You are on page 1of 4

PANIMULA

Ang paggamit ng wikang tagalog sa larangan ng sipnayan

ay hindi agad natin ito maiintindihan ng mabuti , dahil sa mga

termino na nakasanayan na natin. Sa ibat - ibang bansa ay

gumagamit sila ng wikang ingles sa pagtuturo ng sipnayan sa

mga mag-aaral dahil dito sila ay madaling magkakaintindihan at

isa ito sa mga basihan kung bakit mas ginagamit ang wikang

ingles pagdating sa pagtuturo ng sipnayan.

Ang wikang tagalog pagdating sa pagtuturo ng sipnayan

dito sa Polomolok National High School ay iilan nalang na mga

guro ang gumagamit ng wikang Pilipino sa pagtuturo ng sipnayan

, dahil alam nila na ang paggamit ng wikang Pilipino pagdating

sa pagtuturo ng asignaturang sipnayan ay makakatulong sa mga

mag-aaral upang madali nilang maiintindihan ang pagtuturo ng

guro kaysa paggamit ng wikang banyaga na ingles .

Basi dito sa amig tesis makikita sa loob kung paano

binago ng wikang Pilipino ang asignaturang sipnayan pagdating

sa pagtuturo nito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1.Anu ano ang mga dahilan , kung bakit hindi nila ginagamit

ang wikang Pilipino sa pagtuturo ng sipnayan?


2. Ano ang magiging suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng

sipnayan gamit ang wikang Pilipino?

3. Ano ang dahilan kung bakit iilan lang na ang mga guro ang

gumagamit ng wikang Pilipino sa pagtuturo ng sipnayang sa

Polomolok National High School?

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang wikang Pilipino pagdating sa pagtuturo ng asignaturang

sipnayan ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat

ito ay mahalaga at makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng

isang bansa. Ito ay mahalagang sangkap upang makamit ng isang

bansa ang pag-unlad paglago ng ekonomiya kung ang mga guro

ay nagkakaisa pagdating sa pagtuturo ng sipnayan gamit ang

wikang Pilipino.

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong

sa kanila upang kanilang malaman at maunawaan ang mga

dahilan kung bakit ang mga guro ng Polomolom National

High School ay gumagamit ng wikang Pilipino sa pagtuturo

ng asignaturang sipnayan.

Sa mga guro . Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng

kaalamam ukol sa kahalagahan ng wikang Pilipino sa pagtuturo

ng sipnayan sa Polomolok National High School.

Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay

maaaring nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya


tungkol sa paggamit ng wikang Pilipino sa pagtuturo ng

sipnayan.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman

kung ano ang dahilan ng mga guro kung bakit hindi nila

ginagamit ang wikang Pilipino sa pagtuturo ng asignaturang

sipnayan sa mga mag-aaral ng Polomolok National High School.

Ginawa ang pag-aaral na ito ng mga mag-aaral ng

Computer Hardware Servicing at Fruit Beverage Servicing ng

Polomolok National High School sa taong 2016 2017. Ang

pagtitipon ng mga impormasyon at Iba pang mga kinakailangang

impormasyon ay ginawa sa paaralan ng Polomolok National High

School.

DEPINISYON / KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Sipnayan - Isang asignatura na binubuo ng mga numero at ibang antas

sa kalkulasyon.

Polomolok National High School - Isang sekandaryang paaralan na

pinamamahalaan ni Gng. Eva S. Cosep, na nakadistino sa Octavio

Village Polomolok South Cotabato.

You might also like