You are on page 1of 1

CHRISTINE DIANNE CONCHA- GAWAIN 1

https://bladimer.files.wordpress.com/2014/12/32.jpg

Sa lagay ng mga estudyante ngayon, hindi maitatanggi na may matinding pangangailangan para
sa mga asignaturang tinatalakay ang Wikang Filipino. Datapwat Filipino ang ating pangunahing
wika, mas inaaral ngayon ng mga Pilipinong mag-aaral ang wikang Ingles. Mula pagkabata,
itinatanim na sa kanilang mga isipan na ang pagsasalita ng wikang Ingles ay mahalaga sa
kanilang mga kinabukasan, marahil ay ito raw ang pinaka-gamit na lenggwahe sa iba't-ibang
propesyon. Mula sa mga terminong ginagamit sa mga teknikal na konteksto hanggang sa mga
batas na isinasapubliko, kitang-kita na mas ginagamit ang Ingles kaysa Filipino.

Mahalaga ang pag-aaral ng sariling wika sa paghubog ng isang tao tungo sa pag-intindi ng
kanyang kinagisnan, ngunit dahil sa iba’t-ibang sanhi mula pagkabata ay napapabayaan ito:
Ingles ang wika ng karamihan sa mga napapanood ng mga bata sa telebisyon, may mga
magulang na pilit kausapin ang anak nila sa wikang Ingles, at mayroon ring mga paaralan na
marahil ay nais nilang matingala ang kanilang mga estudyante ay nagpapataw pa sila ng parusa
sa mga iimik ng wikang Filipino. Sa panahon ngayon, itinuturing nang kagalang-galang ang
pagsasalita ng Ingles na maaari nating makumpara sa kung paano naituring na kagalang-galang
ang mga Ilustrado noong panahon ng mga Espanyol sa kanilang pag-iimik ng banyagang wika.
Sa ating lipunan, ang pagsasalita ng Ingles ay nangangahulugan na ikaw ay edukado at may sapat
na kayamanan para makakuha ng edukasyon para dito.

Lahat ng mga sanhi at mga panlipunang konstruksyon na ito hinggil sa mga wikang naiimik
natin ang nakahahadlang sa atin upang mahalin ang sariling wika. Marahil ay iniisip ng isang
indibidwal na marami siyang makukuhang oportunidad sa pagiging marunong sa Ingles, ngunit
mapapakinabangan mo pa ba ang mga oportunidad na ito kung ikaw naman ay banyaga sa sarili
mong bansa?

You might also like