0% found this document useful (0 votes)
89 views6 pages

AP10

Ang dokumento ay isang pagsusulit sa Araling Panlipunan 10 na naglalaman ng 23 tanong ukol sa iba't ibang uri ng karapatang pantao. Ang mga tanong ay tungkol sa mga karapatan tulad ng kalayaan sa paggalaw, karapatan ng akusado, karapatang pantao sa ilang konteksto gaya ng prostitusyon, droga at LGBTQ+.

Uploaded by

Carlo Fernando
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
89 views6 pages

AP10

Ang dokumento ay isang pagsusulit sa Araling Panlipunan 10 na naglalaman ng 23 tanong ukol sa iba't ibang uri ng karapatang pantao. Ang mga tanong ay tungkol sa mga karapatan tulad ng kalayaan sa paggalaw, karapatan ng akusado, karapatang pantao sa ilang konteksto gaya ng prostitusyon, droga at LGBTQ+.

Uploaded by

Carlo Fernando
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

OUR LADY OF LOURDES ACADEMY OF BACOOR CAVITE INC.

B5 LOT6, 7 &8 Guijo St., Mambog IV, Perpetual Village 6,


Bacoor City, Cavite

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan 10

Pangalan: Iskor: _

Baitang at Seksyon: Petsa: _


I. Bilugan ang titik ng angkop na kasagutan sa mga sumusunod na bilang

1. Anong karapatang pantao na naaayon sa batas ang nalalabag kung ang isang tao ay hindi
hinahayaang umalis at magtungo sa ibang bansa kahit na kumpleto at legal ang lahat ng
kanyang dokumento?
A. karapatang pangkabuhayan
B. karapatang pampulitika
C. karapatang pankultura
D. karapatang sibil
2. Anong karapatang pantao na naaayon sa batas ang nalalabag kung mayroong pagpatay na
naganap kahit hindi pa napapatunayang nagkasala ang isang tao sa batas?
A. karapatang pampulitika
B. karapatang pangkultura
C. karapatan ng akusado
D. karapatang sibil
3. Ano ang tawag sa karahasang pampulitika na may kasamang pananakot na pangkaraniwang
isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasabog (bombing), pagkidnap, at asasinasyon?
A.terorismo
B. ekstrahudisyal na pagpatay
C. pananamantala
D. tortiyur
4. Anong anyo ng paglabag sa karapatang pantao ang ginawa sa mga desaparecidos o mga
aktibista o oposisyon noong panahon ni Marcos kung saan ang mga ito ay biglang dinakip at
hindi na muling natagpuan?
A. pagdukot at pagpatay
B. pagtortiyur
C. pananamantala
D. pang aalipin
5. Ano ang pinakalayunin ng Reproductive Health Law?
A. Magkaloob ng kabatiran at access sa mga tao ukol sa contraception, sexual education at
maternal care.
B. Ipalaganap ang sex education sa mga paaralan at sa bawat barangay.
C. Magbigay ng libreng contraceptive products sa lahat ng mga mamamayan.
D. Magbigay ng impormasyon sa mga mamamayan ukol sa kahalagahan ng family planning
at kalusugan.
6. Ano ang HINDI kasama sa mga probisyon ng RH Law?
A. Family Planning
B. Legal Abortion
C. Sexuality Education
D. Maternal Health Care
7. Ano ang benepisyo sa ating bansa kung maayos na maipatutupad ang Responsible
Parenthood and Reproductive Health Act of 2012?
A. Makatutulong ito sa pagbawas ng populasyon at maaalagaan ang kalusugang sekswal ng
mga mamamayan.
B. Marami ang lumalabag sa aral at turo ng ilang mag relihiyosong grupo.
C. Dadami ang mga mamamayan sa bansa na siyang makatutulong sa pagkamit ng
kaunlaran,
D. Bababa ang moralidad ng mga mamamayan dahil sa malawakang paggamit ng mga
contraceptives.
8. Ano ang prostitusyon?
A..Ito ay gawaing sekswal na may kasamang pang-aabuso at panggigipit.
B. Ito ay gawaing sekswal sa pagitan ng isang lalaki at babae.
C. Ito ay ang gawaing sekswal na may kapalit na pera, materyal o pabor
D. Ito ay ang gawaing sekswal kung saan ang isang panig ay napipilitan lamang.
9. Sa Pilipinas, ano ang karaniwang dahilan ng prostitusyon at pang aabuso?
A. Kahirapan at kakulangan sa edukasyon
B. Mayroong maling pakahulugan sa sex
C. Pagkalat ng sexually transmitted disease
D. Paninira sa pamilya at relasyong mag-asawa
10. Bakit sa bansang Pilipinas ay napakaraming hindi reported na kaso ng mga naabuso dahil sa
prostitusyon?
A. Hindi ito legal kaya natatakot magreport at maparusahan ang mga prostitute.
B. May kakulangan ang batas ukol sa mga pang-aabuso sa mga prostitute.
C. Marami ang mga dayuhan na patuloy na nangaabuso sa mga prostitute.
D. May kalayaang umalis sa prostitusyon ang isang babae o lalaki ayon sa kanyang desisyon
at karanasan.
11. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng workplace bullying na kung saan isang anyo ng
paglabag sa karapatang-pantao?
A. Pagkawala ng mga kagamitan sa kumpanya
B. Pagpapatanggal ng mga empleyado
C. Pagkasira sa reputasyon ng pamahalaan
D. Pagbaba ng produksyon ng produkto at serbisyo ng isang kumpanya
12. Noong 2017 ay naglabas ang CNN ng isang dokumentaryo na mayroon pa ring lihim na
bentahan ng mga alipin (slave trade) sa Libya at ilan sa naging mga nakaligtas na biktima
nito ay natagpuan sa isang Migrant Detention Center sa Tripoli. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng epekto nito sa mga biktima? Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang
pantao
A. Ang mga biktima ay nakaranas ng pangaabuso at kawalan ng kalayaan.
B. Ang mga biktima ay nawalan ng karapatang mabuhay.
C. Ang mga biktima ay nawalan ng karapatang kilalanin sa sarili nilang bansa.
D. Ang mga biktima ay hindi pinayagang magkaroon ng sarili nilang pagkakakilanlan.
13. Naglabas ang National Geographic ng isang dokumentaryo na pinamagatang Nightcrawlers
kung saan ipinapakita ang isang grupo ng mga vigilante na pumapatay sa mga gumagamit at
nagbebenta ng iligal na droga. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto nito? Nasusuri
ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao
A. Pagsasarado ng ilang mga negosyo
B. Pagsidhi ng galit ng mga mamamayan lalo na ang mga kaanak ng mga biktima
C. Pagtugis ng pamahalaan sa mga vigilanteng pumapatay
D. Pagtatangkang pagpapatupad ng batas militar sa bansa
14. Bakit patuloy pa rin na dumarami ang mga karapatan ng mga Rohingya ang nalalabag
hanggang sa kasalukuyan? Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao
A. Walang bansang kumikilala at lehitimong tumutugon sa kanilang pagkakakilanlan at
pangangailangan.
B. Patuloy ang pagpapahirap ng mga taga Bangladesh sa mga Rohingya.
C. Hindi tumutulong ang ibang bansa sa mga pangangailangan at sitwasyong ng mga
Rohingya.
D. Marami mga taga Rohingya ang nagpunta na sa ibang bansa upang doon na manirahan at
mamuhay.
15. Ano ang kahihinatnan ng labis na paglabag sa karapatang-pantao ng mga kabataan?
A. Hindi nagkakaroon ng inspirasyon ang mga nakatatanda
B. Nagiging mabagal ang pagbabago ng lipunan
C. Mas nagkakaroon ng bagong umiiral na sistema
D. Hindi nahuhubog ang kakayahan ng mga kabataang kinabukasan ng bayan
16. Alin sa mga sumusunod ang epekto sa mag-aaral ng bullying sa paaralan na isang anyo ng
paglabag ng karapatang pantao?
A. Nababawasan ang kumpiyansa at tiwala ng mag-aaral sa kanyang sarili
B. Paghina ng kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral
C. Pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan sa kakayahan ng mga awtoridad sa paaralan
D.Pagkawala ng reputasyon ng pamahalaan ukol sa pagsugpo ng ganitong klaseng problema
17. Alin sa mga sumusunod ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao ang pagkakaroon ng
sentralisadong pamahalaan ng Tsina na nagdulot ng pagpapakulong sa mga Human Rights
lawyers na nagbibigay ng kritisismo sa bansa?
A. Paglabag sa kalayaan sa pamamahayag
B. Diskriminasyon
C. Pagpatay sa mga taong mahihirap
D. Sapilitang paggawa
18. Ayon sa Human Rights Watch ay nasa 12 000- 30 000 na ang bilang ng mga taong
napapatay at nalalabag ang karapatan dahil sa programa ng pamahalaan laban sa droga.
Alin sa mga sumusunod ang problema na pinapakita ng ganitong datos?
A. Ang karapatan ng mga akusado at ilang mamamayan ay nalalabag.
B. Ito ay isyu sa karapatan ng mga mahihirap
C. Maraming tao ang mawawalan ng pag-asang magbago
D. Takot ang mga drug users at drug pushers sa programa ng pamahalaan.
19. Ayon sa batas ng Ehipto malaya ang mga tao na mamili ng kanilang kasarian o papel sa
lipunan ngunit ayon sa mga datos ay maraming bahagi ng LGBTQ+ ang hinuhuli at
kinukulong dahil sa kanilang pagpapakita o pagkilos base sa kanilang napiling kasarian. Alin
sa mga sumusunod na salik ang naging dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa
bansang Ehipto?
A. Relihiyon at kultura
B. Edukasyon
C. Pisikal na kaanyuan
D. Trabaho
20. Alin sa mga sumusunod na salik ang naging dahilan ng diskriminasyon na karaniwang
nararanasan ng mga transexual at intersex?
A. Trabaho
B. Relihiyon at kultura
C. Edukasyon
D. Pisikal na kaanyuan
21. Bagamat mas maraming ginugugol na oras ang mga kababaihan sa pagtatrabaho sa loob at
labas ng tahanan, bakit lumalabas sa mga pag-aaral na mas malaki pa din ang kontribusyon
ng kalalakihan sa GDP ng bansa?
A. Ang trabaho nila ay walang kinalaman sa pagpapa-unlad ng bansa.
B. Marami pa din ang may tiwala sa mga kalalakihan.
C. Kaunti lamang ang hanap-buhay para sa mga kababaihan.
D. Kadalasan ay mas malaki ang kinikita ng mga lalaki kaysa sa mga babae.
22. Alin sa mga sumusunod ang tama patungkol sa kinalaman ng kapangyarihan sa
diskriminasyon sa kasarian?
A. Kapag mas madali kang nakakakontrol sa mga yaman at mga aspeto ng lipunan,
naibibigay mo ang maliliit na gampanin sa katapat na kasarian.
B. Mas maraming tao ang naghahanap ng trabaho na bagay sa kanila.
C. Mas napagtutuunan ng pansin ang mga kalalakihan dahil sa mga nagagawa nito sa
kasaysayan.
D. Hinahayaan ang kababaihan na maging mababa ang tingin sa kanila ng mga kalalakihan
dahil ito ay nasa kanilang kanilang kultura.
23. Bakit kaya sa kabila ng pagkakaraoon ng Republic Health Law ay patuloy pa rin ang pagtaas
ng populasyon sa Pilipinas at pagdami ng mga unwanted pregnancies sa Pilipinas?
Naipapahayag ang sariling saloobin sa Reproductive Health Law (MM)
A. Mayroong pagkukulang sa pagpapalawing ng implementasyon ng batas sa buong bansa.
B. May mga kulang na probisyon sa batas.
C. Lalong bumababa ang moralidad ng mga mamamayan lalo na ng mga kabataan.
D. Hindi nagagampanan ng Simbahan ang kanyang tungkuling ituro ang nararapat sa mga
mamamayan.
24. Alin sa mga sumusunod ang pulitikal na epekto ng pagsasalegal sa same-sex marriage?
A. Nangangamba ang mga same-sex couples sa mga diskriminasyon na maaring mangyari
sa kanilang mga anak.
B. Nadagdagan ang kita ng pamahalaan dahil sa buwis mula sa mga same-sex couples.
C. Nahihirapan ang mga same-sex couples na magkaroon ng sariling anak kaya nag-aampon
ang mga ito.
D. Nagkakaroon ng pagbabago sa batas ukol sa mga patakaran at pamantayan sa
pagpapakasal.
25. Alin sa mga sumusunod ang panlipunang epekto ng pagsasalegal sa same-sex marriage?
A. Nagkakaroon ng pagbabago sa batas ukol sa mga patakaran at pamantayan sa
pagpapakasal.
B. Mas marami ng bahagi ng LGBTQ+ community ang nagkakaroon ng trabaho.
C. Nadagdagan ang kita ng pamahalaan dahil sa buwis mula sa mga same-sex couples.
D. Nangangamba ang mga same-sex couples sa mga diskriminasyon na maaring mangyari
sa kanilang mga anak.
26. Alin sa mga sumusunod ang epektong pang-ekonomiya ng pagsasalegal sa same-sex
marriage?
A. Nadagdagan ang kita ng pamahalaan dahil sa buwis mula sa mga same-sex couples o
miyembro ng LGBTQ+ community.
B. Nagkakaroon ng pagbabago sa batas ukol sa mga patakaran at pamantayan sa
pagpapakasal.
C. Nagkakaroon ng mga benepisyo tulad ng social security at ilang karapatan ang mga
same-sex couples.
D. Nangangamba ang mga same-sex couples sa mga diskriminasyon na maaring mangyari
sa kanilang mga anak.
27. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa isang
tao?
A. Pagkakaroon ng paulit-ulit na uri ng trabaho
B. Pagkatigil sa pag-aaral
C. Pagkalat ng mga sekswal na sakit
D. Pisikal at sikolohikal na sakit
28. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng pagdami ng kaso ng prostitusyon at pang-aabuso sa
isang bansa?
A. Malawak na pagkalat ng mga sexually transmitted disease
B. Sikolohikal na sakit
C. Maling pakahulugan sa sex
D. Pagkatigil sa pag-aaral ng mga kabataan
29. Ang pagkakaroon ng mga Labor Camps para sa migrant workers sa Qatar ay nagpapakita ng
paglabag sa karapatang pantao dahil sa pagkakaroon ng marumi at masisikip na lugar para
sa mga migrant workers. Nagkakaroon din ng hindi magandang pakikitungo ang mga amo
nito sa kanila ayon sa mga balita dito. Alin sa mga sumusunod ang anyo ng paglabag sa
karapatang pantao ang pinakita dito? Nasusuri ang mga halimbawa ng paglabag sa
karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig
A. Pagpigil sa kalayaan ng pamamahayag
B. Pagpatay
C. Pagkabilanggo
D. Diskriminasyon at pang-aabuso
30. Bakit mahalagang maunawaan at ipaglaban ng bawat isa ang kanyang karapatan?
A. Upang makamtan ang mga bagay na dapat nating tinatamasa bilang isang tao
B. Mas magiging matatag ang pagkakakilanlan ng bawat isa
C. Nakikita ang pagiging epektibo ng mga pulitiko sa isang bansa
D. Dahil ito ang magdadala sa mga mamamayan sa marangyang buhay.
31. Sunod sunod ang pagpatay ng ilang mga pulis at mga vigilante sa mga pinaghihinalaang
gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga. Pinapatay ang mga ito kahit na walang sapat na
ebidensya o hindi nagkaroon ng due process. Bilang isang mag-aaral ano ang iyong
nararapat gawin upang makatulong na mapangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan
sa iyong bansa ayon sa isyu na binanggit sa sitwasyon?
A. Basahin ang comments’ section at sagutin ang lahat ng mga netizens na may maling
pananaw
B. Magbigay ng mga opinyon at kuro-kuro sa mga isyu
C. Manood at magbasa ng mga balita ukol sa usaping ito
D. Magshare o magpost ng mapagkakatiwalaang impormasyon sa social media
32. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang
karapatan?
A.Ipinahahayag ni Alyssa ang kanyang saloobin ukol sa mga isyu at problema ng bansa sa
diplomatikong paraan.
B.Binigyan ni Carlo ang kanyang anak ng isang napakagandang pangalan
C. Nakakapag-aral si John sa isang sikat at magandang unibersidad sa Maynila
D. Binoboto ni Jean ang mga pulitikong ieendorso ng kanyang relihiyong pinapanigan
33. Ipinagkakaloob ng iyong mga magulang ang lahat ng iyong mga kagustuhan at mga
pangangailangan ngunit nang ikaw ay magkokolehiyo na ay pinipilit nilang kunin mo ang
kursong nais nila at mag-aral sa unibersidad na nais rin nila kahit ibang kurso at kolehiyo ang
gusto mong kunin at pag-aralan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Sasabihin ko ang aking nais at ipapaliwanag sa kanila ang totoong saloobin ko
B. Susundin ko ang lahat ng nais ng aking mga magulang dahil mahal nila ako
C. Hindi ko na itutuloy ang aking pag-aaral dahil hindi ko gusto ang ipinapagawa nila
D. Magpapatuloy ako sa nais nila pagkatapos ay papatunayan ko na hindi ako magaling sa
kursong pinili nila
34. Tuwing panahon ng eleksyon ay nagbibigay ang inyong simbahan ng listahan ng mga
pulitikong dapat iboto ng inyong kongregasyon. Bukod rito ay kinakampanya pa ng inyong
mga pinuno ang mga pulitikong ito. Ikaw ay rehistradong botante na ngayon, ano ang
nararapat mong gawin?
A. Iboboto ko ang sa tingin kong karapat-dapat sa posisyon
B. Iboboto ko ang mga pulitikong wala sa listahang ibinigay sa amin
C. Iboboto ko ang mga pulitikong nasa listahan ng aming simbahan
D. Iboboto ko ang mga pulitikong nasa listahan kung mayroon silang maitutulong sa aming
simbahan
35. Ilan sa mga katutubong pangkat na nakararanas ng matinding diskrimasyon at panggigipit
ngayon ay ang mga Lumad. Bilang isang mag-aaral ano ang marapat mong gawin upang
makatulong na mapangalagaan at maipaglaban ang kanilang karapatan?
A. Ipaalam sa mga tao ang kalagayan ng mga Lumad sa pamamagitan ng social media
B. Magbasa at maging maalam sa mga isyu at probemang kinakaharap nila
C. Mag-organisa ng isang rally upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga Lumad
D. Maginterbyu ng mga tao kung ano sa tingin nila ang maaaring itulong sa mga Lumad
36. Kabi-kabila ang mga balita ukol sa paglabag sa karapatan ng mga tao. Bilang isang mag-
aaral ano ang nararapat mong gawin upang makatulong na mapangalagaan ang karapatan
ng bawat isa?
A. Maging maalam sa mga karapatang ito at huwag hayaang labagin ng iba.
B. Sumunod palagi sa mga batas at ordinansa ng mga nasa posisyon.
C. Palaging magbigay alam sa mga tao ukol sa mga pangyayari sa iyong buhay.
D. Paniwalaan ang mga pangako at sinasabi ng pamahalaan ukol sa pagkamit ng karapatan.
37. Sa Pilipnas, ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga bahaging ginagampanang ng
kasarian sa institusyong panlipunang pamahalaan?
A. Patuloy na dumadami ang mga kababaihang nagkakaroon ng posisyon sa pamahalaan.
B. Mas maraming kababaihan kaysa kalalakihan ang tumatakbo kapag eleksyon.
C. Ang mga lalaki lamang ang may karapatan na magkaroon ng posisyon sa pamahalaan
D. Mas marami nang kababaihan kaysa sa mga lalaki ang nagkakaroon ng posisyon sa
pamahalaan.
38. Paano nakikita ang pagtatakda ng gender roles sa trabaho o workplace?
A. Karaniwang ibinibigay sa mga babae ang magagaang o hindi masyadong pisikal na
trabaho.
B. Mas maraming babae ang nagkakaroon ng promosyon kaysa sa mga lalaki.
C. Ang mga nasa ikatlong kasarian ang ginagawang tagapanguna sa mga mahihirap na
gawain.
D. Pinipili kadalasan ng mga employer ang mga nasa ikatlong kasarian dahil sila ay mas
masikap
39. Ano ang nararapat gawin upang malutas ang suliranin ukol sa prostitusyon at pang-aabuso
sa bansa?
A. Higpitan ang paglalapat ng parusa sa mga sangkot sa prostitusyon.
B. Gawing mahigpit ang mga hotel at motel sa mga guest o bisitang kanilang tinatanggap.
C. Ipasarado lahat ng bar at mga night clubs dahil dito madalas nagaganap ang prostitusyon.
D. Magbigay ng mas maraming trabaho sa mga kababaihan upang maiwasan ang trabahong
may kinalaman dito.
40. Ano ang nararapat na gawin sa mga minor de edad na nahuling nagbebenta ng kanilang
sarili?
A. Ikulong kasama ng mga kriminal sapagkat sila ay may pagkakaunawa na at maaari na
silang managot sa batas.
B. Magkaloob sa kanila ng hanap-buhay o alternatibong pagkakakitaan.
C. Turuan ang mga magulang na maging responsable sa paggabay sa kanilang mga anak.
D. Ipasok sa isang institusyong gagamot at mangangalaga sa mga kondisyong nakuha nila
dahil dito.

You might also like