You are on page 1of 6

_____1.

Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa


oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Ano ang pangunahing layunin nito?

a.Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.


b. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
c. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT.
d. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.

_____2. Ano ang kahulugan ng acronym na SOGIE?

a.Sex Orientation and Gender Identity and Expression.


b. Same sex Orientation and Gender Identity Expression.
c. Sexual Orientation and Gender Identity and Expression.
d. Sexual Orientation and Gender Identification Expression.

_____3. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,


emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng
sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa:

a. Gender Crisis b. Gender Identity c. Sexual Identity d. Sexual Orientation

_____4. Ito ay malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing
niya sa sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at
pagkilos. a. Gender Crisis b. Gender Identity c. Sexual Identity d. Sexual Orientation

_____5. Ito ay mga tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian. a.
Asexual b. Bisexual c. Homosexual d. Heterosexual

_____6. Ano ang gender roles? a. Kamulatang pangkasarian b. Pagkakaiba sa pagitan ng babae at lalaki
c. Pangkat ng mga pamantayan ng pag-uugali at panlipunan na itinuturing na akma o angkop sa lipunan
d. Tumutukoy sa tungkulin o papel kung saan kaakibat nito ang responsibilidad na kailangang gampanan
ng bawat isa

_____7. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sakaling makita niya
itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito? a. Ang babae ay maaari lamang mag-
asawa b. May pantay na karapatan ang lalaki at babae c. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming
asawa d. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon
kaysa sa kababaihan

_____8. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan (bata at
matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya.
Ano ang pangunahing layunin nito?

a. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan


b. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
c. Ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan
d. Upang mapanatiling puro at dalisay ang hanggang sa siya ay makasal

_____9. Isa sa mga pangkulturang pangkat ng New Guinea na kung saan kilala rin sila sa tawag na biwat.
Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat. Ano ang tawag sa pangkat na ito ng New Guinea?

a. Arapesh c. Tchambuli
b. Chambri d. Mundugamur

_____10. May panahon na bukod sa hindi pagboto ng kababaihan sa ilang bansa sa Africa at Kanlurang
Asya isa din na ipinagbabawal sa nabanggit na mga bansa ay ang

a. Paglalakbay c. Pagmamaneho
b. Pag-aasawa d. Paglabas ng gabi

_____11. Ang Arapesh ay nangangahulugang:

a. Tao c. Anak
b. Biwat d. Chambri

_____12. Anong karapatan ang matagal ng pinagkaloob sa kababaihan ng mga bansa sa Africa at Timog
Asya noong ikalawang bahagi ng ika-20 siglo?

a. Pagboto c. Pag-aasawa
b. Paglalakbay d. Pagmamaneho

_____13. Anong bansa ang pinayagan ang kababaihan na bumoto noong 1952?

a. Syria c. Lebanon
b. Yemen d. Saudi Arabia

_____14. Ang FGM ay nangangahulugang:

a. Fatal Genital Mutilation c. Female Genital Mutilation


b. Fetus Genital Mutilation d. Female Genitics Mutigation

_____15. May panahon sa bansang ito na kung saan hindi pinapayagang magmaneho ang mga babae na
walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa, magulang o kapatid), ngunit natamasa nila ang
karapatang ito noong 2018.

a. Egypt c. Africa
b. Syria d Saudi Arabia
1. Ang breast ironing o breast flattening ay isang uri ng karahasan laban sa mga batang babae sa
Cameroon. Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang nakakapinsalang kasanayan ng
pagyupi ng suso sa sumusunod na bansa maliban sa _____________.

A. Benin C. Zimbabwe
B. Kenya D. Uganda

2. Itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of Violence Against Women
upang ________________.

A. mapalaganap ang kaalaman tungkol sa karahasan sa mga kababaihan at kung paano ito matatanggal o
malilimitahan
B. maalala ang kabutihan ng mga babae
C. malaman ang kagandahan ng mga babae
D. makilala ang mga nagawa ng mga kababaihan

3. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng mga batang
kababaihan nang walang anumang benepisyong medikal. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa
ng Female Genital Mutilation (FGM) sa Africa at Kanlurang Asya?

A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala.


B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan.
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal.

4. Ang breast ironing o breast flattening ay isang tradisyonal na kaugalian ng sapilitang pagyupi o
pagbayo sa suso ng mga batang babae gamit ang mga maiinit na bagay upang mapigilan ang pagbuo
nito. Alin sa mga sumusunod ang hindi malinaw na dahilan kung bakit ito ginagawa?

A. upang maiwasan ang mga sakit


B. upang maiwasan ang pagkagahasa
C. upang maiwasan ang paghinto sa pag-aaral
D. upang maiwasan ang maagang pagbubuntis

5. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa
daigdig. Ang kaugaliang foot binding noon sa China ay naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang
kababaihan. Pinaniniwalaan na ang pagkakaroon ng “lotus feet” ay nangangahulugan ng __________
maliban sa isa.

A. simbolo ng ganda
B. simbolo ng yaman
C. karapat-dapat sa pagpapakasal
D. karapat-dapat sa marangyang pamumuhay

6. Sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang
maitago ang kanilang mukha at maging ang hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?

A. Burga C. Niqab
B. Purdah D. Malong
7. Ang karahasan na nakabatay sa kasarian ay isang karahasan na nakadirekta laban sa isang tao dahil sa
kanilang kasarian. Parehong kababaihan at kalalakihan ang maaring maging biktima. ngunit ang
karamihan sa mga biktima ay kababaihan at babae. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng
karahasan maliban sa isa.

A. Humihingi ng tawad at nangangakong magbabago.


B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan.
C. Madalas sinasabi na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasakal o sinasaktan ang mga anak o alagang hayop.

8. Ang GABRIELA ay isang pambansang alyansa ng samahan ng mga kababaihan sa Pilipinas, na


lumalaban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan. Pokus ng kampanya ay tinaguriang
“Seven Deadly Sins Against Women”. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama rito?

A. Pambubugbog C. Panggagahasa
B. Pagnanakaw D. Pananakit

9. Ang sumusunod ay nagpapakita ng karahasan sa lahat ng kasarian. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng
“domestic violence”?

A. Patuloy na tinatanggihan ang mga saloobin, ideya at opinyon.


B. Nagmumura kapag nakainom ng alak o gumagamit ng droga.
C. Nagsasabi na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender.
D. Nananakit o nambubugbog ng asawa dahil sa selos.

10. Ang Anti-Homosexuality Act of 2014 ay nagsasaad na ang same- sex relations at marriages ay
maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo. Aling bansa ang nagpapahayaag nito?

A. India C. Uganda
B. China D. Saudi Arabia

11. Taon na tinanggal ang sistemang foot binding sa China ay panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen
dahil sa hindi mabuting dulot ng tradisyong ito?

A. 1911 C. 1913
B. 1912 D. 1914

12. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

A. pang-aabuso C. pagsasamantala
B. diskriminasyon D. pananakit

13. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig mo. Masyado ka raw
mailap sa kanya. Sa pag-aalala mong iiwan ka niya, tinanong mo siya kong ano ang kailangan upang
mapatunayan mong hindi ka niya iiwan. Tinitigan ka niya at tinanong, kung talagang mahal mo ako,
handa ka bang ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa?” Bilang isang mapanagutang
lalaki o babae, ano ang gagawin mo?
A. Magtatanong o kokonsulta sa guidance counselor.
B. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi pa handa sa nais niya.
C. Isusumbong ko siya sa kanyang mga magulang.
D. Kakausapin siya at sasabihing hindi ka pa handa para sa ganitong uri ng ugnayan.

14. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa
sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng
hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal. Ano ang tawag sa pinaliit na paa
ng mga sinaunang kababaihan sa China.

A. FGM C. Lotus Feet


B. Sharo D. Sunna 1

15. Si Raul ay naniniwala na dapat ang lalaki ang nasusunod at may awtoridad sa pamilya. Anong uri ng
diskriminasyon ang ipinapahayag dito?

A. edad C. kulay ng balat


B. kasarian D. lahi

You might also like