You are on page 1of 2

SOUTHVILLE 5A INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Southville 5A Barangay Langkiwa, Biñan City, Laguna


Tel. No.: Admin (049) 513-6529, LIS (049) 513-6528

INTEGRATED PERFORMANCE TASK OF GRADE 9


INTERCLASS BIGSAYAWIT PERFORMANCE
(SABAYANG BIGKAS – SAYAW – AWIT)
UNANG MARKAHAN

Ang Baitang Siyam ay magsasagawa ng isang Integrated Performance Task kasabay


ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan. Ang Kagawaran
ng Edukasyon, sa ilalim ng K to 12 Basic Education Law, ay naglalayon na makalikha ng mga
gawain na maghihikayat sa mga guro na mag-integrate ng iba’t ibang disiplina upang mas
lalong maiangat ang antas ng edukasyon at maunawaan ang tunay na kahulugan nito.
Sa taong ito, ang Pangkatang BIGSAYAWIT ay napag-aralan at napagdesiyunan na
gawin kasama ang lahat ng asignatura sa Baitang Siyam.

GOAL:
Paunlarin ang paggamit ng ating wika at kilalanin kasaysayan ng ating bansa sa
pamamagitan ng isang Bigsayawit.

ROLE:
Ang buong pangkat ay gaganap bilang mga miyembro ng isang Youth Theater
Group na naglalayong iangat ang antas ng pagkilala sa ating wika at kasaysayan. Ang
buong klase ay mahahati sa tatlong pangkat: Pangkat Sabayang Bigkas (30 miyembro),
Pangkat Sayaw (30 miyembro) at Pangkat Teknikal (mga natirang mag-aaral).

AUDIENCE:
Ang manonood ay mga mag-aaral at mga guro sa Baitang Siyam.

SITUATION:
Kinakailangan nilang hikayatin ang mga mag-aaral sa Baitang Siyam na kilalanin
an gating kasaysayan at pagyamanin ang ating wika dahil marami sa mga manonood na
ito ay nalilimutan na ang ating pagka-Filipino.

PRODUCT:
Ang mga mag-aaral ay lilikha ng isang tulang may limang taludtod at limang
saknong ukol sa tema ng Wikang Pambansa, Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Filipino. Matapos ang tula, sasayawin nila ang awit na:
KANTA PILIPINAS
Sung: Lea Salonga
Lyrics and Music: Francis “Kiko” Salazar
Concept/Lyrics: Amy Reyes
Produced by: Mike Villegas, HIT Productions
Sa dulo ay bibigkasin ng mga mag-aaral ang huling saknong ng kanilang tula.
STANDARDS / CRITERIA FOR SUCCESS:
Krayterya at Bahagdan/Porsyento sa BIGSAYAWIT:
1. Interpretasyon 40%
2. Sangkap na Teknika 15%
3. Koryograpi 20%
4. Paghikayat sa Madla 10%
5. Kaangkupan ng Kasuotan at Props 5%
KABUUAN 100%

Mga Karagdagang Alituntunin:


1. Ang tula na gagamitin ay kailangang orihinal at nauukol sa tema ng Buwan ng
Wikang Pambansa: Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.
2. Ang sayaw ay kailangang nagpapakita ng interpretasyon ng awiting ibinigay at ng
tema ng Buwan ng Kasaysayan: Kasaysayan: Bahagi ng Ating Nakaraan, Gabay
sa Kinabukasan.
3. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang minute na Entrance bago magsimula ang
kanilang Sabayang Bigkas.
4. Hindi hinihikayat ng kompetisyon ang pagkuha ng Choreographer. Ang ganitong
kasunduan ay iiwan na lamang sa mga mag-aaral.
5. Ang paggamit ng back drop, panel, at mga standees ay MAHIGPIT NA
IPINAGBABAWAL. Lahat ng props ay kailangan gamitin sa presentasyon.
6. Ang lahat ng performers ay kinakailangang nakasuot ng PE Jogging Pants. Ang
kanilang pang-itaas ay kailangang gawa sa recyclable, indigenous at native
materials. Hindi hinihikayat ang sobrang paggastos, ito ay nasa pagitan lamang ng
mga mag-aaral.
7. Lubos na ipinagbabawal ang pagpapractice tuwing Sabado. Magbibigay ng
takdang araw kung kailan magpapractice ang mga pangkat sa paaralan kasama
ang kanilang Class Adviser.
8. Upang mabigyan ng panahon ang mga mag-aaral na makapag-ensayo, narito ang
schedule ng pagpapractice bawat araw:
Lunes - Sa oras ng Filipino
Martes - Sa oras ng English
Miyerkules - Sa oras ng Math
Huwebes - Sa oras ng Science
Biyerness - Sa oras ng AP/ESP
*Nakadepende sa MAPEH at TLE teachers kung kailan nila papayagan ang
mga bata na magpratice.
9. Ang mga mag-aaral ay HINDI PINAHIHINTULUTAN na magpakita ng mararahas
at mapanakit na pagganap o pagsasayaw. Ang hindi pagsunod sa alituntuning ito
ay pagpapataw ng 5 puntos na pagbabawas sa kabuuang marka.
10. Ang desisyon ng mga hurada ay final at non-appealable.

You might also like