You are on page 1of 4

Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika.

Pero ano nga ba ang kahalagahan


ng wika? Basahin ang repleksyon ni Gng. Desiree Reyno, Filipino Subject Area Coordinator ng Ateneo
Grade School.

Sa mahabang panahon na ako ay nagtuturo ng asignaturang Filipino, makailang beses na ring naitatanong sa akin
ang tungkol sa pagtuturo nito. Ang kadalasang tanong ay, “Mahirap ba itong ituro?” o “Paano ba ito itinuturo?”
Ngunit ang mas mapanghamong tanong ay, “Bakit kailangang ituro ang Filipino?”

Sa ganang akin, ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o
gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at makabuluhang
pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO bilang asignatura ay pagpapalalim ng ating
wika at kultura.

Ang susunod na katanungan, marahil, sa pahayag na ito ay “Bakit? at Paano?”

Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-
aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-
aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag
ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa
maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin,
at ang mga kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan
dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming
pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay
sayang isipin na nauunawan ng mga batang Pilipino ang kanilang kultura gamit ang wikang Filipino?

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino. Kaya naman
kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa kanilang pamumuhay.
Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na
matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa
kanyang pakikipagtalastasan sa iba.

Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Mas mabuting ipalarawan
sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan. Sa ganitong
paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay magamit
niya nang wasto at makabuluhan. Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang ilarawan ang kanyang sarili sa
oras ng panayam o anumang gawaing may kinalaman sa pagpapakilala, kakayanin niyang gawin ito dahil hindi
naman itatanong sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya ang kanyang sarili.

Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May kakayahan siyang makipag-ugnayan sa
kahit kanino sa ating bansa. Minsan isang tanghalian, habang ako ay teacher prefect sa aking mga mag-aaral,
naitanong sa akin ng isa kong estudyante kung bakit pa raw niya pag-aaralan ang Filipino kung magiging CEO
naman siya ng kanilang kumpanya balang-araw. Sinagot ko muna siya ng isang tanong bago ko sagutin ang totoo
niyang tinatanong. “Gusto mo bang maging isang mahusay at mabuting CEO sa iyong mga manggagawa?” Sa
simpleng tanong kong ito, nakita ko ang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. At habang
ipinaliliwanag ko ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino upang makipag-ugnayan mula sa simpleng
manggagawa hanggang sa mga aral at dalubhasang kasamahan sa kumpanya, nakita ko rin ang unti-unting
pagliwanag ng kanyang mukha. Napalitan ng ngiti at matamis na “Salamat Ma’am” ang natanggap ko mula sa
kanya.

Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga
Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng
Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang
magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila
rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat
lamang na matutuhan nila ito.

MAGING MODELO. Hinihikayat ng mga eksperto na maging modelo ang mga guro sa pagsasalita ng
Filipino. Kuha ni Joel Leporada/Rappler

PANGASINAN, Pilipinas – Sa pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong Agosto,


hinikayat ng mga eksperto ang lahat ng guro na gawing malikhain at kasiya-siya ang
pagtuturo ng Filipino sa mga kabataan.

"Kailangang mas masaya ang pagtuturo ng Filipino ngayon. Bakit kailangang boringang
Filipino? Kailangan tayong tumuklas ng malikhaing paraan ng pagtuturo pa ng Filipino,”
hamon ni Jimmy Fong, Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong
Miyerkules, Agosto 5 – ang unang araw ng Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong
Wika.

Mga 79 taon na rin ang nakalipas nang huling magkaroon ng pagpaplanong pangwika
sa bansa. Ngayong taon, idinaos ang kongreso sa Lingayen, Pangasinan.
Kagaya ni Fong na idiniing tuluy-tuloy dapat ang eksperimento sa pagtuturo ng Filipino,
sinabi ni Ruth Mabanglo – isang propesor ng Filipino sa University of Hawaii – na
kailangang nasa konteksto ang pagtuturo.

Ibig sabihin, dapat isinasaalang-alang ang wikang higit na ginagamit ng bata sa bahay,
sa paaralan, at sa komunidad. 'Ika ni Mabanglo, kailangang bigyang pansin ang mga
awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng wika, tulad ng mga soap operas at mga diyaryo.

"Ang (effectiveness) nun, hindi siya yung ginagawa nung mga textbook writer na yun na
kaagad, wala ka nang ibang choice. Ito, marami kang choices, tapos realistic kasi it was
not meant for teaching, it was meant para paunlarin ang utak ng mga nagsasalita
ng language," ani Mabanglo.

Pero paano nga ba malalaman kung matagumpay ang guro sa pagtuturo ng Filipino?

Sabi ni Fong, masusukat ang tagumpay sa kung paano napatutunog ng bata ang mga
alpabetong Filipino, lalo na ang mga sumusunod:

 diperensya ng /e/ at /i/


 diperensya ng /o/ at /u/
 diperensya ng /b/ at /v/
 diperensya ng /f/ at /p/
 tuldik
 ang tunog na schwa

"Kaya ang hamon natin para sa lahat ay mas mahusay na pagtuturo sa Filipino. Huwag
nating palagpasin ang mga maling pagpapatunog ng mga patinig at katinig," 'ika ni
Fong.

"Kaya ang hamon natin para sa lahat ay mas mahusay na pagtuturo sa Filipino. Huwag
nating palagpasin ang mga maling pagpapatunog ng mga patinig at katinig," 'ika ni
Fong.

Dagdag ni Mabanglo, mahalagang bigyang-diin sa pagtuturo ang pagsasalita sa


Filipino, dahil pagsasalita ang paunang sukat sa kaalaman sa wika.

Pagsusuri ng guro

Minungkahi niyang dapat dumaan ang mga guro sa pagsusuri upang malaman ang
kanilang antas sa pagsasalita ng Filipino. Aniya, mahalagang makaabot ang mismong
guro sa "superior level" ng pagsasalita:
1. Superior level – Napagtatanggol at naipaliliwanag ng guro ang kanyang
opinyon, at natatalakay ang mga abstraktong paksa. Puwede siyang
humimok ng tao.
2. Advanced level – Nagkakamali pa ang guro sa gramatika, hindi wasto
ang bokabularyo, halos tama na ang konstruksyon, kaya nang magsalita
ng paragraph length, malinaw na malinaw ang hilera ng pangangatwiran.
3. Intermediate level – Mahusay-husay na ang guro, kaya nang magsalita
ng sentence level, kung minsan hindi pa magkaugnay-ugnay, nakasasagot
sa tanong, hindi minsan wasto nguni't puwedeng itama ang sarili.
4. Novice level – Baguhan pa ang guro, parirala lang ang nasasabi, saulado
pa ang sasabihin. 'Pag 'di na naalala, magkaka-breakdown na sa
pagsasalita.

"Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay
na mahusay ang modelo – ang mga guro," 'ika ni Mabanglo. –

You might also like