You are on page 1of 2

“Wikang Filipino Huwag Pabayaan”

ni: Claire M. Antido

Ilan sa mga Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa kulturang banyaga lalong-lalo na ang
kultura ng bansang Hilagang Korea. Ngunit maituturing bang banta ang pagkahumaling ito para
sa wikang Filipino? Magiging balakid ba sa paglinang at pag-usbong ng ating wika ang pagiging
interesado ng ilan sa mga Pilipino sa kulturang banyaga? Masasabi ba nating natatabunan na ng
wikang banyaga ang ating sariling wikang Filipino?

Una sa lahat, hindi naman na bago sa atin na may mga Pilipinong nais matutunan ang
kulturang banyaga dahil tayo naman kasi ay naging alipin ng tatlong mga bansa sa matagal na
panahon. Mismong mga ninuno natin ay hindi wikang Filipino ang unang kinamulatan na wika.
Wikang banyaga ang kanilang inaral noon at ginamit sa pang araw-araw na pakiki pag-usap.
Kaya ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa kulturang banyaga sa kasalukuyan ay hindi na isang
palaisipan sa atin.

Sa kasalukuyan, ang kultura ng bansang Hilagang Korea ang higit na kinakahumalingan


ng ilan sa ating mga kababayang Pililipino at ako’y kabilang na roon. Sinasabi nga nila na ang
pagkahumaling sa kultura ng iba ang umpisa upang naisin ng isang indibidwal na matutunan ito.
Kaya nga, upang lubos maintindihan ang kulturang meron ang bansang Hilagang Korea ay
maraming mga Pilipino, halos mga kabataan, ang inaaral ang wikang “Hangul”. Ang wikang
Hangul ang opisyal na tawag sa wikang ginagamit at pinapatupad gamitin sa bansang Hilagang
Korea.

Ang dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang sabik na sabik matutunan ang
kulturang meron ang taga-Hilagang Korea ay dahil na rin sa kanilang mga nag-gagandahang
telenobela, pelikula, kanta, sayaw, at mga lugar. Isa pa, maraming mga kabataan rin ang patay na
patay sa mga nag gwa-gwapuhan at nag ga-gandahang mga Koreano’t Koreana. May naging
tawag nanga ang pagkahumaling ito ng mga Pilipino at ito ang penomenong “Hallyu” o “Korean
Wave”.

Ayon sa ulat ni Marie Lozana ng ABS-CBN News, “bunsod ng kasikatang ito, maraming
Pinoy at maging ibang lahi ang bumibiyahe papuntang South Korea para mabisita ang mga lugar
na pinagkuhanan ng mga kinakikiligang K-drama at mapanood nang live ang mga
kinagigiliwang K-pop artist.” Ito ang ilan lamang sa patunay kung gaano na kalakas ang hatak ng
kulturang Korea sa ating bansa. Kaya hindi maikakaila na may epekto rin sa ating kultura ang
mga ganitong aksyon ng ibang Pilipino. Sa pagnanais nating matutunan ang wikang Hangul,
upang mas maintindihan ang mga kinahuhumalingan nating telenobela ng korea, ay nagkakaroon
na nang kahati ang sarili nating wikang Filipino. Hindi ko masasabing banta ang kultura ng
Hilagang Korea sa ating wika sapagkat hindi lang naman din wikang Hangul ang ninanais nating
matutunan. Ngunit masasabi kong isa ito sa nagiging kahati ng ating wikang Filipino sa
pakikipagtalastasan.

Maaaring sa pagnanais nating matuto ng wikang Hangul ay masa-walang bahala o ma-


etchapwera na natin ang ating sariling wika. May ilan kasing mga Pilipino na dahil sa lubos na
pagkahumaling sa kultura ng Hilagang Korea ay hindi nila namamalayan na nagagamit na nila
ang ilan sa wikang Hangul bilang ekspresyon o minsan naman ay siya naring ginamit nilang
wika sa pakikipag-usap sa kapwa Pilipino. Ngayon nga’y kasali na sa itinuturo sa mga
pampublikong paaralan ang wikang Hangul at iba pang mga banyagang wika. Ang pag
implementar na ito ng Kagawaran sa Edukasyon ay upang mabigyan ng oportunidad ang mga
kabataan na maagang matuto ng banyagang wika upang hindi mahirapan kung sakaling sila’y
magtatrabaho na sa ibang bansa. Kuha ko ang nais iparating at ipaunawa nila at lubos ko itong
naiitindihan, ngunit sana man lang ay bigyang pansin din nila ang wikang Filipino. May ilan-ilan
na din kasing mga kabataan ngayon na hindi Filipino ang wikang kinamulatan o unang naituro sa
kanila. Kaya lubos na makakatulong sa kung sa paaralan ay mahigpit itong itinuturo at
ipinakikilala sa mga mag-aaral.
Siguro sa ngayong panahon ay hindi ko pa lubusang masasabi na natatabunan na ng
banyagang wika ang ating wikang Filipino sapagkat hindi pa din naman ganoon karami ang mga
Pilipino na marunong magsalita o gamitin ang banyagang wika, ngunit huwag sana nating
hintayin na umabot sa ganoong posisyon. Nawa’y huwag matabunan ng banyagang wika ang
wikang Filipino na siyang simbolo ng ating pagka-Pilipino.

Ang wikang ginagamit ng isang partikular na bansa ay siyang salamin ng kanilang


identidad bilang mamamayan nito. Kung tuluyang lamunin ng wikang banyaga ang mga
mamamayan nito ay maaaring mawala o di kaya’y mamatay ang wikang kanilang pinaka-iingat
ingatan. Hindi masama ang maging interesado at mahumaling sa kultura at wika ng ibang bansa.
Ang masama ay kung ang pagkahumaling ito ang magiging dahilan upang matabunan ang
wikang meron kayo. Sabi nga ni Ricardo Ma. Nolesco (dating tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino), “Kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang
panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili para mabuhay nang habampanahon.”

You might also like