You are on page 1of 2

1923 Orense St.

, Guadalupe Nuevo, Makati City, Metro Manila

Ika-25 ng Agosto, 2023


Mahal naming mga magulang,

Purihin ang Panginoon, ngayon at magpakailanman!

Malugod naming ipinapabatid na ang ating paaralan ay magdiriwang ng BUWAN NG WIKA sa darating
ika-5 at 6 ng Setyembre, 2023. Alinsunod sa nasabing pagdiriwang, ang lahat ng mag-aaral mula sa ECE Level
(Nursery at Kinder), Mababang Paaralan, at Mataas na paaralan ay inaasahang maging bahagi ng bawat
patimpalak o gawain. Mangyaring tingnan ang mga sumusunod na iskedyul sa ibaba.

Ika-5 ng Setyembre, 2023 | Pistang Pinoy | Pagsusuot ng Kasuotang Filipino


• Kinder Level – 8:30 N.U. – 9:30 N.U.
• Nursery Level – 12:00 N.T. – 1:00 N.H.
• Mababa at Mataas na Paaralan – 10:30 N.U. – 12:00 N.T.
• Ang mga mag-aaral ay inaasahan na magdala ng pagkaing Pinoy na kadalasang inihahanda sa tuwing may
pista. Kung ihahatid ang pagkain, mangyaring dalhin ito sa paaralan bago ang oras ng kanilang kainan.
• Ang buong komunidad ng GCS ay magsusuot ng kasuotang Filipino sa araw na ito.

Ika-6 ng Setyembre, 2023

UMAGA | 8:00 N.U. – 10:30 N.U. | ECE (Nursery at Kinder Level) at Mababang Paaralan

• ECE (Nursery at Kinder Level) – Natatanging Bilang


• Ika-una hanggang Ika-tatlong Baitang – SayAwit
• Ika-apat hanggang Ika-anim na Baitang – Malikhaing Pagkukuwento
• Ikatlo hanggang Ika-anim na Baitang – Pagkanta ng Makabayang Awitin
• Pagpapahayag sa mga nagwagi

HAPON | 1:00 N.H. – 3:30 N.H. | Mataas na Paaralan

• Ikapito hanggang Ika-walong Baitang – Madulang Sabayang Pagbigkas


• Ika-siyam at Ika-sampung Baitang – Interpretatibong Awit
• Ikapito hanggang Ika-sampung Baitang – Pagkanta ng Kundiman
• Pagpapahayag sa mga nagwagi

PAALALA:
• Sa ika-5 at ika-6 ng Setyembre, 2023, ang oras ng pasok ng mga mag-aaral mula sa Mababa at Mataas na
Paaralan ay ika-pito (7) ng umaga. Ang pasok naman ng ECE Level (Nursery at Kinder) sa ika-6 ng
Setyembre, 2023 ay ika-pito at kalahati (7:30) ng umaga.
• Oras ng uwian:
Ika-5 ng Setyemre, 2023 – walang pagbabago
Ika-6 ng Setyembre 203:
ECE Level (Nursery at Kinder) – 10:30 N.U.
Mababang Paaralan – 11:30 N.U.
Mataas na Paaralan – 3:30 N.H.

ISKEDYUL NG PAG-EENSAYO PARA SA MATAAS NA PAARALAN

• Ika-29, at 31 ng Agosto at ika-1, 4, at 5 ng Setyembre. Ang mga pag-eensayo ay gagawin sa mga asignatura
ng Filipino, AP, MAPEH, CLEd, at Homeroom.
• Oras ng pag-eensayo pagkatapos ng uwian – 3:00 N.H. hanggang 5:00 N.H.
• Ang oras ng pag-eensayo sa ika-30 ng Agosto, 2023 ay sa oras ng 11:30 N.U. hanggang 1:30 N.H.
• Ang pag-eensayo sa labas ng paaralan ay mahigpit na ipinagbabawal.
• Ito ay proyekto o gawain sa mga nabanggit na asignatura.
Sumasainyo, Sinang-ayunan ni:

Gng. Maria Carisa R. Soriano-Daria, LPT Gng. Tanya P. Namit, LPT, MA ELLT
Kabuoang Tagapangulo Punong Guro

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
REPLY SLIP
Petsa: ____________

Natanggap at nabasa namin ang liham paanyaya patungkol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Kami ay
makikilahok at patuloy na makikiisa sa mga gawain sa ating paaralan.

Panglan at lagda ng magulang : __________________________________

Pangalan ng mag-aaral : __________________________________

Baitang at pangkat : __________________________________

You might also like