You are on page 1of 4

Save Mga Kaugaliang Naipamana Ng Ating Mga Ninuno Sa

Kasalukuyan Ng Dauin
INTRODUKSYON

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong surrin at maunawaan ang mga kaugaliang


naipamana ng ating mga ninuno sa kasalukuyan, ito’y mahalaga upang mapanatili at
maipagpatuloy ang mga tradisyon at pamamaraan na nagmula sa ating pinagmulan. Sa
pamamagitan ng pagsusuri ng mga kaugaliag ito, maaaring maunawaan kung paano ito
nakakatulong sa pagkakakilanlan ng ating kultura at sa pagpapalaganap ng mga natatanging
aspeto ng ating kasaysayan. Ayon sa malayang ensiklopedya ang kaugaliang Pilipino ay
tumutukoy sa mga kaugalian na ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino. Itong Sistema ng
kaugaliang Pilipino ay may katangi-tanging katipunan ng mga ideolohiya, moralidad, kabutihang
asal, wastong kagawian,, iba’t ibang mga ritwal, paniniwala at mga praksiyon na nagging bahagi
sa ating lipunan mula noon hanggang ngayon na nanggaling sa ating mga ninuno. Halimbawa na
dito ang pagmamano, pagbabayanihan, pagsisimba, at panliligaw o paghaharana.

MGA KAUGALIANG NAIPAMANA NG ATING MGA NINUNO

PAGMAMANO

Napakahalaga ng pagmamano sa kultura nating Pilipino. Una,ang pagmamano ay isa sa


mga tradisyong ipinamana ng mga ninuno natin. Pangalawa ito’y nagpapakita ng paggalang at
pagrespeto sa nakatatanda sa atin. Pangatlo, sa pagtututro ng pagmamano sa mga bata, nabubuo
ang kanilang kahusayan sa pakikipagkapwa-tao at nababawasan ang pagiging makasarili. Pang-
apat may malalim na kahalagahan din ito sa kanilang pag-unlad bilang indibidwal at sa lipunang
kanilang kinabibilangan. Panglima, ito ay nagpapakita ng pag-unawa at pagtanggap sa kanilang
mga pinagmulan at kultura. Pang-anim, sa pamamagitan din ng pagturo ng mga magulang sa
kanilang mga anak ng pagmamano ay isang paraan upang mapanatili ang ugnayan at pagkakaisa
sa pamilya. Panghuli sa pagpapakita ng respeto sa mga nakatatanda, natutunan din ng mga bata
na maging mapagkumbaba at magkaroon ng malasakit sa kanilang magulang. Ngunit sa
kasalukuyang panahon, may mga hamon sa pagtututro ng pagmamano sa mga bata. Una, ay ang
pagbabago ng mag kaugalian at kultura ng lipunan. Pangalawa, sa pag-unlad ng teknolohiya at
globalisasyon, may mga bagong impluwensiya at kaugalian na pumapasok sa ating lipunan.
Ikatlo, ito ay maaaring makaapekto sap pag-unawa at pagpapahalaga ng mga bata sa tradisyon at
kultura ng Pilipinas. Pang-apat, ay ang pagiging abala ng mga magulang na rumesulta sa ka
kulangan ng oras para sa pamilya. Panglima maaaring hindi na mabigyan ng sapat na oras at
atensiyon ng mga magulang ang pagtuturo ng pagmamano sa kanilang mga anak. Panghuli,
mahalaga na bigyan ito ng pagpapahalaga bilang isang magandang aspeto ng kanilang
pagpapalaki.
https://www.sanaysay.ph
PAGSAMBA

Ang pagsisimba sa simbahan ay pinormalisang panahon ng sama-samang pagsamba,


kadalasan sa loob ng simbahan. Karaniwan itong ginaganap sa Linggo o Sabado para sa mga
Sabadista, dito sila nagtitipon-tipon upang maturuan ng "Salita ng Diyos" (ang Bibliya) at
mapasigla ang kanilang pananampalataya. Karamihan ng mga denominasyon sa Kristiyanismo
ay sumasasamba sa Araw ng Panginoon (at marami rito marami ding sumasamba sa umaga at
gabi ng Linggo). Maraming Kristiyano ang sumasamba kapag Pasko, Miyerkules ng Abo,
Biyernes Santo, Huwebes Santo, at marami pang-iba depende sa denominasyon sa
Kristiyanismo. Ang karamihan ay pumupunta sa simbahan upang magpasalamat sa mga
biyayang kanilang natanggap at upang magdasal at humingi ng kapatawaran sa mga kasalanang
nagawa nila, ngunit may ibang mga taong nakakalimutan ang kahalagahan ng ating mahal na
Panginoon kaya magbibigay kami ng apat na uri ng mga bagay na hindi dapat ginagawa sa loob
ng simbahan. Unang-una ang pagsisimba ay hindi dapat pagtawanan dahil ikaw o tayo ay nasa
loob ng simbahan. Pangalawa dapat tayong makinig at magkaisa sa loob ng simbahan dahil
itinuro ng Diyos ang pagmamahal sa kapwa kaya dapat tayong magkaisa. Pangatlo, karamihan sa
mga tao ngayon ay hindi na pumupunta sa simbahan dahil wala na silang oras para sa Panginoon
pero ang iba naman ay pupunta lang sa simbahan para makipag-kita at makipag-kwentuhan sa
kanilang jowa o di kaya ay mga barkada. Panghuli, huwag nating kakalimutan ang Panginoon
dahil siya ang dahilan kung bakit nabuhay tayo dito sa mundo na ating ginagalawan.
https://www.wikiwand.com/tl/pagsamba

PAGBABAYANIHAN

Ang pagbabayanihan ay isang pagpapahalaga nang mga Pilipino na dapat nating


ipagpatuloy at palalimin. Makikita ito sa kahandaan nating tumulong sa ating mga kababayan.
Una, ang bayanihan ay isang sama-samang pagkilos upang tumulong sa ating bayan at mga
kababayan. Sa tuwing tutulungan natin ang ating kapwa, hindi lamang mga indibidwal ang ating
tinutulungan kundi ang ating bayan, dahil tayo ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahalan.
Pangalawa, ang ating pagdadamayan ay nagpapakita ng ating pagmamalasakit sa isa't isa. Sa
panahon ng kagipitan, karaniwang inaasahan ang kagyat ng tulong ng ating pamahalaan.
Pangatlo, dapat nating ipagpatuloy ang tradisyon ng bayanihan at itaguyod ito sa mga susunod na
henerasyon. Ang bayanihan ay hindi lamang isang tradisyon, ito rin ay nagpapakita ng
kahalagahan ng pagkakaisa. Ipinapakita into na sa oras ng pangangailangan, ang mga Pilipino ay
handang magtulungan para sa ikabubuti ng lahat. Sa pamamagitan ng bayanihan, natutunan ng
mga Pilipino ang magkaisa, magmahalan, at magkaroon ng malasakit sa ating kapwa. Pang-apat,
kung ang tao ay walang malasakit sa kanilang kapwa, sila ay isang manlalamang. Kaya nga kung
titignan natin ang ating kasaysayan, ang mga karaniwang dahilan ng pagkaabulok sa pamahalaan
ay kawalan ng pagmamahal sa bayan. Panglima, tayo ay may magagawa, walang sinuman sa atin
ang lubhang mahirap para walang magawa kahit na sa pagtulong. Sa maraming pagkakataon,
napatunayan nating mga Pilipino na ang bawat isa sa atin ay may maiaambag. Maraming mga
kwento ng pagbangon ang dala ng kagustuhang tumulong. Kaya wag tayong matakot na
tumulong. Madali maging bayani. Sa huli, ang bayanihan ay hindi lamang isang tradisyon kundi
isang Buhay na halimbawa ng diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipino. ito ay isang
alaala na dapat nating yakapin at ipagpatuloy para sa ikabubuti ng ating bansa.
https://markadongpilipino.wordpress.com/2012/08/22/usaping-tradisyunal-bayanihan/
PANLILIGAW

Napakahalaga ng panliligaw o panunuyo sa kultura ng mga sinauna at modernong


Pilipino. Una ito ay bahagi ng proseso ng dalawang nagiibigan upang pagtibayin at umpisahan
ang kanilang relasyon. Ikalawa ang kinaugaliang panliligaw sa Pilipinas ay inilarawan bilang
isang "konserbatibong"diskarte kung ihahambing sa kultura o mundong kanluranin. Ikatlo may
kinalaman ito sa mga "yugto" na likas sa lipunan at kulturang Pilipino, maliwanag sa panliligaw
sa Pilipinas ay ang pagsasagawa ng pagkanta ng mga romantikong love song, pagbigkas ng mga
tula, pagsulat ng mga liham, at pagbibigay ng regalo. Pagkatapos itong paggalang ay umaabot sa
mga miyembro ng pamilya ng babae. Panghuli ang tamang patakaran at pamantayan sa
kinaugaliang panliligaw ng mga kalalakihan.
http://nightskylie.blogspot.com/2021/09/ang-alamat-mga-binturong.html?m=1

KONKLUSYON

Ang konklusyon tungkol sa mga kaugaliang naipamana ng ating mga ninuno sa


kasalukuyan ay ang pagpapahalaga nito. Mahalagang maunawaan natin ang mga kaugalian at
tradisyon ng ating mga ninuno na may malalim na kahalagahan sa pagpapamana ng kultura at
pagpapahalaga sa mga paniniwala ng nakaraan. Ito'y nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng
pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa sariling kultura at kasaysayan. Dapat nating pagka-ingatan
at ipagpatuloy ang mga ito upang hindi natin malimutan ang mga mahahalagang bahagi ng ating
pinagmulan. Ang mga kaugaliang naipamana ng ating mga ninuno sa kasalukuyan ay
naglalarawan ng kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya, paggalang sa mga nakatatanda, at
pagpapahalaga sa mga tradisyon. Ito rin ay nagpapakita ng kung paano tayo konektado sa ating
mga kapwa at kalikasan. Sa kabila ng modernisasyon at pagbabago, mahalaga pa rin ang pag-
aalaga at pagpapahalaga sa mga ito upang mapanatili ang matagal ng kaugalian noong nakaraan
at hanggang sa kasalukuyan. Pwede rin itong magbigay inspirasyon sa mga susunod na
henerasyon na ipagpatuloy ang mga ito para sa kinabukasan.

REKOMENDASYON

Kapansin-pansin na ngayon ang kung paano dahan-dahang nawawala ang mga kaugalian
na ating nakasanayan, ibig sabihin nito’y dahan-dahan na ring nawawala ang mga malalaking
kontribusyon ng ating mga ninuno, kaya sa halip na hayaan natin itong mabaon sa limot,
maghanap tayo ng mga solusyon na makatutulong sa pagpapabalik ng mga kaugalian nating mga
Pilipino ngayon. Kaya magbibigay kami ng limang paraan hinggil sa pagpapahalaga at
pagpapamana ng mga kaugalian ng ating mga ninuno sa kasalukuyan upang mas maunawaan
natin ito ng lubusan. Una ay ang Edukasyon. Mahalaga ang edukasyon tungkol sa mga tradisyon
at kaugalian ng mga ninuno. Ito ay maaaring isama sa mga paaralan upang maipasa ang
kaalaman sa mga kabataan. Maaari ring itaguyod ang mga cultural workshops at seminar.
Pangalawa ay ang pagpapahalaga sa kasaysayan. Dapat nating alagaan ang mga makasaysayang
pook at artefakto na konektado sa ating mga ninuno. dahil ang pagpapahalaga sa kasaysayan ay
nagbibigay-daan sa pag-unawa ng ating mga tradisyon kaugalian at kultura. Pangatlo ay ang
pamana sa pamilya. Ang mga magulang ay maaaring maging mahalagang tagapamana ng
kaugalian at tradisyon sa kanilang mga anak. Ang mga pagkakataon na magkasama ang pamilya
sa pagdiriwang ng mga tradisyon ay mahalaga dahil malaking impluwensiya ang mga magulang
sa kanilang mga anak. Ang pang-apat at panghuli ay ang partisipasyon sa mga pagdiriwang. Ang
aktibong pagsali sa mga kaganapan at pagdiriwang na konektado sa mga tradisyon at kaugalian
ng mga ninuno ay isang paraan upang mapanatili ang pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa mga
ito. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaari nating mapanatili at palaganapin ang mga
kaugalian na naipamana ng ating mga ninuno sa kasalukuyan. Ito ay mahalaga para sa
pagkakakilanlan, pagpapahalaga, at pag-unlad ng ating kultura.

You might also like