You are on page 1of 2

1.

Ang mga ito ay nagkakaiba-iba dahil ang monolingguwalismo ay ang kakayahan ng isang tao na
gumamit ng isang wika o lenggwahe lamang sa pakikipag-ugnayan pasulat man o pasalita. Ito din ay
maaaring pagpapatupad ng isang wika sa isang bansa o iisang wika ang ginagamit na wikang
panturo sa lahat ng larangan o asignatura.Ang bilingguwalismo naman ay ang paggamit o
pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang knayang katutubong wika o ang
paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan.Ito din ang kakayahan ng isang tao na makipag-
ugnayan gamit ang dalawang pangunahing wika pasulat man o pasalita. Ang multilingguwalismo naman
ang tawag sa pakikipag-ugnayan ng tao gamit ang dalawa o higit pang bilang ng wika pasulat o
pasalita man.  ay ang paggamit o pagsasalita ng dalawa o hihit pang wika,anuman ang antas ng
kakayahan.

2.Mahirap maging monolinguwal ang ating bansa sa kadahilanang ang bansang Pilipinas ay
binubuo ng ibat ibang tribo na may ibat ibang lingguwahe kagaya ng kapampangan, bisaya, waray,
ilocano, etc.Ang isa sa katangian na mayroon ang Pilipino ay ang pagiging bukas natin sa mga
dayuhan.Lubos tayong mahihirapan sa pakikipag-usap kung ang ginagamit lang natin ay isang
wika.Kagaya nga ng sinabi ko,ang bansang Pilipinas ay mayroong higit kumulang dalawang daang
diyalekto mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi rin natin maikakaila ang impluwensiya ng wikang
Ingles sa nakaraan na naging daan sa pag gamit natin nito bilang pangalawang lengguahe .

3.Sa K to 12 currirulum, pinatupad ang multilinggwal na sistema dahil mas magiging maalam ang mga
estudyante. Kadalasan ginagamit sa loob ng silid ang pangunahing wika ng lugar o rehiyon at ang wikang
Ingles. Marami na din ang nagtuturo ng iba pang wika gaya ng French, Mandarin at Hanggul sa paaralan.
Ang mga ito ay nagiging tulay upang mahasa ang pakikipagtalastasan ng mga estudyante sa ibang
wika.Isa din itong paraan upang mas maayos at mapadali an gating pakikipagtalastan sa ibang tao na
may ibang wika.Mas nagiging malawak ang nalalaman at patutunguhan naming mga estudyante.At higit
sa lahat,lubos naming itong magagamit sa hinaharap kung sakaling pupunta kami sa ibang bansa.

4.Kung ako ay magiging magulang,papayagan kong turuan ang aking anak sa wikang kanyang kinagisnan
dahil alam kong mas madadagdagan ang kanyang mga kaalaman sa sa kanyang sariling wika sa paaralan
na hindi ko naituro sa kanya.Gusto ko ring mas lumalim pa ang kanyang pag-unawa sa kanyang sariling
wika at gusto kong lubos niyang maintindihan ang mga ito.Mas gugustuhin ko munang mas malinang at
maging bihasa siya sa kanyang sariling wikang kanyang kinagisnan bago aralin ang ibang wika.
5.Mas magiging komportable ang isang bata kung ang gagamitin niyang wika ay kanyang kinagisnan at
mas mapapadali na lamang ang kanyang pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa kanyang mga
kaklase.Mas nagkakaroon siya ng mas magandang pakikipag-ugnayan sa kaklase at sa kanyang
guro.Bagaman,maganda din naman na habang bata pa sila ay natutunan na nilang magsalita ng ibang
wika dahil lubos itong makakatulong sa kanila sa hinaharap pero mas nagiging mas madali lang sa kanila
na makipag-usap kung ang gagamitin nilang wika o lenggwahe ay ang kanilang nauunawaan at
nalalaman.Maraming pang pagkakataon na matutunan nila ang ibang wika pero ang mas nararapat
muna nating aalahanin ay kung ano ang mas mapapadali at komportable silang gamitin.

You might also like