You are on page 1of 37

Karapatang

Pantao
Mahalaga bilang isang aktibong
mamamayang Pilipino na malaman mo ang
iyong mga karapatan. Kinikilala ng daigdig
ang kahalagahan ng “katutubong
karangalan at sa pantay at hindi makakait
na mga karapatan ng lahat ng nabibilang
sa angkan ng tao” bilang “saligan ng
kalayaan, katarungan at kapayapaan sa
daigdig”. Ang mga karapatang pantao ay
may malaking maitutulong upang
mabigyan ka ng proteksiyon laban sa mga
tao o grupo ng taong nais mang-api at
magsamantala.

Presentation Title
• Ang mga karapatang pantao
ay yaong mga karapatan na
kinakailangan para sa ating
buhay bilang tao. Kung wala
tayong karapatang pantao,
Ano ang hindi natin lubusang
magagamit at mapauunlad
Karapatang ang ating mga katangian, ang
Pantao? ating talino, talento at
espiritwalidad.
• Ang karapatang pantao ay ang
mga karapatan na tinatamasa
ng tao sa sandaling siya ay
isilang.
9/3/20XX Presentation Title 5
Ang mga pangangailangan ng
tao ay dapat matugunan upang
Ano ang siya ay mabuhay. Karapatan
Karapatang ng tao na matugunan ang
Pantao? kanyang mga pangangailangan
upang siya ay mabuhay nang
may dignidad bilang tao.

9/3/20XX Presentation Title 6


• Ang pagkilala sa karapatang
pantao ay pagkilala sa
karapatan ng iba.
• Ang pagkilala sa karapatan ng
iba ay nagsasaad ng ating
Karapatan ng obligasyon na igalang ang
karapatan ng lahat ng tao.
Bawat Tao Kung lahat ng mamamayan ay
kumikilala sa karapatan ng
bawat isa, malaki ang
posibilidad ng kapayapaan sa
lahat ng aspekto ng ating
buhay sa lipunang Pilipino.

9/3/20XX Presentation Title 7


Batayang Legal ng
Karapatang Pantao
Ang Pandaigdigang
Deklarasyon ng Karapatang
Pantao (Universal Declaration
of Human Rights o UDHR)
-United Nations

9/3/20XX Presentation Title 9


9/3/20XX Presentation Title 10
Nagtakda ang United Nations ng isang
pangkalahatang pamantayan ng karapatang
pantao para sa lahat ng bansa noong 1948,
nang itinatag nito ang Universal
Declaration of Human Rights (UDHR).
Sa pamamagitan ng deklarasyong ito,
kinikilala ng pamahalaan ang kanilang
obligasyon na siguraduhing lahat ng mga
tao, mayaman at mahirap, lalaki o babae, at
mula sa anumang lahi at relihiyon, ay
tatratuhin nang pantay.

Presentation Title 11
Mga Karapatang sa ilalim ng UDHR

• Sibil -ang mga karapatan ng tao upang


mabuhay na malaya at mapayapa.
• Politikal -ang mga karapatan ng tao na
makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon
ng pamayanan.
• Ekonomiko (pangkabuhayan) -ang mga
karapatan ukol sa pagsusulong ng
kabuhayan at disenteng pamumuhay.
• Sosyal (panlipunan) -ang mga karapatan
upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at
isulong ang kanyang kapakanan.
• Kultural -ang mga karapatan ng taong
lumahok sa buhay kultural ng pamayanan
at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad
ng pamayanan.
Presentation Title 12
Ang mga Probisyon ng
UDHR ay ang mga
sumusunod:
1. malaya at pantay-pantay (free
and equal);
2. kalayaan mula sa
diskriminasyon (freedom from
discrimination);
3. karapatan sa buhay (right to
life);
4. kalayaan mula sa pang-aalipin
(freedom from slavery);
5. kalayaan mula sa pagpapahirap
(freedom from torture);
6. karapatang kilalanin sa harap
ng batas (right to recognition
before the law);
7. karapatan sa pagkakapantay-
pantay sa harap ng batas (right
to equality before the law);
8. karapatan sa mabisang lunas ng
karampatang mga hukumang
pambansa (access to justice);
9. kalayaan mula sa ‘di-
makatwirang pagdakip
(freedom from arbitrary
detention);
10. karapatan sa isang
makatarungan at hayag na
paglilitis (right to a fair trial);
11. karapatang ituring na walang-sala
hanggang ‘di napatutunayang
nagkasala alinsunod sa batas
(presumption of innocence);
12. karapatan sa ‘di-makatwirang
panghihimasok (right to privacy);
13. kalayaan sa pagkilos at
paninirahan (freedom of
movement);
14. karapatang humanap at
magtamasa sa ibang bansa ng
pagpapakupkop laban sa pag-
uusig (right to asylum);
15. karapatan sa isang
pagkamamamayan (right to
nationality);
16. karapatang mag-asawa at
magpamilya (right to marriage
and to found a family);
17. karapatang mag-angkin ng ari-
arian (right to own property)
18. kalayaan ng pag-iisip, budhi at
relihiyon (freedom of religion or
belief);
19. kalayaan ng pagkukuro at
pagpapahayag (freedom of
expression);
20. kalayaan sa mapayapang
pagpupulong at pagsasamahan
(freedom of assembly);
21. karapatang makilahok sa
pamahalaan (right to partake in
public affairs);
22. karapatan sa kapanatagang
panlipunan (right to social
security);
23. karapatan sa paggawa (right to
work);
24. karapatan sa pamamahinga at
paglilibang (right to leisure and
rest);
25. karapatan sa isang pamantayan ng
pamumuhay na sapat (right to
adequate standard of living);
26. karapatan sa edukasyon (right to
education);
27. karapatang makilahok nang
malaya sa buhay pangkalinangan,
sining at siyensiya (right to
cultural, artistic and scientific
life);
28. karapatan sa kaayusang
panlipunan at pandaigdig (right to
a free and fair world);
29. tungkulin sa pamayanan (duty to
your community); at
30. hindi maiaalis ang mga
karapatang inilahad sa pahayag
na ito (rights are inalienable).
1. Ayaw kang pag-aralin ng iyong ina
dahil walang mag-aalaga sa iyong
bunsong kapatid.
2. Pinadalhan ka ng sulat ng pinsan mo.
Bukas na nang ibinigay sa iyo.
3. Maaaring magtayo ng tirahan sa
Subukin ang alinmang bakanteng lupa o sa pook na
maibigan ng tao.
Kaalaman
4. Hinuhuli at pinarurusahan ang mga
taong nagsasalita laban sa pamahalaan.
Tukuyin kung anong karapatang pantao 5. Napagbintangan si Mang Ludring na
ang nalabag sa mga sumusunod na nagnakaw ng kalabaw. Kaagad siyang
sitwasyon at ipaliwanag ang sagot hinuli at ikinulong.

9/3/20XX Presentation Title 23


Click icon to add picture

Click icon to add picture


Katipunan ng mga
Karapatan,
Saligang Batas ng
1987

9/3/20XX Presentation Title 25


Ang pamahalaan ng Pilipinas ang isa sa
mga bansang nagbigay ng mataas na
pagpapahalaga sa dignidad at mga
karapatang pantao. Bilang patunay,
malinaw na inilalahad sa Artikulo II,
Seksyon 11 ng Saligang Batas ng 1987
ang pagpapahalaga ng Estado sa
karangalan ng bawat tao at
ginagarantiyahan nito ang lubos na
paggalang sa mga karapatang pantao.

Presentation Title 26
Inisa-isa ng Estado sa Artikulo III ng
Saligang Batas ng 1987 ang Katipunan
ng mga Karapatan (Bill of Rights)
• ang pinagsama-samang karapatan ng
bawat tao mula sa mga dating
Saligang-Batas at karagdagang
karapatan ng mga indibiduwal na
nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13,
18 (1), at 19.

Presentation Title 27
Mga URI ng KARAPATAN

1. Natural-mga karapatang taglay ng bawat tao


kahit hindi ipagkaloob ng Estado

Halimbawa: karapatang mabuhay, maging


malaya, at magkaroon ng ari-arian

2. Statutory-mga karapatang kaloob ng binuong


batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng
panibagong batas.

Halimbawa: karapatang makatanggap ng


minimum wage

Presentation Title 28
Mga URI ng KARAPATAN

3. Constitutional-mga karapatang ipinagkaloob at


pinangangalagaan ng Estado
• Karapatang Politikal-kapangyarihan ng
mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi,
sa pagtatatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
• Karapatang Sibil-mga karapatan na titiyak sa
mga pribadong indibiduwal na maging kasiya-siya
ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang
hindi lumalabag sa batas.
• Karapatang Sosyo-ekonomik-mga karapatan na
sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-
ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
• Karapatan ng Akusado-mga karapatan na
magbibigay proteksiyon sa indibiduwal na
inaakusahan sa anumang krimen.

Presentation Title 29
Makikita sa ibaba ang nilalaman ng mga
karapatang pantao na kinikilala ng Estado
ayon sa Saligang Batas ng 1987.

1. karapatan sa buhay, kalayaan, o ari-arian


(right to life, liberty, and property);
2. karapatan laban sa hindi makatwirang
paghahalughog at pagsasamsam (right
against unreasonable searches and seizures);

Presentation Title 30
3. karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensya (privacy of communication);
4. kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng
pamahayagan, o sa karapatan sa mapayapang
magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan
(freedom of speech; right to a free press; freedom
of assembly; the right of petition);
5. kalayaan sa relihiyon (freedom of religion);
6. kalayaan sa paninirahan at karapatan sa
paglalakbay (liberty of abode and the right to
travel);

Presentation Title 31
7. karapatan hinggil sa mga bagay-bagay na may
kinalaman sa tanan (right to information);
8. karapatan na magtatag ng mga asosasyon, unyon
o mga kapisanan (right to form associations);
9. karapatan sa wastong kabayaran (right to just
compensation);
10. hindi pagpapatibay ng batas na sisira sa
pananagutan ng kontrata (non-impairment clause);

Presentation Title 32
11. malayang pagdulog sa mga hukuman (free
access to court);
12. karapatan ng taong sinisiyasat (right of person
under custodial investigation);
13. karapatan sa pyansa at malabis na pyansa (right
to bail and against excessive bail);
14. mga karapatan ng nasasakdal (rights of the
accused);
15. pribilehiyo ng writ of the habeas corpus;

Presentation Title 33
16. karapatang sa madaliang paglutas ng mga
usapin sa mga kalupunang panghukuman (right to a
speedy disposition of the cases);
17. karapatang hindi tumestigo laban sa kanyang
sarili (right against self-incrimination)
18. karapatan sa paniniwala at hangaring
pampulitika (right to political beliefs and
aspirations);

Presentation Title 34
19. karapatan laban sa malupit, imbi at di-
makataong parusa (prohibition against cruel,
degrading human punishment);
20. ‘di-pagkakabilanggo nang dahil sa
pagkakautang (non-imprisonment for debts);
21. karapatan laban sa makalawang masapanganib
ng kaparusahan sa iisang paglabag (right against
double jeopardy); at
22. ‘di pagpapatibay ng batas ex post facto o bill of
attainder sa isang demokratikong bansa.

Presentation Title 35
Mayroong dalawang partidong sangkot sa
realisasyon at katuparan ng mga karapatang pantao.

1. Rights Holders. Ito ang lahat ng mamamayan,


anuman ang edad, lahi, kasarian, at relihiyon. Lahat
ng tao ay rights holders. Bilang mga indibiduwal,
may kaakibat itong pananagutang ALAMIN,
ANGKININ at IPAGTANGGOL ang kanilang mga
karapatang pantao.

Presentation Title 36
Mayroong dalawang partidong sangkot sa
realisasyon at katuparan ng mga karapatang pantao.

2. Duty Bearers. Ito ang mga taong may


responsibilidad at pananagutang ipagtanggol,
isulong at isakatuparan ang karapatang pantao ng
mga mamamayan.

Obligasyon ng Estado na I-RESPETO ang


karapatang pantao.
Obligasyon ng Estado na PROTEKSIYUNAN ang
mga mamamayan mula sa pang-aabuso sa
karapatang pantao.
Obligasyon ng Estado na TUPARIN ang
karapatang pantao ng mga mamamayan.

Presentation Title 37

You might also like