You are on page 1of 2

Mga guro, maging malikhain sa pagtuturo ng Filipino

“Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na
mahusay ang modelo – ang mga guro”
PANGASINAN, Pilipinas – Sa pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, hinikayat ng
mga eksperto ang lahat ng guro na gawing malikhain at kasiya-siya ang pagtuturo ng Filipino sa
mga kabataan.
“Kailangang mas masaya ang pagtuturo ng Filipino ngayon. Bakit kailangang boring ang
Filipino? Kailangan tayong tumuklas ng malikhaing paraan ng pagtuturo pa ng Filipino,” hamon
ni Jimmy Fong, Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Miyerkules,
Agosto 5 – ang unang araw ng Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika.
Mga 79 taon na rin ang nakalipas nang huling magkaroon ng pagpaplanong pangwika sa bansa.
Ngayong taon, idinaos ang kongreso sa Lingayen, Pangasinan.
Kagaya ni Fong na idiniing tuluy-tuloy dapat ang eksperimento sa pagtuturo ng Filipino, sinabi
ni Ruth Mabanglo – isang propesor ng Filipino sa University of Hawaii – na kailangang nasa
konteksto ang pagtuturo.

Ibig sabihin, dapat isinasaalang-alang ang wikang higit na ginagamit ng bata sa bahay, sa
paaralan, at sa komunidad. ‘Ika ni Mabanglo, kailangang bigyang pansin ang mga awtentikong
kagamitan sa pagtuturo ng wika, tulad ng mga soap operas at mga diyaryo.
“Ang (effectiveness) nun, hindi siya yung ginagawa nung mga textbook writer na yun na kaagad,
wala ka nang ibang choice. Ito, marami kang choices, tapos realistic kasi it was not meant for
teaching, it was meant para paunlarin ang utak ng mga nagsasalita ng language,” ani Mabanglo.
Pero paano nga ba malalaman kung matagumpay ang guro sa pagtuturo ng Filipino?
Sabi ni Fong, masusukat ang tagumpay sa kung paano napatutunog ng bata ang mga alpabetong
Filipino, lalo na ang mga sumusunod:
 diperensya ng /e/ at /i/
 diperensya ng /o/ at /u/
 diperensya ng /b/ at /v/
 diperensya ng /f/ at /p/
 tuldik
 ang tunog na schwa
“Kaya ang hamon natin para sa lahat ay mas mahusay na pagtuturo sa Filipino. Huwag nating
palagpasin ang mga maling pagpapatunog ng mga patinig at katinig,” ‘ika ni Fong.
Dagdag ni Mabanglo, mahalagang bigyang-diin sa pagtuturo ang pagsasalita sa Filipino, dahil
pagsasalita ang paunang sukat sa kaalaman sa wika.
Pagsusuri ng guro
Minungkahi niyang dapat dumaan ang mga guro sa pagsusuri upang malaman ang kanilang antas
sa pagsasalita ng Filipino. Aniya, mahalagang makaabot ang mismong guro sa “superior level”
ng pagsasalita:
1. Superior level – Napagtatanggol at naipaliliwanag ng guro ang kanyang opinyon, at natatalakay
ang mga abstraktong paksa. Puwede siyang humimok ng tao.
2. Advanced level – Nagkakamali pa ang guro sa gramatika, hindi wasto ang bokabularyo, halos
tama na ang konstruksyon, kaya nang magsalita ng paragraph length, malinaw na malinaw ang
hilera ng pangangatwiran.
3. Intermediate level – Mahusay-husay na ang guro, kaya nang magsalita ng sentence level, kung
minsan hindi pa magkaugnay-ugnay, nakasasagot sa tanong, hindi minsan
wasto nguni’t puwedeng itama ang sarili.
4. Novice level – Baguhan pa ang guro, parirala lang ang nasasabi, saulado pa ang sasabihin. ‘Pag
‘di na naalala, magkaka-breakdown na sa pagsasalita.
5. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na
mahusay ang modelo – ang mga guro,” ‘ika ni Mabanglo. –

You might also like