You are on page 1of 1

Labuac, Renzil Roxce E.

BEED-II FILIPINO 2

PAANO KO PINAHAHALAGAHAN ANG WIKANG FILIPINO?

Bilang isang filipino na naninirahan kung saan ako lumaki at


umusbong ko natutuhang magsalita ng tagalog o tinatawag nilang Mother
Tongue. Sa pamumuhay ko rito sa lugar namin ay nagkaroon ako ng
magandang ugnayan sa iba dahil sa mga nakakasalamuha kong mga tao.
Nabibigyang diin ako at kaalaman sa mga makabagong salita na naririnig
sa kapaligiran. Bilang isang mag-aaral ay magninanais ko na magkaroon
ng komunikasyon ang iba sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang
Tagalog sa aming paaralan dahil mas nauunawaan at nabibigyang liwanag
ako sa kahulugan ng kanilang mga paliwanag sa paksang aming
tinatalakay.
Noong Elementarya hanggang naging kolehiyo ay mas nagkaroon ako
ng kalinawan sa lahat ng wikang Filipino. Nagbigay pa lalo sa akin ng
kamanghaan dahil sa lawak at tindig ng mga salitang aking naririnig o
nalalaman. Bilang isang mag-aaral at filipino ay tinataas ko ang
kahalagahan ng Wikang Filipino habang ako ay nabubuhay.
Pinagmamalaki, kinararangal at pinapahalagahan ko ito sa pamamagitan
ng araw-araw na paggamit maging pag-aaral ng mga ito. Wikang aking
kinagisnan- Mother Tongue, Minahal ko ito dahil ito ang dahilan kung bakit
ako nagkaroon ng kaalaman!, at minamahal ko ito dahil ito ang naging
daan kung bakit ako natuto sa iba't-ibang lenggwahe na maririnig mo sa
labas tulad ng Ingles, Waray, Ilocano at iba pa. Pinahahalagahan ko rin
dito dahil sa pagbabalik aral ko sa dating salita ng mga Filipino–Baybayin
na dati ay hindi naituro sa akin ng mga guro ko. Siguro maging ang iba sa
kanila ay kinalimutan na rin ang mga ito. Masaya ako kung saan ako
lumaki at lalo akong nagagalak dahil sa labis nitong resulta na nagbigay
usbong sa aking sarili upang lumago sa labas at lumago ispiritwal.

You might also like