You are on page 1of 1

1. Tungkol saan ang teksto?

- Ang teksto ay tungkol sa pagpapalaganap ng mother tongue multilingual education, at kung


ano ang mga positibong epekto ang madudulot nito sa kakayahan ng isang bata na higit
pang matuto sa iba’t ibang larangan katulad na lamang ng mga resulta sa mga isinaliksik
galing sa iba’t-ibang teksto.
2. Ano ang pinakaimportanteng ideya ng awtor tungkol sa paksa?
- Ang pinakaimportanteng ideya ng awtor tungkol sa paksa ay ang paglalahad ng mga
naidudulot ng pag-aaral ng unang wika bago ang pangalawang wika, kaya mabuti na lamang
ang pagkakaroon ng programa ang DepEd na MTB-MLE.
3. Ano ang mother tongue sa inyong lugar?
- Ako ay nakatira sa Cagayan, Isabela, bagama’t marami na ang mga taong winiwika ay Ilocano
sa amin sa kadahilanan ng ‘migration,’ pinagmamalaki ko na ang orihinal na katutubong
wika ng mga Cagayanos ay Ybanag, at ako’y labis kong ikinagagalak na ay purong Ybanag.
Kaya ang unang wika ko ay Ybanag.
4. Ano-ano sa palagay mo ang kahulugan ng paggamit ng mother tongue o unang wika sa pag-aaral
ng mga bata?
- Sa aking palagay, ang kahulugan ng paggamit at pag-aral ng mother tongue ng mga bata ay
simbolo ng pagiging makabayan at pagmamahal sa kanilang pinanggalingan. Para sa akin,
hindi man ito lubos na dahilan sa pagkakaroon ng kahusayan sa pagtuto sa iba’t-ibang
larangan ng edukasyon, mas mabuti pa rin ang pagkakaroon ng pagmamahal sa bansang
tinubuan, at kung mayroon mang malaking maaambag nito sa edukasyon at pag-iisip ng
bawat bata sa Pilipinas, magiging malaking tulong ito at dapat lang na ito’y mapalaganap sa
buong bansa.
5. Sumasang-ayon ka ba na ang paggamit ng mother tongue o unang wika sa pagtuturo ay
nakatutulong upang madaling maunawaan ng mga bata ang aralin? Patunayan.
- Hindi ako sumasang-ayon dito sapagkat nakadepende pa rin sa bata kung paano nito
magagamit ang mother tongue na mabuti at ng may buong husay. Sa aking katwiran, hindi
lahat ng bata ay pare-pareho ng kakayahan sa pagtuto. Subalit magandang matutunan ang
unang wika o mother tongue upang lalo pang kumonekta sa kultura n gating mga lugar, at
bigyang-halaga an gating mga pinanggalingan, dahil dito tayo nagmula.

Teksto blg #1

1. Pansinin ang talasalitaan sa sanaysay ni Ma. Nympha A. Beltran. Paano isinalin ang mga termino
sa Agham at Matematika?
2. Pamilyar ka ba sa ilan sa mga terminong nakasalin sa Filipino at ginagamit mo ba ang mga ito sa
paaralan o pakikipagtalastasan?
3. Ano ang masasabi mong maaaring suliranin sa pagtuturo ng Agham at Matematika sa Filipino o
unang wika ng mag-aaral?
4. Sa iyong palagay, mas mauunawaan ba ang pag-aaral ng Agham at Matematika kung ituturo ang
mga ito sa wikang Filipino o sa unang wika ng mag-aaral?

You might also like