You are on page 1of 5

ANAC NING KATIPUNAN Pagsusuri: 1. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan ng dula?

Batay sa kaninlang pananlita, ano ang mahihinuha ninyong mga katangian nila? Pilar- anac ng katipunan. Matapang, palaban at may paninindigan. Diego-nagtanggol kay Pilar laban kay Padre Meliton. Padre Meliton-mapagsamantalang paring kastila. Balat- ang kanang kamay ni Diego. Masunurin siya. 2. Sinu naman ang tauhang antagonista sa dula? Ano ang papel na ginampanan niya bilang katunggali ng mga pangunahing tauhan? Si Padre Meliton ay isang paring mapagsamantala. Nais niyang angkinin ang buong pagkatao ni Pilar. Ito ay bilang pambayad sa pagpapalibing sa kanyang ama. 3. Ano ang tagpuan ng dula? Ano ang kabuluhan nito sa kwento ng dula? Sa bahay ni Pilar. Dito umikot ang buong pangyayari kung saan nakaratay lang ang ama ni Pilar na nagsilbing lakas niya laban kay Padre Meliton. Ang tagpuan ay nagpapabatid na kahit nasa loob kana nang iyong tahanan, kaya ka paring abusuhin ng mga kastila noon. 4. Bakit kaya tinawag si Pilar na Anac ng katipunan? Si Pilar ay anak ng isnag Katipunero. Bukod rito, isa siyang matapang na babae. 5. Ano ang paninindigang ipinaglalaban nina Pilar at Diego? Ipinaglaban ni Pilar ang kanyang prinsipyo at dangal bilang babae. Ipinaglaban naman ni Diego ang karapatan ng ama ni Pilar na mailibing sa isang maayo na libingan kahit silay mahirap. 6. Ano-anong mga katiwalan ang ginawa ng mga paring kastila ang ibinunyag ng may akda sa dulang ito? Pang-aabuso sa mga kababaihan. 7. Magbigay ng sariling reaksyon sa sinabi ni Padre Meliton na ang katuwiran ay para lamang sa malalakas at mayayaman. Paano ito umiral sa ating bansa noong panahong iyon? Noon pamay naghahari na ang mga kastila dahil sinakop nila ang ating bansa. Ang mga Pilipino noon ay sunod-sunuran lamang sa mga kagustuhan ng mga mapang-aping dayuhan. 8. Ano ang kalagayang panlipunan noong panahong isinulat ang dulang ito ng may akda? Magbigay ng mga sitwasyong nagpapatunay nito. Tungkol sa karahasan ng mga kastila. Kagaya ng ginawa ni Paring Meliton. Ayaw niyang ipalibing ang ama ni Pilar. Porket mahirap sila, inabuso niya si Pilar. 9. Batay sa dula, paano ipinakilala ng mga tauhan ang pagtatangol nila sa kanilang karangalan sa kamay ng mga dayuhan? Si Diego na mismo ang gumawa ng paraan para tigilan ang kasamaan ni Padre Meliton. Pinatay nila si Padre Meliton para sa hustisyang nais makamit ni Pilar.

ANG PAMANHIKAN Pagsusuri: 1. Pansinin ang paraan ng pagsasalita ng mga tauhan. Anong mahihinuha ninyong katangian ng ating mga ninuno? Ang paraan ng pagsasalita ng ating mga ninuno ay patula. Mabagal at malakas ang kanilang pagbigkas ng mga salita ngunit ang ilan sa kanilang ginagamit na salita ay malalalim at mas mahirap maintindihan. Ang katangiang mahihinuha sa paraan ng pananalita ng ating mga ninuno ay, sila ay hindi padalus-dalos sa pananalita at pinipili nila ang tamang salita na gagamitin nila sa pakikipag-usap. At may galang ang kanilang pagbigkas kaya masasani ring sila ay magalang sa kinakausap. 2. Anu-ano ang natunghan ninyong mga katutubong kagamitan ng ating mga ninuno ang ginamit nila sa kanilang pamamanhikan? Ano ang kaugnayan ng mga ito sa kanilang buhay lalo na sa kanilang pamamanhikan? Isang DOTE. Regalo o alay kapag nanliligaw ang mga sinaunang Pilipino.

3. Sa paanong paraan ipinahayag ng mga namamanhikan ang kanilang pakay? Ano ang tungkuling ginagampanan ng mga matatandang kalalakihan sa sa ganitong pagkakataon? Pumunta sila sa bahay ng dalaga at nagdala sila ng kaunting pagsasaluhan at sinamahan pa nila ito ng alak para sa pag-uusap ng mga kalalakihan tungkol sa kanilang pakay. Hindi muna nila agad-agad sinabi ang kanilang pakay. Yinaya nila ang lolo at ama ng dalaga upang magsalo sa lak na kanilang kinuha at sinabi na nila ang tunay nilang pakay. Ang mga matatandang lalaki ang nag-uusap sa pamamanhikan at ginagabayan nila ang namamanhik at ang minamanhikan. 4. Ano naman ang tungkulin ng mga matatandang kababaihan sa araw ng pamamanhikan? Ang mga matatandang kababaihan ang naghahanda ng makakain sa araw ng pamamanhikan. 5. Suriin ang mga sumusunod na usapan: Ondong: Pare, buksan na nga ninyo an gating dala at nang makapagpainit. Pecto: Eto na po Tata. Unahan na ninyo at kayo rin lamang ang pinakamatanda sa harapang ito. Anong relasyong panlipunan ng mga katutubo ang masisisnag ninyo rito? Masisinag sa sitwasyong ito na ang mga kabataan ay lubhang nirerespeto ang mas nakakatanda sa kanila. Pinapauna nila ito sa pag-inom tanda ng pagrespeto sa matanda. 6. Ano ang natunghan ninyong katutubong paniniwala ng ating mga ninuno kaugnay ng kasalan? Ano ang kaugnayan ng mga ito sa kanilang buhay?

Bago magpakasal ang dalawang tao, dapat mapagkasunduan muna nila kung magpapakasal sila o hindi sapagkat ang pagpapakasal ay para lamang sa dalawang taong tunay na nagmamahalan. At ang magagasta sa kasalan ay parte lahat ng lalaki o di kaya namay mas marami ang parte ng lalaki kaysa sa babae. 7. Ano ang kahalagahan ng pamamanhikan sa buhay ng mga Pilipino? Ilahad sa sariling pananalita ang paraan ng pagsasagawa ng pamamanhikan batay sa binasang dula? Nakakatulong ang pamamanhikan upang malaman ng mga magulang ng babae na tunay ang pagmamahal ng lalaki sa kanilang anak at handa itong magsakripisyo upang mapatunayan lamang ang pagmamahal ng lalaki. Nakakatulong din ito upang maipakita ng lalaki ang respeto nito sa mga magulang ng babae. 8. Suriin ang sumusunod na usapan: Inggo: Maring, lumapit ka nga rine, anak. Alam mo naman anak na ikaw ang sadya ng mga taong iyon. Ano ba naman ang nasasaloob mo? Maring: Ama, apo, ukol sa bagay na iyan, eh, ako poy sumasalilong sa inyong kapasyahan sapagkat kayo ang aking mga magulang at pangalawang Diyos na dapat sundin. Anong kaugalian ng mga katutubo ang nakikita ninyo mula sa usapang ito? Ito kayayy umiiral pa rin hanggang ngayon? Nakikita lamang sa usapang ito ang masyadong pagdipende ng mga kabataan sa kanilang mga magulang sa lahat ng bagay. Maging sa paggawa ng desisyon ay dinedepende pa rin nila sa kanilang mga magulang. Maging sa pagpili ng kanilang pakakasalan ay dinedepende pa rin nila ito sa kanila. Hanggang sa ngayon ay nangyayari pa rin ito. Hindi pa kayang tumayo ng mga kabataan sa sarili nilang mga paa. At ito ang dapat baguhin ng mga kabataan natin ngayon.

SA PULA, SA PUTI Pagsusuri: 1. Ano ang tagpuan ng dula? Bahay ni Celing at Kulas. 2. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan? Ano ang masasabi ninyo tungkol sa kanilang mga katangian? Celing- matalinong asawa ni Kulas. Kulas- isang sugarol na asawa ni Celing Teban- masunuring utusan ni Celing Sioning- mapagmalasakit na kaibigan ni Sioning 3. Patunayang si Celing ay isang matalinong babae. Dahil alam niyang palaging natatalo si Kulas sa sugal, pumupusta siya sa manok ng kalaban upang sa bandang huli ay hindi mabawasan ang kanilang ipon. 4. Patunayan, sa buhay ni Kulas, na ang pagsasabong ay nakakaadik at mas malamang na humantong sa kapahamakan kaysa sa kabutihan. Palaging umuuwing talunan si Kulas sa Sabong ngunit hindi parin niya maiwasan ang pagsali sa ganitong sugal. Kahit paubos na nag kanilang ipon, patuloy parin niyang ginagawa ito. 5. Dapat kayang sisihin si Celing sa pagkasugapa ni Kulas sa sabong? Bakit? Oo. Sapagkat, kahit alam niyang masama ang dulot ng pagiging sugarol ni Kulas, binibigyan parin niya ito ng pera para sa kanyang bisyo. 6. Ano ang karaninwang suliranin panlipunan ang inilalarawan ng may akda sa dulang ito? Ano ang nagiging epekto nito sa pamilya? Sa Lipunan? Pagkalulong sa lugar ng mga kabataan ang maging mga matatanda. Madalaing maubos ang kanilang pera at nagiging sanhi ng magulong pagsasamahan. Naggigng masama ang imahe ng isnag lipunan kapag maraming taong nalulunong sa sugal. 7. Ano ang naging wakas ng dula? Ano ang kabuluhan nito sa buhay ng mag-asawa? Tumigil sa pagsasabong si Kulas. Dahil sa pangyayaring ito, nagkasundo ang mag-asawa at nagging mas matagal at masaya pa ang kanilang pagsasama. 8. Ipaliwanag ang tema ng dula? Huwag malulong sa sugal. Dapat pagtuunan ng pansin ang mas mahalagang bahay kaysa sa masyadong pagwawalsas ng pera.

You might also like