You are on page 1of 1

PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA GURO

Masayang isinalubong ng Dauin National High School ang araw ng mga guro noong
Oktubre 5, 2023 upang pasalamatan at bigyang pagpapahalaga ang mga guro.

Ang pagdiriwang sa araw na ito ay nagpapakita kung paano binabago at hinuhulma ng


mga guro ang mga estyudante sa paaralan na maging mabuti at pagkaroon ng respeto. Ito rin ay
isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa mga guro. Pinamunuan
naman ito ng Supreme Secondary Learner Government at inalalayan naman ng Girl Scout of the
Philippines at Boy Scout of the Philippines na ginanap mismo sa paaralan. Nagbigay din ang
SSLG ng mga regalo na makatutulong sa mga guro gaya ng baso at bag. Sila rin ay nagsalo-salo
habang pinapanood ang mga mensahe na ibinigay ng mga estyudante nila upang iparating sa mga
guro ang kanilang pasasalamat at pagmamahal.

Nakamit naman ng SSLG ang tagumpay sa pagdiriwang na ito dahil sa tulong ng ating
punong-guro na si Sir Joelou Aguirre na walang tigil sa pagsuporta sa paaralan at dahil din sa
kooperasyon ng mga estyudante, bakas rin sa mga mata ng mga guro ang kasayahan at ramdam
nila ang pagmamahal ng mga estyudante ng Dauin National High School.

You might also like