You are on page 1of 24

Sir Gio Gonzaga

PANALANGIN

Panginoon, salamat po sa araw na ito at binigyan mo po kami ng


pagkakataong makapagtipon tipon. Patawad po sa pagkukulang
at pagkakasala namin sa iyo. Nawa panginoon panatili ka pong
maghari sa aming puso. Gabayan mo po kami araw-araw, ingatan
mo po ang mga mahal namin sa buhay, gayundin po ang aming
mga guro at mga mag-aaral. Itinataas ko na po ang lahat hiling sa
pangalan ni Hesus dakila naming tagapagligtas. Amen.
MGA PAALALA

• Makinig ng mabuti
• Gumalang sa guro at sa kapwa
• Iwasan ang anumang makagagambala sa klase
• Maging aktibo sa pagsagot ng katanungan
• Makiisa sa mga gawain
• Iwasan ang pagliban sa klase
• Sumunod sa itinakdang oras.
MAGBALIK
ARAL
SUMAYAW- SUMUNOD – UMINDAK - MAGSAYA
KONSEPTONG PANGWIKA:

UNA at
IKALAWANG
WIKA
LAYUNIN NG ARALIN

• Natutukoy ang pagkakaiba ng una at ikalawang wika

• Nakapagbibigay ng sariling pananaw at saloobing kaugnay sa


dalawang wika

• Nakagagawa ng talumpati na maiiugnay sa paksa.


UNANG WIKA

- Ito ang wikang unang kinamulatan ng tao at siyang natural


niyang ginagamit asa pakikipagkomunikasyon.
• Maari itong makaimpluwensya sa mga taong nasa paligid
niya.
(Tanong mahalaga bang isaalang-alang ang wika kung kukuha
ka ng tagpag-alaga?)
SKUTNABB-KANGAS AT PHILIPPSON
ANG UNANG WIKA AY:
1. Natutunan sa magulang
2. Kung kanino pa man natutuhan
3. Gamit na isang tao sa kanyang buhay
4. Mula sa wika ng bayan o bansa (ilokano-Ilocos)
5. Pinakamadalas gamitin ng tao sa pakikipagtalastasan
6. Gustong gamitin ng tao kapag nakikipag-usap
AYON SA TEORYA NI EVA V. CLARK

• Aniya, natututuhan na ng isang sanggol ang wika pagkasilang


pa lamang.
Batang may gulang ng isa
1. Marunong na siyang kumilala ng mga bagay at ng mga kilos.
2. Makakilala ng mukha
3. Makaalam kung saan nakatago ang mga bagay o ano ang gamit
ng mga ito.
LITTLEWOOD 1984

ANG PAGKATUTO NG UNANG WIKA AY ISANG


NABUBUONG UGALI
1. Ginagaya ng isang bata ang tunog at ayos ng mga naririnig
niya sa paligid
2. Pilit na paggaya ng pagsasalita mula sa matanda
3. Sa pagbibigay ng gantimpala kay pilit uulitin na bata ang
salita hanggang sa makagawian na
4. Pagsasalita ng pagsasalita hanggang mahubog ng katulad sa
matanda
IKALAWANG WIKA

Ito ay anumang bagong


wikang natutuhan ng isang
tao pagkatapos niyang
maunawaan ang unang
wika.
PAG-ISIPAN

Kung Cebuano ang tatay at chavacano naman ang sa nanay mo,


Masasabi mo bang ito na ang ikalawang wika?

Ito ay bahagi pa rin


ng unang wika
PAANO MALALAMAN KUNG ITO NA
PALA AY IKALAWANG WIKA?
Ito ay isang opisyal na wika o
Wikang namamayani sa lipunan na gamit sa pag-aaral, trabaho, at
anupamang mahahalagang pangangailangan.

Ano ito? Sa Pilipinas FILIPINO ang ikalawang wika.


TATLONG PARAAN NG PAGKATUTO NG
IKALAWANG WIKA

• IMPORMAL NA PAGKATUTO

• PORMAL NA PAGKATUTO

• MAGKAHALONG PAGKATUTO
IMPORMAL

Likas na kapaligiran

HALIMBAWA- Ang isang Bulakenyang nanirahan sa Aklan at


makapangasawa ng Aklanon.
PORMAL

Organisadong pag-aaral

HALIMBAWA - Ang isang estudyante ng Turismo na nakapag-


aral ng 12 yunit ng dahuyang wika bilang kahingiang
pangkurikulum
MAGKAHALO

Kapwa nagagamit ang Pormal at Impormal

HALIMBAWA- Estudyanteng Koreano na nag-aaral ng Filipino


sa klase ay natututo pa ito sa mga kaklase niyang Pilipino.
TATLONG YUGTO SA PAGKATUTO NG
IKALAWANG WIKA
• PANIMULANG YUGTO- namumuhunan sa kaalamang taglay
at nagagawa ng isang tao dahil sa unang wika
• PAGGITNANG YUGTO-Nagaganap ang mismong paglilipat
ng dating kaalaman at kasanayan s aunang wika tungong
ikalawang wika.
• PANGHULING YUGTO- nakikita ang kinalabasan ng pag-
aaral ng ikalawang wika.
ANG TANONG !

1. Bakit mahalaga ang tunog sa pagkatuto ng wika?


2. Paano nagkakaiba ang una at ikalawang wika?
3. Bakit kailangang matuto ng unang wika? Ng ikalawang
wika?
4. Paano mo masasabing epektibo ang paggamit ng dalawang
wika?
5. Kung ikaw ay magkaka-anak paano mo siya matutulungang
mapabilis ang pagkatuto sa unang wika?
GAWAIN

• Magsagawa ng isang Talumpati na tumatalakay sa pagkatuto


ng una at ikalawang wika. (maaring magdadgadag ng
kaalaman mula sa internet)
Isaalang alang ang mga sumusunod.

Kalinawan ng pagbigkas 20%


Nilalaman/layunin 40%
Gamit ng wika 30%
Dating sa nakikinig 10%
Kabuuan 100%
TAKDANG ARALIN

• Magsaliksik nang mahahalagang ideya kaugnay sa


bilinggwalismo at mulitiliggwalismo
SALAMAT SA PAKIKINIG

You might also like