You are on page 1of 2

SAINT MICHAEL COLLEGE OF HINDANG LEYTE INC.

A Bonifacio St., Poblacion II, Hindang Leyte


Website: smchindang.edu.ph
E-mail: smchindang@gmail.com

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


2nd Semester, S.Y. 2018 - 2019

Pre 4th Quarter Examination in Araling Panlipunan 10


(Mga Kontemporaryong Isyu)

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: ______________ Iskor: ____________

Test I. Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay tama at lagyan naman ng ekis () kung hindi.

__________ 1. Ang prostitusyon ay ideneklara nang legal sa ibang bansa.


___________ 2. Ang kahirapan ay naging dahilan sa prostitusyon
___________ 3. Ang prostitusyon ay hindi nagdudulot ng sakit.
___________ 4. Ang Night Clubs at Public houses ay iilan lamang sa mga palatandaan sa prostitusyon
___________ 5. Ipinatutupad RH Law ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mag-asawa lalo na ang walang
kakayanan sa buhay
___________6. Layunin nito na ipalaganap sa iilang piling lugar lamang ng bansa ang mga paraan ng kontrasepsiyon,
edukasyong seksuwal, at pangangalaga sa ina.
___________ 7. Naipapatupad na ang sex education sa ating bansa
___________ 8. Laganap ang prostitusyon sa pamamagitan ng porn sites na naghihikayat ng cybersex at phone sex
___________ 9. Karamihan sa mga nagpapalaglag ng bata ay mga babaeng may asawang ayaw nang madagdagan ang kanilang
mga anak.
__________ 10. Mas nakagiginhawa sa buhay ang mga Pilipinong mas maliit ang pamilya.

Test II. Identipikasyon. Tukuyin ang tamang sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

__________ 11. Ito ay Simpleng pagamit ng katawan ng tao upang kumita ng pera.
a. Prostitusyon b. aborsyon c. plantasyon d. walang tamang sagot
__________ 12. Bakit maraming kaso ng abortion sa Pilipinas kahit na ito ay ipinagbabawal ng batas?
a. Mura at madali ang pagpapalaglag ng bata
b. Maraming nabubuntis nang hindi nila sinasadya
c. Maraming mga kabataan ang sangkot sa premarital sex
d. Liberal at modern ang pag-iisip ng karamihan sa mga Pilipino
__________ 12. Bakit tutol ang simbahang katoliko sa abortion?
a. Napipigil nito ang paglaki ng populasyon
b. Nilalagay nito sa panganib ang isang ina
c. Lalo lamangnitong pinangangatawanan ang premarital sex
d. Naniniwala ito na ang buhay ay nagsisimula sa pagkabuo sa sinapupunan ng ina
__________ 13. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang suliranin sa abortion?
a. Umaaksiyon ito para sa pagpapatibay ng batas na nagbabawal dito
b. Naglalaan ito ng sex education para sa mga kabataan at pamamahagi ng kontrasepsiyon
c. Nagpapataw ito ng matinding parusa sa sinumang gumawa nito
d. Nagbibigay ng tulong-medikal sa mga babaeng nagpapalaglag ng bata
__________ 14. Bakit may malaking debate ukol sa reproductive health law sa Pilipinas?
a. Konserbatibo ang mga Pilipino
b. Naniniwala ang ibang Pilipino na hindi ito kailangan
c. Itinataguyod nito ang pagiging mulat ng mga kabataan sa sex
d. May mga hindi sang-ayon sa pamamahagi ng mga birth control o family planning devices
__________ 15. Bakit maraming mga babae ang nasasadlak sa prostitusyon?
a. Dahil sa matinding kahirapan
b. Dahil sa karanasan ng pang-aabuso
c. Dahil sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot
d. Dahil sa kakulangan sa edukasyon tungkol sa reproductive health
__________ 16. Bakit sinasabing parang naging legal na ang prostitusiyon sa Pilipinas?
a. Sobra na itong talamak sa lipunan
b. Napakalaki ng kita ng mga sangkot dito
c. Hindi nanghuhuli ang mga maykapangyarihan
d. Dumadayo sa Pilipinas ang mga banyaga para rito.
__________ 17. Paano nagkakaugnay ang prostitusyon at pornograpiya?
a. Ang mga nalululong sa pornograpiya ay nahihikayat sumuporta sa prostitusyon
b. Ang mga sangkot sa pornograpiya ay sangkot din sa prostitusyon
c. May mga batas na ipinagbabawal ito
d. Kapwa ito malalang suliranin ng lipunang Pilipino
__________ 18. Bakit sinasabing bahagi na ng ating kasaysayan ang prostitusiyon?
a. Binibigyan-priyoridad sa serbisyo ang mga LGBT
b. Hindi ito mabuting katangian ng lipunang Pilipino
c. Panahon pa ng kolonyalisasyon ay laganap na ito sa Pilipinas
d. Ang Pilipinas anag may pinakamalalang suliranin dito sa buong Asya
__________ 19. Paano tumulong ang Estados Unidos sa pagpapababa ng populasyon ng Pilipinas?
a. Nagbenta ito ng iba’t-bang produkto para sa birth control
b. Naglunsad ito ng mga programa para sa reproductive health
c. Pinonduhan nito ang pamamahagi ng family planning device
d. Inimpluwensyahan nito ang pamahalaan ng Pilipinas na ipasa ang RH law.
__________ 20. Paano mailalarawan ang argumento ng mga nais gawing legal ang prostitusyn sa Pilipinas?
a. Ito ay makakalutas sa suliranin ng prostitusyon
b. Ito ay pipigil sa mga kabataang mahihikayat pumasok sa gawaing ito
c. Ito ay makakatulong sa pagsugpo ng kahirapan ng maraming Pilipino
d. Ito ay makapagbibigay ng mga maraming karapatan sa mga prostitute

Test III. Enumerasyon


1. Limang (5) bansa na itinuturing na legal ang prostitusyon
2. Limanag (5) bansa na itinuturing na illegal ang prostitusyon
3. Limang (5) dahilan ng prostitusyon
4. Limang (5)epekto ng prostitusyon

Test IV. Essay


1. Napapanahon na bang dapat nang gawing legal ang prostitusyon ditto sa ating bansa? Bakit?

“If you can dream you can do it. Best wishes for your bright future”

Prepared by :
Riza Mae B. Fortuna, LPT, MM

You might also like