalay na paglalarawan (babasahin,
larawan o palabas) na ang layunin ay pukawin ang sekswal na
pagnanasa ng manonood o mambabasa.
8. Sa batas ang Karahasan ay tinatawag na _______.
9. Isang uri ng agresyon na maituturing na mabigat at malupit
sapagkat paulit-ulit na ginagawa sa isang biktimang karaniwang
nag-iisa, mas nakababata, mas mahina ang pangatawan at
kumpiyansa sa sarili.
10. Ito ay isang seremonya ng pagpasa na nagmamarka ng
pagpasok o pagtaggap sa isang grupo o lipunan.

Multiple choice
1. Ito ay isa ng bahagi ng pang-araw araw na buhay ng isang tao. Ito ay
napabilis at tumutulong sa ating ekonomiya.
a. Agwat Teknolohikal
b. Makabagong teknolohiya
c. Digital Divide
d. Wala sa nabanggit
2. Isang uri nang Pambubulalas sa pamamagitan ng pagsasabi o pagsusulat
ng mga masasakit na bagay.
a. Pisikal na pananakot
b. Initiation
c. Harassment
d. Verbal bullying
3. Ang anumang kilos na lumabag sa misyong pang-edukasyon ng paaralan
o lumalabag sa ugnayang nag-uugat sa respeto sa kapwa o
sumasalungat sa layunin ng paaralan na maging malaya sa agresyon
laban sa kapwa o pag-ari, sa droga o bawal na gamot, armas,
pangangamba at kaguluhan.
a. Karahasan sa Paaralan
b. Karapatang seguridad
c. Karapatan at paghubog
d. B at c
4. Ang kampanyang ito ay binuo upang magbigay daan sa mga nakaranas
ng pang-aabuso at panghahamak sa paaralan.
a. Children Against Violence
b. UNICEF
c. Rights Network
d. Wala sa nabanggit
5. Ito ay sinang-ayunan at inaprubahan ng Pangulong Aquino noong
Setyembre 6, 2013 bilang isang batas, dahil sa hindi mapigilan ang
paglawak nang nagagawa ng pambubulalas sa mga mag-aaral sa mababa
at mataas na antas ng paaralan.
a. Kagawaran ng Edukasyon
b. Act of Policy 2015
c. Anti-Bullying Act of 2013
d. Kagawaran
6. Tinatawag na Batas Republika Big. 8049 na tumutuligsa sa maling
paraan ng pagbuo ng isang organisasyon at pagpataw ng sobrang
parusa sa mga kasapi nito.
a. Children Against Violence
b. Act of Policy 2015
c. Anti-Bullying Act of 2013
d. Anti-Hazing Law
7. Ang mga programang nabanggit ay nakaugnay sa pangangailangan ng
bawat paaralan kung ano ang mas epektibo at higit na makatutulong sa
kanilang mag-aaral maliban sa isa.
a. School-Management Based-Programs
b. Environmental Modification Programs
c. Violence Awareness Education
d. Effectiveness skill
8. Tawag sa mga pinoy na nangingibang bansa upang maghanapbuhay.
a. OFW
b. OWWA
c. POLO
d. DOLE
9. Ang mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,
walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang
pinuntahan.
a. Permanent Migrants
b. Irregular Migrants
c. Temporary Migrants
d. Wala sa nabanggit
10. Ay intensyong pananakit at pagparusa na humahantong sa
pamimilit o paghaharass, sobrang pamamahiya at maling pagtrato sa
miyembro.
a. Initiation
b. Hazing
c. Bullying
d. Fraternity
Tama o Mali
1. Ayon kay Thomas Friedman, ang panahon ng globalisasyon ay makikita
sa demokratisasyon ng teknolohiya, pananalapi at impormasyon.
2. Ang mga babaeng maagang namulat at nakaranas ng maagang
pakikipagtalik sa murang edad ay may posibilidad na makakuha ng mga
sakit na nakahahawa at tuluyang mauwi sa isang malubhang
karamdaman o kanser gaya ng cervical at breast cancer.
3. Dahil sa hindi nais ang pagbubuntis, nauuwi sa pagsisisi at depresyon
ang Isang babaeng nakaranas nito. Ito ay dulot ng Leukemia syndrome o
PAS.
4. Ang pagkakaroon ng responsableng ugnayan sa mga kaibigang babae at
lalaki ay himdi makatutulong sa sarili upang maging malinaw ang
damdamin at maunawaan ang katapat na kasarian.
5. Ang kampanya para sa UNICEF ay binuo upang magbigay-daan sa mga
nakaranas ng pang-aabuso at panghahamak sa paaralan.
6. Sa batas ang Karahasan ay tinatawag na “pamimilit”.
7. Ang mga bulgar at malalaswang pag-uusap ay isa sa mga maling
pananaw kaugnay ng sekswalidad.
8. Ang pagharap sa mga epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ay
nangangailangan ng mga konkretong hakbang upang maging handa ang
mga anak at mga magulang at upang mapagtagumpayan ang mga
negatibong epekto ng pangingibang bansa.
9. Ang Irregular Migrants ay tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa
ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at
manirahan nang may takdang panahon.
10. Temporary Migrants tawag sa mga overseas filipinos, na ang
layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa piniling bansa.
Enumeration:
1. Magbigay ng dalawang maling pananaw kaugnay ng
sekswalidad.
2. Apat na uri ng karahasan sa paaralan.
3. Tatlong uri ng Pambubulalas
4. Uri ng Migrasyon
5. Ang PAGKAKAIBA-IBA NG URI NG MIGRASYON
Answer Key:
Identification
1. Karahasan
2. Digital Divide o Agwat Teknolohikal
3. Pre-marital Sex
4. SEKSWALIDAD
5. Migrasyon
6. Panlabas na Migrasyon o International Migration
7. Pornograpiya o malalaswang babasahin at palabas
8. Pamimilit
9. Pambubulalas o Bullying
10. Initiation
Multiple choice
1. B - Makabagong teknolohiya
2. D – Verbal bullying
3. A - Karahasan sa Paaralan
4. A - Children Against Violence
5. C - Anti-Bullying Act of 2013 o Batas Republika 10627
6. D - Anti-Hazing Law
7. D - Effectiveness skill
8. A – OFW
9. B - Irregular Migrants
10. B -Hazing
Tama o Mali
1.Tama
2. Tama
3. Mali – post abortion syndrome o PAS
4. Mali – makatutulong
5. Mali - Children Against Violence
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Mali – Temporary Migrants
10. Mali - Permanent migrants
Enumeration:
1. (Pornograpiya o malalaswang babasahin at palabas, Pre-
marital Sex, Mga bulgar at malalaswang pag-uusap)
2. (Ang Pambubulalas (Bullying), Gang at fraternities,
Initiation, Hazing)
3. (verbal bullying, Pananakot sa Lipunan, Pisikal na
pananakot)
4. (Panloob na Migrasyon (Internal Migration), Panlabas na
Migrasyon (International Migration).)
5. (IRREGULAR MIGRANTS, Temporary migrants, Permanent
migrants)

You might also like