You are on page 1of 29

“PAMAMARAAN NG PANLILIGAW NG MGA MAG-AARAL NA LALAKI SA

BAITANG SAMPU NG SAINT FRANCIS INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SA TAONG PANURUAN 2018-2019”

Isang Pananaliksik bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangn sa Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wikang Pilipino

Ipinasa kay:

Gng. May Abigael Alipio

Ipinasa nina:

Tamayo, Nicole H.

De Guzman, Rosemarie
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata 1 : Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksiyon o Panimula...................................................................................................

Layunin ng Pag-aaral..........................................................................................................

Kahalagahan ng Pag-aaral.................................................................................................

Saklaw at Limitasyon..........................................................................................................

Paglalahad ng Suliranin......................................................................................................

Lugar ng Pag-aaral.............................................................................................................

Depinisyon sa Terminolohiyong ginamit.............................................................................

Kabanata 2 : Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura............................................................................

Kabanata 3 : Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik....................................................................................................

Instrumento ng Pananaliksik...............................................................................................

Talahanayan 1 (Populasyon at Sampol)............................................................................

Mga Respondente..............................................................................................................

Pangangalap ng Datos.......................................................................................................
Tritment ng Datos..............................................................................................................

Kabanata 4 : Presentasyon at Interpretasyon ng Datos

Talahanayan 2-10...............................................................................................................

Kabanata 5 : Lagom, Konklusiyon, at Rekomendasyon

Lagom................................................................................................................................

Konklusyion.......................................................................................................................

Rekomendasyon..............................................................................................................
KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN

I.Introduksyon o Panimula

Likas na mapagmahal ang mga Pilipino at isa ito sa mga magagandang katangian na

tinataglay natin.Maraming iba't ibang paraan ang ginagawa nating mga pinoy para

ipadama ang ating pag ibg sa mga taong mahal natin.

Isa nga sa nga paraan na ito ay ang matagal nang nasa kultura ng pilipinas ,ito ay ang

panliligaw.

Ang ligaw o panliligaw ay isang gawain ng taong nanununoyo sa kaniyang taong

napupusuan .Tinatawag din itong pangingibig. Isang tradisyunal o nakagawiang kultura

ang panliligaw ng isang lalaki upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin para sa

babaeng kaniyang iniibig. Isa itong paraan ng panunuyo bago humantong sa

kasunduan ng Pag-iisang dibdib at kasal.( www.academia.edu ) Sa ilalim ng paraan na

ito ay mayroong iba't ibang bagay na maaaring isagawa para maipakita sa minamahal

mo na ika'y seryoso at pursigido para sa kaniyang matamis na "oo".

Isa sa mga paraan ng mga panliligaw ay panghaharana o paghandog ng isang awit

para sa mahal mo.Mayroon ding paninilbihan sa mga magulang ng nililigawan mo, ito'y

pagpapakita ng respeto sa pamilya ng taong mahal mo.

Iba-iba man ang mga paraan ay may pare-pareho rin naman itong nagbibigay tulong sa

atin upang maipahayag natin ang saloobin natin sa taong mahal natin.Marami ang mga
paraan na ito ngunit sa unti-unting pagbabago sa ating panahon ay naisasagawa pari

ba ang iba't ibang paraan na ito?Nananatili pa ba ito sa mga puso't isip ng bawat

mamamayang Pilipino?

II. Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na maipabatid ang iba't iabng pamamaraan ng

panliligaw sa panahon ngayon at para maipahayag kung ano nga ba ang dalang

pagbabago ng teknolohiya sa mga pamamaraan ng panliligaw ng ating nakasanayan.

III. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito naglalayong ipabatid sa atin ang mga iba't ibang pamamaraan

ng panliligaw ng mga kabataan sa ngayon nang sa gayon ay malaman natin kung may

pagbabago bang nangyayari sa ating kultura.At kung paano nga ba sila magagabayan

pagdating sa pagbabagong ito. Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga sumusunod:

 Sa mga mag-aaral ,nang sa gayon ay malaman nila ang unti_unting pagbabago ng

kultura sa panliligaw at mapigilan nila ang pagbabagong ito upang maibalik ang

dating kultura sa panliligaw.

 Sa mga magulang,nang sa gayon ay malaman nila ang pagbabago ng kultura sa

panliligaw at makagawa sila ng paraan upang gabayan ang kanilang mga anak sa

ganitong klase ng panliligaw.


 Sa mga guro,nang sa gayon ay makaisip sila na solusyon sa unti-unting pagkawala

ng dati nating kultura na panliligaw at maibahagi nila ito sa kanilang mga mag-aaral.

 Sa mga mananaliksik , ang mga impormasyonng makukuha sa pagsasaliksik ay

magagamit sa mga susunod na mananaliksik para maging basehan ito.

IV. Saklaw at Limitasyon

Sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa panliligaw ng mga mag-aaral ay nakapokus

lamang ito sa mga pamamaraan ng mga piling mag-aaral na nasa 10 ng Saint Francis

Intigrated Natioanal High School.

V. Paglalahad ng Suliranin

Ang papel pananaliksik na ito ay nagtataglay ng mga impormasyon na naglalayong

matugunan ang mga sumusunod ng mga katanungan.

Pangkahalatang Katanungan

Ano-ano ang mga pamamaraan ng panliligaw ng mga mag-aaral ng nasa baitang 10 ?

Ispisipikong Katanungan

1. Ano-ano ang demographic profile ng mga respondents ?


2. Ano ang epekto ng bagong teknolohiya sa panliligaw?

3. Isinasagawa parin ba ang panghaharana?

4. Mayroon pa bang naninilbihan sa mga magulang ng n ililigawan?

5. Gaano ba katagal ang panahon na ginugugol ng panliligaw ngayon?

VI. Lugar ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa lamang sa loob ng Saint Francis Integrated

Natioanl High School taong panuruang 2018-2019

VII. Depinisyon sa Terminolohiyong ginamit

Panliligaw

- Ito'y mga gawain ng isang taon upang maipahayag ang kaniyang pag-ibig sa

kaniyang minamahal.

- Ito ay isang gawain ng taong nanuyo para sa kaniyang napupusuan.

Pag-ibig

- damdamin ng isang tao para sa kaniyang nagugustuhan.

- ito ay isang napakalalim at napakalawak na konsepto ,wala itong saktong

kahulugan.

Panghaharana
- Ito ay ang paghanhdog ng awitin para sa taong inaalayan mo ng pagibig mo.

- Ito ay tradisyonal na pag kanta ng isang lalaki sa tapat ng bahay ng

babaeng,kaniyang nililigawan bilang pagsuyo at pagpapahiwatig ng kaniyang lubos

na pagmamahal sa babaeng kaniyang hinaharana.

Paninilbihan

- Ito ay ang paraan ng pagpapakita ng iyong tunay na pagmamahal sa taong mahal

mo sa pamamagitan ng pagsisilbi sa pamilya.

- isang kaugalian ng pag-akyat ng ligaw kung saan dinadalaw ang babae sa bahay at

nagbibigay pugay sa mga magulang nito .


KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na literatura

Lokal:

Ayon kay De Guzman, Maria Odulio (2005), isang kaugalian sa mga Pilipino ang pag-

akyat ng ligaw o pagdalaw ng binata sa tahanan ng kaniyang iniibig na babae. Sa

pamamaraan na ito, maaaring manghiram ang kabataang lalaki ng aklat o anumang

babasahin bilang pagsubok babae: isang ppag-alam kung may gusto rin at pauunlakan

ito ng sinisintang dalaga. Kapag nagpahiram ang babae ng babasahin, mataimtim na

makapag-iipit ang dalawa ng lihim na liham para maipaalam nila ang kanilang

damdamin para sa isa’t isa. Lihim ito sapagkat kapag dumadalaw ang isang lalaki sa

tahanan ng babae, naroroon ang mga magulang nito, na kinakaharap din ng binatang

naliligaw. Hindi lamang ang usaping pag-ibig ang napag-uusapan kapag kaharap ang

mga magulang ng dalaga, kabilang dito ang taya ng panahon, politika, at iba pang mga

bagay na mapag-uusapan. Isang tanda na may pag-asa ang lalaki na maging

kasintahan ang babae kung magpahiram ang dalaga ng babasahin, ang aklat ang

nagsisilbing simula at “tulay” ng kanilang pag-uugnayan.

Noong sinauna ang panliligaw ay isang ritwal na inuugnay sa daan patungo sa kasal.

Kapag nanligaw ang isang lalaki sa isang babae, seryoso ang kaniyang pakay sa dilag.

Handa siyang gawin ang kahit anong mahirap na pagsubok para lamang makamtan

ang matamis na oo ng dilag. (Beatriz, 1998)


Ayon kay Ronald Verzo (2009) humihina ang ating mga kabataan sa tamang paggamit

ng lengguwahe at wika sa paraan ng panliligaw, partikular na dito ang cellphone na

maaaring gamitin sa pagpapabot ng ating mensahe sa pamamagitan ng SMS o Text

Messaging. Tinutukoy rito ang unti-unting paghina ng mga kabataan ngayon sa

paggamit ng tamang paraan ng pananalita at pagpapahayag ng isang mensahe sa

kanilang nililigawan. Mas higit na napapaunlad ang mga salitang balbal gaya na lamang

ng jejemon. Di tulad ng ng kabataan noon, kung saan sulat o liham ang isang paraan ng

pag-aabot ng mensahe.

Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba ang paraan ng pagliligawan kaysa sa mga

kabataan noong aking panahon. Iyan ang laging sambit ng lola sa akin. Nag-iiba na raw

sa bawat pagbabago ng henerasyon. Ika nga ay sumasabay sa pag-ikot ng mundo.

Ngunit grabe na raw talaga ang ipinagbago ng mga kabataang tulad ko.

(2002, Kabataan Noon at Kabataan Ngayon)

Ayon kay Flordeliza Torres sa kaniyang “Panliligaw-Noon at Ngayon”, ibang-iba na ang

panahon ngayon at maging ang paraan ng panliligaw. Maging ang mga magulang ay

nahihirapang intindihin ang bagong trend na ito. Kung noon ay kailangan pumunta ng

lalaki sa bahay ng babae upang umakyat ng ligaw, ngayon ay pwede nang manligaw sa

pamamagitan ng text o chat.

Banyaga:

Ayon kay Tom Brown (2011) ang panliligaw ay pinaglalaanan ng oras at isang

matagumpay na pagkilala sa isang tao sapat para malaman kung sila ang nararapat na

maging mag-asawa.
Ayon naman kay Sirea (2012) ang panliligaw ay isanggawain ng taong nangingibig o

nanunuyo sa isang taong napupusuan niya. Isa ito sa pamamaraan ng pagpapahayag

ng damdamin at pagpapakita ng isang malinis na hangarin upang makamit ng

mangingibig ang pagtanggap at pag-ibig ng kaniyang napupusuan.

Ang panliligaw ay isang yugto ng buhay kung saaan ang dalawang tao ay kinikilala ang

bawat isa hanggang sa madebelop sa isang romantikong relasyon. Saan mang lugar,

anumang oras, may dalawang nilalang ang pagtatagpuin at ang isa sa kanila ay

nakatakdang maranasan ang panliligaw sa natitirang isa pa. (Tumbler, 2010)

Ang kahandaan ng panliligaw ay hindi usapin ang edad o tagal ng pagiging single. Mas

mahalagang malaman kung nasa tamang kundisyon ang pagkatao, isip at puso ng

isang tao. (Ronald Molmisa, 2010)

Kaugnay na pag-aaral

Lokal:

Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Leo W. Pinard noong 2009 na pinamagatang

Panliligaw sa Urban Visayas , ang panliligaw ay ginagawa ng isang kalalakihan sa iba’t-

ibang paraan. Naiimpluwensiyahan din ang mga paraang ito ng kanilang pamilya,

kaibigan at nakakasalamuha.

Ayon kay Rea Calzado, 2014, walang sukatan kung hanggang saan o gaano katagal

ang dapat gugulin sa panunuyo upang makamit ang “oo” ni babae. Ang iba ay taon ang
binibilang, ang iba naman ay ilang buwan lang. Nakadepende na rin siguro kung may

pagtingin din ang babae sa kaniyang maliligaw.

Ayon kay Abner, 2001 ang panliligaw ng lalaki ay ginagawa sa pamamagitan ng

panghaharana kasama ng kaniyang mga barkada pupunta ang binata sa bahay ng

dalagang kaniyang sinisinta, bitbit ang gitara at lakas ng loob. Sa tapat na durungawan

ng babae, idaraan ang lalaki ang kaniyang pagsinta sa pamamagitan ng pag-awit, kahit

sintunado’t pipiyuk-piyok ang boses at pulos playa ang paggigitara. Minsan

magtatagumpay ang binata’t makukuha ang matamis na “oo” ng dalaga pati ang mga

magulang ngunit kailangan nitong makadaan sa butas ng karayom, minsan naman

nabubuhusan sila ng balde ng tubig mula sa bintana.

Nababaon na ang ganitong klase ng tradisyon dahil sa teknolohiya. Kung dati’y tutungo

pa ang binata sa tahanan ng dalaga, ngayon ay tatawagan, itetext o ifefacebook na

lamang. Hindi na rin kailangang kantahan ang dalaga. Dalhin mo lang sa Enchanted at

bigyan ng stuffed toy ay kayo na. Minsan o dumadalas na rin ang babae ang umaakyat

ng ligaw. Nagbabago ang kalakaran ng tao sa paglipas ng panahon. (Abner, 2008)

Ayon naman kay Alegre, Elidiberio sa kaniyang pag –aaral na pinamagatang Tuksuhan,

Ligawan: Courtship in Philippine Culture, sa panliligaw, ang lalaki ay inaasahan na

pagbubutihin ang pakikitungo sa pamilya ng babae. Gagawin niya ang lahat upang

makuha niya ang loob ng pamilya at gayun na rin ang loob ng babae. Ang

pangkaraniwang ginagawa ng lalaki sa probinsya ay mag-igib, magpalakol ng kahoy, at

tumulong sa kung anong gawain sa bahay. Sa madaling salita, maninilbihan ang lalaki
sa pamilya ng babae. Kapag sinagot na siya ng babae ay hudyat na tapos na ang

panliligaw niya sa babae. Maaaring mauwi sa mahabng dulang ang panliligaw.

Pahirapan ang paraan ng panliligaw noon. Ang lalaki ay dadaan muna sa butas ng

karayom upang makuha lamang ang matatamis na “oo” ng kaniyang iniibig. Ang

panliligaw ay maaaring magsimula sa munting liham para sa babae na naglalahad ng

kaniyang pagsinta. Gumagamit ng makatang mga salita ang lalaki sa kaniyang liham.

Syempre, hindi pa nagtatapos sa pagsasabi ng saloobin ang kaniyang panliligaw.

Susunod na hakbang ng lalaki ay ang ppanghaharana sa harap ng bahay ng babae.

Kadalasan ay nagsasama ng ilang mga kaibigan ang lalaki sa panghaharana at

umaawit ng mga awit ng pag-ibig kahit na sintunado. Kailangan din na makuha ng

lalaki, hindi lamang ang pag-ibig ng babae, kundi ang pagsang-ayon din ng mga

magulang nito sa kaniyang panliligaw. Ang pagsang-ayong ito ay hindi madali makuha

dahil bago pumayag ang mga magulang ng babae, kailangan dumaan ang lalaki sa

ilang pagsubok. Halimbawa nito ay ang pagsisibak ng kahoy o kaya ay pag-igib ng

tubig. Ang mga pagsubok na ito ay para masuri ng mga magulang ng babae kung

karapat-dapat ba ang lalaki para sa kanilang anak. Sinusukat din nito ang katatagan at

determinasyon ng lalaki na makamit ang kaniyang minamahal. Dahil dito, napapakita

ang pagiging masipag, matiyaga at matatag ng isang lalaki.

( htttp://www.magandang-kasal.com/panliligaw-noon-at-ngayon/ )
Banyaga:

Ayon sa pananaliksik noong 1999 ni Ms. Kristen na pinamagatang The most preferred

courtship, ang mga edad ng mga interesado sa panliligaw ay sa edad ng mga nag-aaral

sa kollehiyo o isang estudyante. Ang panliligaw ay isang gawain na

naiimpluwensiyahan ng oras, kundisyon ng paligid, kultura at institusyon sa

kinapapaligiran ng isang tao.

Ayon sa isang pananaliksik ng Sisters, (2006) na may pamagat na Tongue in a Lung,

ang panliligaw ng isang lalaki sa kaniyang sinisinta ay para na ring panliligaw sa

kaniyang buong pamilya. Niyaya rin ng manliligaw ang lumabas hindi lang ang kaniyang

nililigawan, kung hindi pati na rin ang mga kaibigan nito. Ang panliligaw ay paglaan ng

dalawang tao sa isa’t isa upang kilalanin ang pamilya at kaibigan ng bawat isa ayon sa

pananaliksik ng Sisters, 2006.

Ayon naman kay Miss Sassy (2008), masasabi lang na nanliligaw ang isang lalaki

kapag sinabihan na niya ang kaniyang nililigawan na mahal niya ito.

Ayon kay Joshua Harris, ang panliligaw ay isang relasyon na ginagabayan ng

prinsipyong “the joy of intimacy is the reward of commitment”. (Harris, 2005)

Ayon sa pag-aaral nina Fabic, Feliciano at Nery (2009), maaaring makakaiba-iba ang

depinisyon ng panliligaw ngunit ito ay tutungo lamang sa iisang ideya na “which is the

process of a guy expressing how he feels towards a girl by pleasing her, so that in

return, the girl will like him back.”


KABANATA 3

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Nakapaloob sa kabanatang ito ang metodo ng pananaliksik na gagamitin sa

pangangalap at pagkuha ng mga mahahalagang datos na kinakailangan para sa aming

pag aaral na tungkol sa pamamaraan ng panliligaw ng mga kabataan.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay descriptive –

quatitative na makakatulong upang mailahad ang impormasyon kailalangang sa

pagaaral na ito. Sa pamamagitan ng pagsasarvey ay nagbibigay gabay ang disenyo ng

pananaliksik na ito para makuha ang tunay na kaalaman at karanasan ng mag-aaral

hingil sa mga pamamaraan ng panliligaw ng mga kabataan.

Magsisilbing datos sa pananaliksik na ito ang pagbibigay ng talatanungan nang sa

gayon ay magbigay ng katunayan ang mga impormasyong na nakalap hingil sa

paksang isinasaliksik. Upang magkaroon ng mabuting pag aaral ay minabuti ng

mananaliksik na mangalap ng mga impormasyon sa mga mag aaral ng Saint Francis

Integrated National High School at mga mapagkakatiwalaang websayt sa internet.

Instrumento ng Pananaliksik

Isinasagawa ang pag aaral na ito sa pamamagitan ng pagbuo ng pananaliksik na

walang katanungan upang malaman ang karanasan ng mga mag aaral sa pamamaraan
ng panliligaw. Nakasaad sa ilang katanungan na aming isinama ay kung isinasagawa

pa ba ang mga paraan ng panliligaw noon. Ang naisagawang sistema na pagsagot sa

kuwestyoner ng mga respondente na mag aaral ng ika- sampung baitang ay paglikom

ng mga datos ng mga mananaliksik para magamit sa pagbuo ng pananaliksik.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga respondente.

SEKSYON POPULASYON SAMPOL PORSYENTO

Faith 20 4 2.7%

Harmony 23 5 3.4%

Love 20 4 2.7%

Hope 23 5 3.4%

Gratitude 22 4 2.7%

Benevolence 18 3 2.1%

Generosity 19 4 2.7%

KABUUAN 145 29 20%

Mga Respondente

Ang mga kabilang sa pananaliksik na magsasagot ng kwestyoneyr na ginawa ay ang

mga piling mag aaral na lalaki na nasa ika-sampung baitang ng Saint Francis Integrated

National High School. Hinati ng mga mananaliksik ang kanilang popolasyon sa 20%

porsyento.
Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos mula sa mgamag-aaral na lalaki ng

ibat ibang pangkat sa baitang sampu ng Saint Francis Integrated National High School

na may kaalaman sa paksang napili. Mayroon din nakuhang datos mula sa mga

mapagkakapagkatiwalaang websayt sa internet. Mula sa mga ito ay nagkaroon ng

karagdagan impormasyon at datos ang mga mananaliksik tungkol sa pamamaraan ng

panliligaw ng mga kabataan sa ngayon na makatutulong sa pag-aaral.

Tritment ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay bumatay at nagbigay obserbasyon sa mga sagot ng baitang

sampu sa ibinigay na kuestyoner.

Pormula:

P = F / N(100)

Kung saan:

ang P ay Porsyento,

ang F ay bilang ng mga lalaki kada seksyon at

ang N ay kabuuang bilang ng respondente.


KABANATA 4

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Talahanayan 2

Propayl ng mga respondente.

EDAD BILANG PORSYENTO

14-15 12 41.38%

16-18 16 55.17%

19 Pataas 1 3.4%

KABUUAN 29 100%

Talahanayan 2.

Ang talahanayang nasa itaas ay nagpapakita ng ibat ibang edad ng mga mag aaral.

Ang sa unang hilera, edad ay labing apat hanggang labing lima na may bilang na labing

dalawa kung saan ito ay katumbas na rin ng 41.38%. Sa pangalawa naman nakasaad

ang edad na labing anim hanggang sa labing walo na may bilan na labing anim na kung

saan ay katumbas ng 55.17%. Sa ikatlo naman, ang edad ay labing siyam pataas na

may isang bilang at ito’y katumabas ng 3.4%.


Talahanayan 3

Nasubukan mo na bang mangharana sa babaeng niligawan o nililigawan mo?

POSIBLENG KASAGUTAN BILANG PORSYENTO

Oo 4 13.8%

Hindi 21 72.4%

Minsan 4 13.8%

KABUUAN 29 100%

Talahanayan 3.

Ang talahanayan ay nagpapakita kung nasubukan na nga ba ng mga respondente na

mang harana sa babaeng kaniyang niligawan o nililigawan. Marami ang nagsabi na

hindi pa nila ito nasusubukan at sila ay may bilang na dalawampu’t isa. Pareho namang

may apat na respondente ang nagsabi na ito ay nasubukan na nila. Mas mataas pa rin

ang bilang ng sumagot ng hindi na kaya masasabi nating marami sa mga lalaki na

baitang 10 ang hindi pa nakasubok na mang harana.


Talahanayan 4

Nagbigay galang o respeto ka ba sa mga magulang na babaeng iyong niligawan o

nililigawan?

POSIBLENG KASAGUTAN BILANG PORSYENTO

Oo 27 93.1%

Hindi 2 6.9%

Minsan 0 0%

KABUUAN 29 100%

Talahanayan 4

Ipinapakita sa talahanayan na ito ang bilang ng mga respondente na nagbigay galang o

respeto sa mga magulang ng babaeng kanilang niligawan o nililigawan. Karamihan sa

respondente ang sumagot ng oo na may bilang na dalawampu’t pito, Dalawa naman

ang sumagot sa hindi at wala naman nagsabi ng minsan. Mas marami ang sumagot ng

oo kaya masasabi natin na marami sa respondente ang nagbibigay galang o respeto sa

magulang ng kaniyang nililigawan.


Talahanayan 5

Nasubukan mo na bang manligaw sa pamamagitan lamang ng text o chat?

POSIBLENG KASAGUTAN BILANG PORSYENTO

Oo 27 62.1%

Hindi 2 17.2%

Minsan O 20.7%

KABUUAN 29 100%

Talahanayan 5

Ipinapakita ng talahanayang ito kung nasubukn na nga bang manligaw ng mga

respondente sa pamamagitan lamang ng text or chat. Marami sa kanila ang sumagot

ng oo at sila’y may bilsng na labingwalo. Samantala mayroonng limang nagsabi ng

hindi at anim na minsan. Ang sagot na oo ang may pinakamaraming bilang kaya ito’y

nagsasaad lamang na marami sa mga respondente na nasubukan nang manligaw sa

pamamagitan lamang ng text o chat.


Talahanayan 6

Nagbibigay ka pa ba ng lihan ng pagmamahal (love letter) sa babaeng niligawan o

nililigawan mo?

POSIBLENG KASAGUTAN BILANG PORSYENTO

Oo 13 44.8%

Hindi 13 44.8%

Minsan 3 10.3%

KABUUAN 29 100%

Talahanayan 6

Ipinapakita lamang sa talahanayan na ito kung nagbibigay pa nga ba ng liham ng

pagmamahal ang mga respondente sa kanilang babaeng nililigawan. Magkapareho

lamang ng labing tatlo ang bilang ng respondente na sumagot ng oo at hindi,

samantalang tatlo naman ang sumagot ng minsan. Balanse lamang ang bilang ng mga

respondente na nasa oo at hindi mayroong mga nagbibigay pa ng liham pagmamahal

at mayroong din hindi nagbibigay.


Talahanayan 7

Batid ba ng iyong mga magulang na ikaw ay nanligaw o nanliligaw na?

POSIBLENG KASAGUTAN BILANG PORSYENTO

Oo 18 62.1%

Hindi 4 13.8%

Minsan 7 24.1%

KABUUAN 29 100%

Talahanayan 7

Makikita sa talahanayang ito kung batid nga ba ng mga magulang ng mga respondente

na sila’y nanligaw na. Marami sa kanila ang sumagot ng oo at sila’y may bilang na

labing walo. Apat naman sa kanila ang nagsagot ng hindi at pito naaman ang minsan.

Mas nakakaangat ang bilang ng sumagot na oo at ito’y nagpapahiwatig na marami sa

mga respondente ang nagpapabatid sa kanilang mga magulang na sila’y nanligaw na.
Talahanayan 8

Lakas loob ka bang pumupunta sa bahay ng niligawan o nililigawan mo?

POSIBLENG KASAGUTAN BILANG PORSYENTO

Oo 12 41.4%

Hindi 7 24.1%

Minsan 10 34.5%

KABUUAN 29 100%

Talahanayan 8

Ipinapakita sa talahanayang ito kung lakas loob bang pumunpunta ang mga

respondente sa bahay ng kanilang nililigawan. Labindalawa sa kanilang ang sumagot

ng oo, pito ang nagsabing hindi at sampung respondente lamang ang sumagot ng

minsan. Marami rito ay masasabi nating sa mga respondent ang lakas ng loob na

pumupunta sa bahay ng kanilang nililigawan.


Talahanayan 9

Handa ka bang maghintay at magtiis para sa babaeng nililigawan mo?

POSIBLENG KASAGUTAN BILANG PORSYENTO

Oo 23 79.3%

Hindi 2 6.9%

Minsan 4 13.8%

KABUUAN 29 100%

Talahanayan 9

Makikita sa talahanayan na ito kung handa bang maghintay at magtiis ng mga

respondente para sa babaeng kanilang nililigawan.Marami ang sumagot ng oo na may

bilang ng dalawampu’t tatlo, at dalawan naman ang sumagot ng hindi at apat sa

minsan.Pinakamarami ang bilang ng sumagot na oo na siyang nagpapahiwatig sa atin

na marami sa mga respondente ang handang maghintay at magtiis para sa babaeng

kanilang nililigawan.
Talahanayan 10

Panahong ginugugol ng mga respondente sa kanilang panliligaw.

POSIBLENG KASAGUTAN BILANG PORSYENTO

1-4 buwan 21 72.4%

5-8 buwan 3 10.3%

9-12 buwan 0 0%

Mahigit isang taon 5 17.2%

KABUUAN 29 100%

Talahanayan 10

Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng panahong ginugugol ng nga respondente sa

kanilang panliligaw. Sa unang hilera ay isa hanggang apat na buwan na may bilang na

dalawampi’t isa. Sa pangalawa naman ay lima hanggang walong buwan at ito’y may

bilang na tatlong respondente.Samantala sa pangatlong hilera na siyam hanggang

labindalawa buwan ay walang sumagot dito at may lima na sa pang apat na mahigit

isang taon.Pinapakita marami ang bilang ng isa hanggang apat na buwan na may

porsyento na 72.4%.
Kabanata 5

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ipinapakita sa kabanatang ito ang lagom,konklusyon at rekomendasyon sa pag aaral ng

mga paraan ng panliligwa ng mga piling mag-aaral sa baitang 10 ng Saint Francis

Integrated National High School.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga paraan ng panliligaw ng mga

piling mag aaral ng SFINHS.Gamit ang disenyog dreskriptib kwatiteytib, ang mga

mananaliksik ay gumawa o nagsagawa ng sarbey o kwestyoneyr na pinasagutan

naman sa dalawampu’t siyam na respondente sa baitang Sampu ng SFINHS. Sa

pamamagitan ng sarbey na ginawa ay nalaman ng mga mananaliksik ang totoong

kaalaman,dammdamin at pananaw ng piling mag-aaral tungkol sa nasabing pag-aaral.

Konklusiyon

Pagkatapos ng sarbey at pananaliksik dito ay nalaman ang pamamaraan ng panliligaw

ng mga mag-aaral na lalaki sa baitang 10 ng SFINHS. Ang mga mananaliksik ay

nakagawa ng iba’t ibang konklusiyon base na rin sa mga sinagutang sarbey ng mga

respondente.
1. Ang mga respondente ay hindi na nagsasagawa ng panghaharana sa kanilang

panliligaw sa babaeng kanilang gusto.

2. Sa lumabas na resulta, marami sa mga respondente ay nagbibigay galang o

respesto sa babaeng kanilang nililigawan.

3. Karamihan sa mga respondente ay nakapanligaw na sa pamamagitan lamang ng text

o chat.

4. Hindi na nagbibigay ng liham ng pagmamahal o loveletter sa babaeng kanilang

nililigawan, ngunit lakas loob naman silang pumupunta sa bahay ng kanilang mga

nililigawan.

5. Makikita sa mga sinasagutan nilang kwestyoneyr na batid ng kanilang mga

magulang na sila’y nanliligaw na.

6. Marami sa mga respondente ang handang maghintay o magtiis para sa babaeng

kanilang nililigawan.

7. Isa hanggang apat na buwan lamang ang panahong ginugugol ng mga respondente

sa kanilang panliligaw na nagpapakita ng konting panahon na lamang ang ibinibigay

nila pagdating dito.

8. Natuklasan ng mga mananaliksik na iba iba ang pamamaraan ng mga mag-aaral na

lalaki sa baitang 10 ng SFINHS at may mga pamamaraan rito na kinagawian ng mga

pilipino ngunit ilan sa mga ito ay nagbago at hindi na isinasagawa.


Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay upang mabigyang paalala at gabay ang mga mag aaral ukol

sa mga pamamaraan ng kanilang panliligaw na dapat ay panatilihin natin ang ating

kultura at pag aaral ang pagbabagong nagaganap ukol dito.Base sa pananaliksik ito

ang maaaring rekomendasyon:

1. Mas mabuti kung bibigyan ng kaalaman ang mga mag aaral tungkol sa kultura ng

panliligaw sa pilipinas nang sa gayon ay malaman nila ang dapat nilang isagawa.

Pagdating sa panliligaw.

2. Makakabuti kung lilimitahan ang mga mag aaral sa paggamit nila ng gadgets na

nakapagpapabago sa nakagawiang pamamaraan ng panliligaw sa pilipinas.

3. Ang mga respondente ay nangangailanganng gabay mula sa kanilang mga

magulang tungkol sa ksanilang panliligaw nang sa gayon ay maisagawa nila ang ang

tamang hhakbang para dito.

4. Mabuti na ilan sa mga paraan ng panliligaw noon ay naisasagawa pa rin sa ngayon.

Sana ay mapanatili ang pagsasagawa rito at mapigilan na ang pagbabago sa ating

kultura.

You might also like