You are on page 1of 19

ANTAS NG PAGGAMIT NG WIKANG

FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA


PANG ARAW-ARAW NA GAWAIN

Mga Mananaliksik:
Basco, Treb Jacob C.
Tan Janssen T.
Oliveros, Allen Joyce V.
Prelijera, Cj Kaye B.
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
PANIMULA
Sa panahon ngayon nangingibabaw ang
makabagong teknolohiya at maaaring makita sa
kahit saang bansa sa buong mundo. Sa pag-usbong
ng makabagong teknolohiya marami na ang mga
lumulutang na estilo ng paggamit ng salita tulad ng
jejemon at gay lingo, dahil sa patuloy na
paglaganap ng makabagong teknolohiya, marami
na sa mga Pilipino saan mang sulok ng mundo
ang hindi na gumagamit ng sariling wika
sapagkat naiimpluwensiyahan sila ng kanilang
nari-
rinig, nakikita, at nababasa sa internet,
telebisyon, telepono at iba pa. Kung pag-
uusapan ang kalagayang pangwika ng
kulturang Pilipino, malaki ang nagagawang
epekto ng makabagong teknolohiya dito.
Ayon kay Manibo (2016) sa pamayanan
unang natututo ang bata sa pakikipag-
ugnayan sa iba kaya malaking
impluwensiya ang pamayanan sa paghubog
ng katauhan ng isang indibidwal. Kasabay
ng pagbabago ng sa lipunan ay
naapektuhan din ang wikang pambansa.
Inilahad ni Gallego (2017) na ang pagkakaroon
ng iba’t-ibang diyalekto ng bansang Pilipinas ay
nagpapatagal at nagpapahirap sa paglaganap ng
wikang Filipino. Ilang taon na ang lumipas mula
nang magkaroon ng wikang pambansa subalit
85% pa lamang ng populasyon ang nakakaintindi
at nakakapagbasa nito at 79% lamang ang
kayang magsulat gamit ang Filipino. Ipinahayag
din dito na ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang
may pinakamaraming bilang ng tao na
nagsasalita o gumagamit ng salitang Ingles. Sa
katunayan, 92.85% ng mga mamamayan sa bansa
ay nakakaintindi at marunong magsalita nito.
Ang pag-aaral ay gagawin sa loob ng
Kolehiyo ng Sacred Heart upang
malaman ang antas ng paggmit ng
wikang Filipino ng mga mag-aaral at
kung paano nila ito gamitin sa pang
araw-araw na gawain tulad ng pag-aaral
at pakikipagkomunikasyon.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Nilayon ng pag-aaral na ito na malaman


at mailahad ang “Antas ng Paggamit ng
Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa
Ikalabing-isang baitang ng Kolehiyo ng
Sacred Heart sa Pang araw-araw na
Gawain”.
Nilayong sagutin ng pag-aaral na ito
ang mga sumusunod na katanungan:
1.) Ano ang demograpikong tala ng mga
mag aaral ayon sa:
a) kasarian;
b) edad; at
c) istrand ?
2.) Ano ang antas ng paggamit ng wikang
Filipino ng mga mag-aaral sa ikalabing-
isang baitang ng Kolehiyo ng Sacred Heart
sa:
d) pag-aaral; at
e) pakikisalamuha ?
3.) Ano ang halagang pagkakaiba ng
demograpikong tala ng mga mag-aaral
sa ikalabing-isang baitang ng Kolehiyo
ng Sacred Heart sa antas ng paggamit ng
wikang Filipino sa pang araw-araw na
gawain?
4.) Sa katapusan ng pag-aaral anong
kagamitan ang maaaring mabuo?
BALANGKAS NA KONSEPTWAL
PAGHAHANDA PROSESO
-Demograpikong - Pakikipanayam KINALABASA
tala ng mga sa mga mag- N
mag-aaral ayon aaral sa ika
sa: labing isang - Pagbuo ng
a.) kasarian baitang upang isang
b.) edad; at
malaman ang brochure na
antas nila sa naglalaman ng
c.) strand? paggamit ng kahalagahan
-Ano ang antas wikang Filipino
sa pang araw- at benepisyo
ng paggamit ng
wikang Filipino araw na gawain. na maaaring
ng mga mag- - Pagbabalido at makuha sa
aaral sa pagpapasagot ng paggamit ng
ikalabing-isang ginawang wikang
baitang ng talatanungan. Filipino sa
Kolehiyo ng
Sacred Heart sa:
-Pag aanalisa sa pang araw-
naging sagot sa araw na
a.) pag-aaral; at mga
pinasagutang
gawain.
b.)
pakikisalamuha talatanungan
SAKLAW AT LIMITASYON
• Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw
lamang sa antas ng paggamit ng wikang
Filipino ng mga mag-aaral sa ikalabing-
isang baitang ng Kolehiyo ng Sacred
Heart.
• Ang pag-aaral ay isasagawa lamang sa
loob ng Kolehiyo ng Sacred Heart.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Makakapagbigay ng impormasyon ang


resulta ng pag-aaral na ito tungkol sa antas
ng paggamit ng wikang Filipino ng mga
mag-aaral sa pang araw-araw na gawain.
Makatutulong ito sa mga mag-aaral, mga
guro, mga susunod na mananaliksik, at sa
administrador ng paaralan sa pagpapaunlad
ng paggamit ng wikang Filipino sa pang
araw-araw na gawain.
KABANATA III
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gagamit


ng sarbey upang makalap ang
kinakailangang impormasyon na
magsisilbing patunay upang masagot
ang mga katanungang nakapaloob sa
suliranin ng pag-aaral.
POPULASYON NG MGA MANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay


nangangailangan ng apatnapu’t walo
(48) na tagapagsagot mula sa istrand
na STEM, labing-anim (16) sa istrand
na ABM at tatlumpu (30) sa istrand
na HUMSS.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Gagamit ang mga mananaliksik ng


isang sarbey kaakibat ang mga
katanungan upang instrumento ng ng
pagkalap ng impormasyon sa
pananaliksik na isinasagawa.
PAGLALAPAT ISTATISTIKAL
Gagamit ang mga mananaliksik ng pormula
ng WAM o Weighted Arithmetic Mean upang
malaman kung sumang-ayon o hindi sumang-
ayon ang mga tagapagsagot sa mga
katanungang nakapaloob sa talatanungan.
MARAMING SALAMAT PO
SA INYONG PAKIKINIG 

You might also like