You are on page 1of 2

Name: ______________________ Section: ________________ Date: _______________

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat sa papel ang letra ng iyong sagot sa bawat bilang.
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?
A. Kakambal ito ng ating mga tungkulin.
B. Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso.
C. Kailangan nating tuparin ang Saligang Batas.
D. Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya.
2. Ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang ay kilala bilang:
A. karapatang sibil.
B. karapatang pantao.
C. karapatang politikal.
D. karapatang sosyo-ekonomik.
3. Pinagtibay ang dokumentong ito noong 1948 upang kilalanin ng mga pamahalaan ang kanilang obligasyon na
siguraduhing lahat ng mga tao: mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anumang lahi at relihiyon, ay
tatratuhin nang pantay.
A. Optional Protocols
B. International Bill of Rights
C. Universal Declaration of Human Rights
D. Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution
4. Mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao sapagkat:
A. iniiwasan nito ang diskriminasyon.
B. itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
C. pinangangalagaan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.
D. sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao.
5. Ang Universal Declaration of Human Rights ay binubuo ng __ karapatang pantao.
A. 20 C. 40
B. 30 D. 50
6. Nakaranas ng torture si Alex dahil isa siya sa mga suspek sa pambobomba sa kanilang lalawigan. Bukod pa rito,
dumanas siya ng ‘di makataong mga kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
A. karapatan sa buhay
B. kalayaan mula sa pagpapahirap
C. kalayaan mula sa di makatuwirang pagdakip
D. karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis
7. Dahil sa kalagayang pinansiyal, ayaw nang pag-aralin si Irish ng kanyang mga magulang. Bukod pa rito, siya ang
inaasahan ng kanyang ina na mag-aalaga sa nakababatang kapatid habang ito ay tumutulong sa kanyang asawa sa
paghahanap-buhay. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
A. karapatan sa edukasyon
B. kalayaan mula sa pang-aalipin
C. kalayaan mula sa diskriminasyon
D. karapatan sa pamamahinga at paglilibang
8. Saang probisyon ng Saligang-Batas ng 1987 nakasulat ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights)?
A. Artikulo II C. Artikulo IV
B. Artikulo III D. Artikulo V
9. Ang sumusunod ay mga uri ng karapatan sa Pilipinas maliban sa:
A. natural rights.
B. political rights.
C. statutory rights.
D. constitutional rights.
10. Ang sumusunod ay halimbawa ng constitutional rights maliban sa:
A. kalayaan sa relihiyon.
B. karapatan sa minimum wage.
C. karapatan sa wastong kabayaran.
D. malayang pagdulog sa mga hukuman.
11. Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Bill of Rights sa Saligang-Batas ng 1987?
A. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
B. Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan.
C. Ang lalabag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan ayon sa batas.
D. Nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan ng isang demokratikong Estado.
12. Ang mga akusado o nasasakdal sa isang kaso ay may mga karapatan pa rin dahil:
A. ito ay nakatadhana sa Saligang Batas.
B. ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
C. sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa.
D. sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala.
13. Ang ahensiya ng pamahalaan na pangunahing nangangalaga sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan sa
Pilipinas ay ang:
A. Supreme Court.
B. Department of Justice.
C. Philippine National Police.
D. Commission on Human Rights.
14. Alin sa sumusunod ang hindi responsibilidad at pananagutan ng Estado at mga taong nanumpa sa tungkulin bilang
mga duty bearers ng karapatang pantao ng mga mamamayan?
A. Tuparin ang mga ito.
B. I-respeto ang mga ito.
C. Angkinin ang mga ito.
D. Proteksiyonan ang mga ito.
15. Kanino ka dapat magrereklamo kapag bahagi ng gobyerno ang mismong nang-abuso sa mga karapatan mo?
A. CHR C. militar
B. korte D. pulis

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na Karapatang Pantao at tukuyin kung anong URI ng Karapatan ang mga ito.
A. Karapatang Sibil B. Karapatang Politikal C. Karapatang Ekonomiko, Sosyal at Kultural

1. Karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis (right to a fair trial)


2. Karapatan sa paggawa (right to work)
3. Kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag (freedom of expression)
4. Karapatan sa di-makatwirang panghihimasok (right to privacy)
5. Karapatan sa kapanatagang panlipunan (right to social security)
6. Karapatang ituring na walang-sala hanggang di napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas (presumption of
innocence)
7. Karapatan sa isang pagkamamamayan (right to nationality)
8. Kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon (freedom of religion or belief)
9. Hindi maiaalis ang mga karapatang inilahad sa pahayag na ito (rights are inalienable)
10. Karapatang makilahok sa pamahalaan (right to partake in public affairs)

You might also like