You are on page 1of 2

Name: _______________________ Section: ______________ Date: ________________

Panuto: Isulat ang salitang TO VOTE kung maaaring bumoto ang sumusunod at NOT TO VOTE naman kung hindi.
Isulat sa papel ang sagot.
______1. Si Kim ay isang Pilipino at isang rehistradong nars sa Amerika. Mahigit sampung na taon na siyang
naninirahan doon at regular ding nagbabakasyon sa bansa.
______2. Nasakdal si Arturito sa isang krimen na may kaparusahang reclusion perpetua subalit wala pa ring pinal na
desisyon ang hukuman ukol sa kanyang kaso.
______3. Maglalabing-walong taong gulang si Alex sa darating na eleksiyon sa Mayo.
______4. Mahigit tatlong dekadang nanirahan sa Europa si Rose bago niya napagdesisyunang manatili na sa Pilipinas.
Sa idaraos na halalang lokal sa susunod na taon ay saktong isang taon na siya sa bansa.
______5. Isa si Ramil sa mga napatunayang nanguna sa rebelyon.
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng voluntary organization ang ipinakikilala sa bawat bilang. Isulat sa papel ang PO
kung people’s organization ito, at NGO naman kung non-governmental organization.
______6. Bantay Kalikasan
______7. Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas
______8. Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators
______9. Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas
______10. Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat sa papel ang letra ng angkop na sagot sa bawat bilang.
11. Ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan ay kilala rin sa tawag na:
A. Estado. C. kagalingan.
B. indibiduwal. D. sibiko.
12. Ang mga karapatan sa halal ang nilalaman ng mga probisyon ng Saligang-Batas ng 1987 sa:
A. Artikulo V. C. Artikulo III.
B. Artikulo IV. D. Artikulo II.
13. Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng mga social enterprises?
A. kumita ng malaki
B. lumikha ng trabaho
C. mapababa ang antas ng kahirapan
D. mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan
14. Ang mga negosyong gumagawa ng produkto at nagbibigay ng mga serbisyo upang mapabuti ang pamumuhay ng
mga mahihirap na tao ay maaaring uriin bilang:
A. social businesses. C. social organization.
B. social enterprises. D. corporate social responsibility.
15. Batay sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay halimbawa ng disadvantaged sectors
maliban sa:
A. magsasaka.
B. persons with disabilities.
C. mga maralitang taga-lungsod.
D. mga taong ang kita ay mas mababa sa poverty threshold.
16. Nakapaloob sa konsepto ng kamalayang pansibiko na:
A. ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang lipunan.
B. ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapwa.
C. ang lipunan ay may pananagutan sa kaniyang mga mamamayan.
D. ang mga mamamayan ay may pananagutan sa kaniyang lipunan.

17. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino?
A. pagboto
B. laging pagsunod sa batas
C. wastong pagbabayad ng buwis
D. pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan
18. Bakit mahalaga ang pagboto?
A. Naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan.
B. Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino.
C. Nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na opisyal ng pamahalaan.
D. Naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal.
19. Ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at
mga voluntary organizations ay kilala sa tawag na:
A. civil society. C. people’s organizations.
B. social enterprises. D. non-governmental organizations.
20. Kinikilala ng Artikulo II o pahayag ng mga simulain at mga patakaran ng Estado ng Saligang Batas ng 1987 ang
kahalagahan ng mga civil society sa kagalingan ng bansa. Matatagpuan ito sa:
A. Seksiyon 21. C. Seksiyon 23.
B. Seksiyon 22. D. Seksiyon 24.
21. Ito ang voluntary organization na naglalayong isulong at pangalagaan ang interes ng mga miyembro nito na
kinabibilangan ng mga cause-oriented group at sectoral group.
A. civil society. C. people’s organizations.
B. social enterprises. D. non-governmental organizations.
22. Ang sumusunod ay halimbawa ng non-governmental organizations maliban sa:
A. Bantay-Kalikasan.
B. Earthsavers’ Movement.
C. Clean and Green Foundation, Inc.
D. Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas.
23. Ang voluntary organization na naglalayong suportahan ang mga programa ng mga sectoral at cause-oriented group
ay ang:
A. civil society. C. people’s organizations.
B. social enterprises. D. non-governmental organizations.
24. Ang mga non-governmental organizations ay katuwang ng mga bayan, lungsod o lalawigan sa pagbuo ng mga
komprehensibong plano tungo sa kaunlaran. Isa ito sa mga itinatadhana ng:
A. Saligang Batas ng Pilipinas.
B. Local Government Code of 1991.
C. Social Reform and Poverty Alleviation Act.
D. Poverty Reduction through Social Entrepreneurship.
25. Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas?
A. Nasisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin.
B. Binibigyan nito ang mga mamamayan ng mas malawak napakikilahok sa pamamahala ng bansa.
C. Mas napaghuhusay ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga
gawaing panlipunan.
D. Mas nakatutugon ang pamahalaan sa mga suliranin at problemang kinakaharap ng mga mamamayan sa
tulong ng iba’t ibang samahan.

You might also like