You are on page 1of 2

Wikang Filipino ating patuloy na tangkilikin:

Itong mensahe na ito hindi lamang para sa mga mag-aaral, para din ito sa
mga magulang. Sa panahon ngayon ay nauuso ang panonood ng mga
Kdrama, at iba pang drama na gawa ng ibang bansa, hindi po masama na
manood at tumangkilik nito, ngunit alam at kilala pa nga ba natin ang
ating sariling Wika?
Isang maaaring hakbang upang mapanatili ang pagpapahalaga sa ating
wika ay ang pagsasagawa ng mga teleserye na nangyari noong sinaunang
panahon, upang ito ay patuloy na makilala ng mga susunod na
henerasyon, gaya na lamang ng pagsasagawa ng isang programa sa
telebisyon na patungkol kay Maria Clara at Ibarra, sa pamamaraan na ito
ay marami ang natuwa sapagkat isa ito sa pinaka maganda na ideya na
kanilang nailabas para sa mga mamamayan ng Pilipinas. Isa pang nagawa
nila ang kay Heneral Luna, at sumunod dito ay ang kay Goyo (ang batang
henaral), sapagkat isa itong daan upang malaman at makita nila ang
pagtatanggol ng ating mga ninuno noon upang magkaroonj tayo ng laya
sa ating bansa.

Sa ibinaba ng CHED na dapat na tanggalin ang Filipino sa kolehiyo ay


hindi ako sang-ayon dito. Dapat ay patuloy itong ituro sapagkat ang mga
mag-aaral na ito ang magiging mga propesyonal na magiging daan upang
mas makilala ang wikang Pilipino.

Sa bahagi naman ng mga kasalukuyang mga magulang ngayon at sa mga


susunod pa, huwag po sana natin na hayaan ang ating mga anak ay
tangkiliking mabuti at kjahit na nasa Pilipinas sila ay bata pa lamang
ngunit ibang lenggwahe na agad ang kanilang nakasanayan, gaya na
lamang ng wikang Ingles. Ang Pilipinas ay matagal na nasakop ng iba’t-
ibang mga bansa, kung ito ay patuloy natin na kakalimutan ay ang
Pilipinas ay parang hindi pa rin malaya mula sa kanilang pananakop sa
atin.

Sanggunian:

You might also like