You are on page 1of 6

AKADEMIKONG PAGSULAT

KATITIKAN NG PULONG NG PARENT - TEACHER ASSOCIATION (PTA) NG PARALAN NG LAWA


NATIONAL HIGH SCHOOL

Ika- 30 Ng NOVEMBER , 2023

Oras -1 ng hapon

Sa LAWA NATIONAL HIGH SCHOOL

Dumalo:

• Norbert PORE jr - punong guro ng (LNHS)

• Paul James Mona - Guro

• romnick Sarmiento - Guro

• amabella Sarmiento - Guro

• Rapson formentera. - Guro

• Darish Jane cambalon - Guro

• Alvin Vergara - Guro

• Alvin decolas - Guro

• prencises opong. - Guro

• Marna dabokol. - Guro

• Tessa formentera - Guro

1.Panukalang adyenda

Pag meeting ng PTA

2. Pag papatibay ng Panukalang Adyenda

- Binuksan ang pagpupulong pulong ni Norbert PORE jr ang punong guro sa kahalagahan
ng Pag kakaisa ng mga mag- aaral magulang at guro sa Pag papabuti ng paaral.
- Nag pahayag ng kanyang mensahe si Norbert PORE jr ang punong guro tuno sa mabuting
dulot ng pabibigay supporta at gabay ng mga magulang sa mga estudyante

Kani -kanilang mga anak bukod pa rito binigay Niya na mas makabubuti kung maipapaliwanag ng
maayos ng mga magulang ang mga polisiya nang maisinsindahil mas mabuting manggaling ito sa
kanila at hindi lamang sa eskwelahan

- normal na sinimulan ma'am princes opng ang ang adyenda- ang Pag dala ng smart phone sa
paaralan . Ngunit may roon pa ring mga polisiya sa pagamit at Pag dala nito. Una hindi ito
maaring gamitin sa oras ng klase kung hindi pinahintuan ng guro . Ikalawa walang resposibilidad
ang paaralan sa kahit anuman na pagkasira o pagkawala ng naturang mga smart phone mga -
mag aaral . Ikatlo ang lahat ng mga smart phone ay dapat naka silent habang nasa loob paaralan
ang lahat ng hindi sumunod sa patakaran ay makukumpiskahan panahon para sa bawat paglabag
sa polisiya. Bukod pa rito ay pinyuhan Niya ang mga magulang na huwag munang bigyan ng
mamahaling mga smart phone ang anak.

3.Iskedyul ng susunod na pulong

- February 5, 2024.

4. Pagtatapos ng Pulong

Normal na natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:00 ng hapon sa pabibigay Salamat ng


punong - guro sa lahat ng dumalo. Ipanahayag din Niya na inaasahan ang kumpletong
presensiya ng lahat sa mga susunod pang pagpupulong .
PANUKALANG PROYECTO

Panukala sa Pagpapatupad ng proyecto sa LAWA NATIONAL HIGH SCHOOL

Mula k

Myrene Angelica Belen,

Jeniffer M. Lubitana,

Dana Evangeline C. Oliver,

Jerzel A. Sales.

Senator Lorenzo Sumulong Memorial Circumferential Road

Brgy. San Jose, Antipolo City

Ika-2 ng Agosto 2019

Haba ng Panahong Gugugulin: 5 buwan at kalahati

Pagpapahayag ng Suliranin

Ang San Jose National High School ay isa sa mga umuunlad na paaralan sa Lungsod ng Antipolo, at isa rin
ito sa may pinakamataas na bahagdan ng mga mag-aaral. Habang dumarami ang mga nage-enrol dito ay
nagkukulang na rin ito sa mga kagamitan at establisyemento, kaya naman nag-atas si Mayor Jun Ynares
ng mga manggagawa upang magtayo ng karagdagang dalawang gusali para sa mag-aaral ng Senior High
School. Natapos na ang pagpapatayo ng dalawang gusali para sa mga mag-aaral ng Senior High School,
subalit mayroon pang suliranin ang mga mag-aaral ng Senior High na nais mabigyan ng atensyon upang
mabigyang solusyon at ito’y maisakatuparan.

Isa sa mga problema ng mga mag-aaral ng Senior High School ay ang lokasyon ng kantina at ang oras ng
recess. Ang kantina ng paaralan ay malayo sa mga gusali ng mga mag-aaral ng Senior High School. Ang
nagiging sanhi nito ay ang kaubusan ng oras at pagkahuli sa oras ng klase dahil sa taas at dami ng hagdan
na dadaanan bago makarating sa kantina. Alinsunod nito ang pagsabay ng oras ng recess ng Junior High,
kaya naman nagkakagulo at nagsisiksikan ang mga mag-aaral sa loob ng kantina. Dahil ditto karamihan
sa mga mag-aaral ay pininipili na lamang na hindi mag-recess.

Layunin
Maipatupad ang pagkakaroon ng sariling kantina ang mga mag-aaral ng Senior High School, upang hindi
na mahirapan ang mga mag-aaral na umakyat baba sa mataas at madaming hagdan para lang makabili
ng kani-kanilang pagkain at sa pagsasayang ng oras dahil sa haba at layo ng kanilang lalakarin bago
makarating sa kantina, alinsunod nito ang pakikigulo at pakikipagsiksikan sa mga mag-aaral ng Junior
High School sa paaralan ng San Jose National High School, marahil sa magkasabay at parehong oras ng
iskedyul ng kanilang recess.

Plano na Dapat Gawin

Pagpasa, pagaaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)

Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa pagpapatupad ng kantina, (2


linggo). Ang mga kontraktor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng
kantina kasama ang gagamiting plano para rito.

Pagpupulong ng mga nakatataas ng Senior High School sa paaralan tungkol sa gagawa ng kantina (1
araw). Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor para sa kabatiran
ng nakakarami.

Pagpapatayo ng kantina sa ilalim ng pamamahala ng opisyal ng paaralan (5 buwan).

Pagpapasinaya at pagbabasbas ng natapos na kantina (1 araw).

Badyet

MGA GASTUSIN

HALAGA

Materyales

Plywood

2,500

Bakal

3,000
Yero

5,000

Pako

300

Semento

2,400

Pintura

500

Hollowblocks

3,000

Buhangin

5,000

MgaManggagawa

270,000

KABUOAN

291,700
Kapakinabangan

Ang pagpapatupad ng pagkakaraan ng kantina sa Ynares Building 1 ay mapapakinabangan ng mga guro,


mag-aaral ng Grade 12 at iilan sa mga mag-aaral ng Grade 11. Ang nasasayang na oras ng mga
estudyante sa papunta’t pabalik mula sa kantina papuntang gusali ng Senior High ay nasolusyonan na.
Maaari nila itong igugol sa paggawa ng iba pang gawain, sa pagpili ng bibilihin o sa pakikisalamuha
sakani-kanilang kaibigan. Hindi na makararanas ang mga estudyante at guro ng pagod mapawi lang ang
gutom at uhaw na nararamdaman.

Ang mga estudyante ay di na mamomroblema sa pakikipagsiksikan sa mga Junior High. Hindi na sila
mag-aaksaya pa ng oras, makarating lang sa kantina, makabili lang ng pagkain. Dahil dito, ang mga mag-
aaral ng Senior High School ay makakapag-recess ng matiwasay at hindi na magtitiis na gutumin ang
sarili.

Siguraduhin na ang mga mag-aaral ng Senior High sa San Jose National High School ay makakain sa oras
ng recess,sapagkat maikli lamang ang nailaang oras para rito. Ipatupad ang pagkakaroon ng kantina
upang maiwasan ang pakikipagsiksikan at ang pag-aaksaya ng oras.

You might also like