You are on page 1of 2

Loi Joshua L.

Camarines 12/10/21

BSBA-FM

PRETEST.

 Bakit hindi alam ng ibang bata ang salitang Filipino para sa mga bagay na makikita naman sa
bansa?

Tayong lahat ay unang natutu ng mga salita galling sa ating mga maguilang pagkat sila
nga ang ating unang guro, sa kanila rin natin natutunan ang mga bagay katulad ng mabuting pag-
uyugali at wika na ginagamitsa ating tahanan. Lahat tayo ay ipinbaggmamalaki ang ating sariling
wika at inaanyayahan tayong mas palawigin pa ito ngunit sa kadahilanan ng modernisasyon,
unti-unti na itong nagbabago. Mas tinatangkilik at pinag-aaralan na ang banyagang wika kaysa
sariling wika katulad ng ingles. Hindi na napapahalagahan ang sariling atin dahil sa paniniwalang
mas matalino ang bata kung ito ay mas bihasa sa lingwahing ingles kaya mas minamabuti ng
mga magulang na ituro ito sa murang edad.
Sa panahon natin ngaayon m ignorant ay mga bata na hindi masyado marunong
magsalita ng sariling wika, hindi nila matukoy ang mga bagay na alam nila sa ingles. Maraming
mga salik ang nakakaapekto sa pagkatututo ng mga bata, isa dito ay kaya mas malawak ang
kanilang kaalaman sa wikang ingles at hindi sa wikang filipino ay dahil sa ito ang kanilang unang
liongwahe na natutunan mula sa kanilang mga magulang. Sinisimulang ng magulang ang
paggamit ng wikang ingles at terminolohiyang ingles sa mga bagay na nakikita sa kapaligiran at
hindi itinuturo ang katumbas nito sa wikang filipino kaya nagiging mangmang ang mga bata.
Pangalawang maaring sanhi ng kakulangan sa kaalaman ng mga bata tungkol sa wikang filip[ino
ay ang lingwahe na ginagamit sa kanilang tahanan ay hindi wikiing filipino kundi wikang
banyaga. May mga magulang na bihasa ingles kaya’t ginagamit nila ito sa kanilang pang araw-
araw na komunikasyon sa kanilang tahanan, dahil dito nagagaya ito ng kanilang mga anak.
Dumagdag pa dito ang mga pagtuturo sa mga paaralan na halos lahat ay gumagamit ng
banyagang wika. Sa kurikulum ng ating bansa ngayon mas pinapalawig ang pagtuturo ng
banyagang wika sa mga paaralan imbis sa sariling wika dahilo sa modernisayon ay mistulang
nakakalimutan na ang pagpapalawig ng sariling atin sa mga paaralan at matinututukan na ang
wikang ingles. Dahil sa mga salik na ito hindi na nakakagulat ang pagbaba ng kaalaman ng mga
bata sa wikang filipino.
Ang pagtuturo ng wikang banyaga sa ating mga anak ay hindi masama, isaalang-alang
lang natin na ituro rin ang mga katumbas na bagay sa wikang filipino upang hind imaging
ignorante sa mga terminolohiya nito. Ugaliin nating ituro ang kahalagahan nito bilang isang
Pilipino at mas mapalawig natin ito sa bagong henerasyon. Saq pamamagitan nito hindi
mamamatay ang sariling wikang pinaglaban ng ating mga minamahal na bayani.
 Magbalik tanaw sa nakaraan,Saang mga sitwasyong pangkomunikasyon mo natutuhan noon
ang mga pangalan o katawagan ng mga bagay na nasa paligid ?

Sa pamilya natin unang natatanggap ang edukasyon tungkol sa mga bagay sa ating
paligid.Maging ang ating mismong pangalan ay ating natutunan mula sa ating magulang, sila ang
unang gurong humubog sa ating kamalayan sa mundo.Nang umabot tayo sa tatlong taon, hindi
natin mahawakan ang lapis ng maayos upang sumulat at gumuhit. Kinailangan ng maraming
pagkakataon na magpinta at magsulat upang malinang ang kasanayan. Sa pagitan ng edad na
apat at lima, mas kontrolado na natin ang mga daliri at lapis, nagagawa na nating isulat ang
pangalan sa papel. Naging mahusay na rin ang ating pagsulat at pagsasalita ng wikang
bernakular. Nang tayo’y unang pumasok ng kindergarden, maiikling parirala lamang ang ating
kayang bigkasin. Gusto nating kausapin ang ating sarili at ginagaya ang sinasabi ng mga
matatanda. Sa kindergarden, natuto ako sa pamamagitan ng mga laro at mga gawain tulad ng
pagsasadula at larong mapanlikha. Ang ating husay sa wika ay umunlad sa pagdaan ng mga taon.
Hindi nagtagal, ako ay nakapagsasalita na nang mas epektibo sa pamamagitan ng paggamit ng
pangungusap at mahirap unawaing talasalitaan. Hindi humihinto ang edukasyon, hanggang
ngayon ay patuloy tayong nagsasanay sa wika at tumuklas ng ibang terminong lumalarawan sa
ating kapaligiran. Ang pagtuturo ng wikang Filipino ay nangangailangan ng higit pa sa pagtuturo
ng wika at pag-unawa sa teksto. Ang kaalaman ay higit pa sa kakayahang makabuo ng maayos at
mauunawaang mga parirala at tumugon sa mga ito gamit ang mga kakayahan sa pagbabasa at
pag unawa. Ang filipino bilang asignatura ay pagpapalakas ng ating wika at kultura. Sa paggamit
ng wika, napapaunlad natin ang iting pang-unawa at kakayahang makipag-usap sa Filipino.
Kapag ang wika ay regular na ginagamit, isang matatag na pundasyon ng mga termino na
maaaring gamitin upang maunawaan ang maraming aspeto nating mga Pilipino. Ang mga
nakalimbag na gawa, dula, o pagtatanghal, o mga kuwento tungkol sa mga Pilipino na isinalaysay
sa wikang Filipino ay lubos na pinahahalagahan para sa kanilang perpektong pag-unawa.
Maaaring ito rin ang pinagmumulan ng damdaming makabayan at pundasyon bilang isang
mabuting mamamayanng Pilipino.Pagturo sa mga bata sa sarili nilang wika ay mahalaga upang
mainam na maipahayag ang kanyang damdamin at ideya at matutunan ang parte ng
kasaysayan.Ang wikang Filipino ay nagmula pa sa ating ninuno, hindi maipagpapalit ang halaga
ng wika sa anumang kayamanan. Kaysaya sigurong pagmasdan kung ang lahat ng mga kabataan
ang wikang Filipino na syang nagtataguyod sa pagkakakilanlan at dugong naglalantay sa kanilang
pinagmulan. Ang tama at mabuting paggamit ng ating wika ay makapangyarihan. Ito ay isang
paraan upang tayong mga Pilipino ay magkaroon ng matatag na pagkakakilanlan. Ang kabataan
ang pag-asa ng bayan. Isusulong natin ang wikang nagbubuklod sa ating mga Pilipino at
magpapakita ng husay, kahusayan at pagiging palakaibigan nating mga Pilipino.

You might also like