You are on page 1of 15

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

ARALIN 1.4
Mga Antas ng Wika
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 4
Di-Pormal na Wika 4
Kolokyal 5
Balbal 5
Panlalawigan 5
Pormal na Wika 6
Pampanitikan 6
Pambansa 6

Sagutin Natin 7

Subukan Natin 7

Isaisip Natin 10

Pag-isipan Natin 10

Dapat Tandaan 11

Mga Sanggunian 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Aralin 1.4
Mga Antas ng Wika

Lar. 1. Mga sitwasyon ng pakikipanayam at pag-uulat

Introduksiyon
Bukod sa kalikasan, mayroon ding iba’t ibang antas ang wika. Batay sa kung kailan at kung
paano ito ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan. Nasusumpungan ang ganda at pagiging
dinamiko ng mga wika sa daigdig, kabilang na ang ating sariling wikang Filipino. Ikaw,
makapagbibigay ka ba ng isang antas ng wika?

1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang iba’t ibang antas ng wika.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan
ng mga konseptong pangwika (F11PT–Ia–85).

Simulan

Kilalanin ang Salita

Materyales
● mga flash card

Mga Panuto
1. Kilalanin ang mga ipapakitang salita ng guro. Maaaring gawin ng bawat isang
mag-aaral ang pagsasanay o magtakda lamang ng mga salita para sa bawat isa.

marilag sakalam

kanlungan pangga

kagawaran bana

memorandum hayahay

katitikan lodi

2
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

2. Magbigay ng mga halimbawang pagkakataon o konteksto tuwing naririnig o sinasabi


ang mga salita. Pagkatapos, gamitin ang mga salita sa pangungusap.
3. Isulat ang sagot sa talahanayan. Pumili ng tigdadalawang salita sa parehong kulay.

Talahanayan 1. Gawaing pagkilala sa mga salita

Salita Tuwing kailan Halimbawang pangungusap


naririnig o sinasabi

Mga Gabay na Tanong


1. Ano-ano ang pagkakatulad sa paggamit ng mga salitang kulay asul? Ano naman ang
para sa mga salitang kulay rosas?
2. Angkop bang gamitin ang lahat ng ibinigay na salita sa pare-parehong pagkakataon o
sitwasyon? Ipaliwanag ang sagot.
3. Alin sa mga salita ang pinakamadalas mong marinig at pinakamadalas mong sabihin
o maaari mong sabihin/magamit nang mas madalas?

3
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Ano ang antas ng wika? Ano ang kahalagahan ng antas ng wika? Paano
nakaaapekto sa komunikasyon ang mga antas ng wika?

Nahahati sa dalawang kategorya ang antas ng wika: ang di-pormal at pormal.

Nakapaloob sa bawat kategorya ang iba pang uri o antas ng wika ayon sa gamit. Sa
di-pormal, maaaring kolokyal, balbal, o panlalawigan ang wika. Samantala, sa
kategoryang pormal, maaaring pampanitikan o pambansa ang wika. Talakayin natin ang
bawat isa.

Alamin Natin
lundayan sentro ng isang lugar o sibilisasyon

marikit maganda

sinisinta iniibig, hinahangaan, o taong minamahal

Di-Pormal na Wika
Ang mga wikang madalas nating ginagamit ang nasa kategoryang di-pormal.

Di-pormal ang wika kapag ginagamit ito sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Mayroon


itong tatlong antas: kolokyal, balbal, at panlalawigan.

4
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Kolokyal
Ito ang antas ng wika na ginagamit natin sa halos araw-araw na pakikipag-usap. Hindi ito
kinakailangang nakasunod sa estruktura at mga alituntunin ng balarila. Ilang halimbawa nito
ang mga salitang “Tara!” at “Musta?”

Balbal
Di-pormal na wika ang balbal.. Ito ang mga salitang nagbabago ang kahulugan sa paglipas
ng panahon. Madalas itong naririnig na ginagamit sa lansangan. Halimbawa, ang "lapang"
(para sa pagkain), "erpat" (para sa tatay), at "baduy" (para sa nagsusuot ng damit na wala sa
uso o hindi angkop sa hitsura ng nagdadala).

Panlalawigan
Ikatlo at huling antas ng di-pormal na wika ang panlalawigan. Kilala rin sa tawag na
diyalekto, ginagamit ito sa mga tiyak na pook o lugar.

Ilan sa mga natatanging taglay ng diyalekto ang sariling pagpapakahulugan at tono kapag
isinasalita.

Halimbawa, ang wikang


Tagalog ay may iba’t iba pang
diyalekto. May iba’t ibang
paraan at estilo ng paggamit
ng Tagalog ang mga nakatira
sa mga lalawigan ng Zambales,
Bulacan, Mindoro, Batangas,
Aurora, Quezon, Cavite,
Laguna, Rizal, Marinduque,
gayundin sa Kamaynilaan.

5
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Lar. 2. Mga pook na gumagamit ng iba’t ibang pang diyalekto


ng wikang Tagalog sa Pilipinas

Dahil may magkakaibang tono at pagpapakahulugan ng mga salita, maaaring magkaiba ang
maging pag-unawa sa isang pangungusap o pahayag.

Halimbawa: “Nakain ka ba ng isda?”

Ano ang naiisip mong pakahulugan? Isang taong kumakain ng isda? O isang taong kinakain
ng isda?

Pormal na Wika
Ginagamit at kinikilala ng marami o mas malaking pangkat ng tao ang pormal na wika.
Mayroon itong dalawang antas: wikang pambansa at wikang pampanitikan.

Pampanitikan
Ang wikang pampanitikan ang unang antas ng pormal na wika. Ito ang ginagamit sa pagsulat
ng mga akdang pampanitikan, tulad ng tula, kuwento, at sanaysay. Umiiral ang kahingiang
dapat na piliing mabuti at isaayos ang mga salita sa ilalim ng wika batay sa tamang
estruktura at balarila. Ilang halimbawa nito ang mga salitang lundayan, marikit, at sinisinta.

Pambansa
Ang wikang pambansa ang ikalawang antas ng pormal na wika. Ito ang itinuturing na
pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ito sa mga pampamahalaang opisina, kompanya,
paaralan, at sa pakikipagtalastasan. Gaya ng pampanitikan, mayroon itong estruktura at
nakabatay sa mga alituntunin ng balarila. Bahagi ng wikang ito ang mga salitang kalayaan,
edukasyon, politika, at ekonomiya.

6
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Subukan nating gumamit ng mga salitang magkakapareho ang kahulugan ngunit nasa iba’t
ibang antas ng wika.

Halimbawa, paano mo babatiin ang isang kaibigang nakasalubong mo sa daan gamit ang
iba’t ibang antas ng wika?

Talahanayan 2. Iba’t ibang antas ng wika sa magkakaibang pahayag

Antas ng Wika Halimbawang pangungusap/pahayag

Kolokyal "Uy, musta?"

Balbal "Bro, balita?"

Panlalawigan "Hi! Kumusta?"

Pampanitikan "Ano na’ng nagbago sa ‘yo?"

Pambansa "Kumusta ka na? Matagal na tayong hindi nagkita."

Sagutin Natin
1. Ano ang dalawang antas ng wika?
2. Ano-ano ang kategorya sa ilalim ng mga antas ng wika?
3. Anong antas ng wika ang ipinakakilala at ginagamit ng mas nakararami?

Subukan Natin
Gumamit ng mga salitang magkakapareho ang kahulugan sa iba’t ibang antas ng wika.
Maaaring pumili at magbigay ng sariling sitwasyong paggagamitan ng salita para sa iba’t

7
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

ibang antas. Ilahad o ibahagi ang sagot sa klase.


Talahanayan 3. Pagsasanay ng iba’t ibang antas ng wika sa komunikasyon

Sitwasyon:

Antas Salita/Pahayag

Kolokyal

Balbal

Panlalawigan

Pampanitikan

Pambansa

Talahanayan 4: Rubrik sa pagwawasto

Mas Mababa Kailangan


Napakahusa
kaysa pa ng Magaling
y
Pamantayan Inaasahan Pagsas[50%] [75%] Marka
[100%]
[25%] anay

Kulang ang Iilan lamang Nagsaad ng Puno ng


halimbawa at ang detalye. maraming tamang
walang May mga detalye. May detalye at
Kalidad ng ibinigay na bahaging isa o maayos na
Nilalaman karagdagang kapos ng dalawang naipahayag,
impormasyon. kaukulang halimbawa na nailarawan, at
impormasyon hindi naipaliwanag
. ang mga

8
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

lubusang ibinigay na
naipaliwanag. halimbawa.

Tinapos ang Tinapos ang Kasiya-siya Maayos ang


gawain para gawain ang natapos ipinasang
Tiyaga/Pagsi lamang ngunit hindi na gawain. gawain.
sikap makapagpasa. sinikap na Nakitaan ng Kinakitaan ng
maiayos pa. pagsisikap na masikap na
maiayos ang pagganap
gawain. upang
makapagpasa
ng natatangi.

Hindi naipakita Nagpapakita May angking Sapat ang


Kasanayan/ ang pagnanais ng husay sa kasanayan at
Husay na pagnanais na paggawa, kaalaman
mapaghusay mapaghusay kailangan kaya
ang gawain. ang gawain. lamang kinakitaan ng
magsanay pa. husay at
galing sa
gawain.

Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa


ng sanaysay sa ng sanaysay ng sanaysay ng sanaysay
Panahon ng loob ng sa loob ng sa itinakdang bago pa ang
Paggawa dalawang isang linggo petsa ng itinakdang
linggo matapos ang pasahan. petsa ng
matapos ang itinakdang pasahan.
itinakdang petsa ng
petsa ng pasahan.
pasahan.

9
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Kabuuan

Isaisip Natin
Sa iyong palagay, ano-ano ang dapat na isaalang-alang upang magamit nang wasto ang mga
antas ng wika sa pakikipag-ugnayan? Palawigin ang sagot.

Pag-isipan Natin
Magsaliksik ng mga panlalawigang salitang may ibang katumbas sa wikang ginagamit sa
Kamaynilaan. Magtala ng limang salita. Pagkatapos, gamitin ang mga salita sa pangungusap
at talakayin ang kinabibilangang antas ng wika.

Panlalawigan Gamit sa Pangungusap


Kamaynilaan

10
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Dapat Tandaan

● Sa bawat hinaharap na sitwasyon, gumagamit ng angkop na pananalita batay sa


taong kinakausap at konteksto ng pag-uusap. Samakatuwid, gumagamit ng iba-ibang
antas ng wika sa pakikipag-ugnayan.
● May dalawang kategorya ang mga antas ng wika: ang di-pormal at pormal.
● Ang mga antas sa wika ay balbal, kolokyal, panlalawigan, pampanitikan, at
pambansa.

Mga Sanggunian

Bloch, Bernard at George Trager. 1942. Outline of Linguistic Analysis. Baltimore, Md.: Waverly
Press.

Peng, Fred. 2005. Language in the Brain Critical Assessments. London; New York: Continuum.

Rhoderick V. Nuncio, et al. 2016. Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Lungsod Quezon: C & E Publishing, Inc.

11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Gabay sa Pagwawasto

Aralin 1.4. Mga Antas ng Wika


Simulan
1. Ano-ano ang pagkakatulad sa paggamit ng mga salitang kulay asul? Ano naman ang
para sa mga salitang kulay rosas? Ang mga salitang kulay asul ay mga salitang hindi
madalas na marinig sa mga kaswal na pag-uusap. Madalas na nababasa lamang ang
mga ito sa panitikan o ginagamit sa konteksto na may kinalaman sa mga polisiya.
Ang mga salita naman na kulay rosas ay mas madalas sa mga pang-araw-araw na
sitwasyon. Mas kaswal ang mga salitang ito at madalas marinig o mabasa mula sa
maraming tao.
2. Angkop bang gamitin ang lahat ng ibinigay na salita sa pare-parehong pagkakataon
o sitwasyon? Ipaliwanag ang sagot. May mga pagkakataon na hindi angkop gamitin
ang mga salita depende sa sitwasyon dahil sa ipinapahiwatig na emosyon nito o
hinihinging antas na gamit ng wika ng sitwasyon/kung gaano “kaseryoso” ang
sitwasyon.
3. Alin sa mga salita ang pinakamadalas mong marinig at pinakamadalas mong sabihin
o maaari mong sabihin/magamit nang mas madalas? Iba-iba ang maaaring maging
sagot.

Sagutin
1. Ano ang dalawang antas ng wika? Nahahati ang antas ng wika sa uring pormal at
di-pormal na wika.
2. Ano-ano ang kategorya sa ilalim ng mga antas ng wika? Binubuo ng kolokyal, balbal,
panlalawigan ang mga di-pormal na wika, at pampanitikan at pambansa naman ang
nabibilang sa pormal.
3. Anong antas ng wika ang ipinakakilala at ginagamit ng mas nakararami? Ang wikang
nasa antas na pambansa ang wikang ginagamit at nakikilala ng mas nakararami.

1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Dahil dito, ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon, lalo na sa pamahalaan, ang


mga nakapaloob salita.

Subukan Natin
Gumamit ng mga salitang magkakapareho ang kahulugan sa iba’t ibang antas ng wika,
tulad ng ginawa sa talakayan. Maaaring pumili at magbigay ng sariling sitwasyon na
paggagamitan ng salita para sa iba’t ibang antas. Ilahad o ibahagi ang sagot sa klase.

Talahanayan 1. Pagsasanay ng iba’t ibang antas ng wika sa komunikasyon


Sitwasyon:

Antas Salita/Pahayag

Kolokyal

Balbal

Panlalawigan

Pampanitikan

Pambansa

Isaisip Natin
Sa iyong palagay, ano-ano ang dapat na isaalang-alang upang magamit nang wasto ang
mga antas ng wika sa pakikipag-ugnayan? Palawigin ang sagot. Mahalagang maging malay
sa iba’t ibang uri ng pinaggagamitang sitwasyon ng iba’t ibang antas ng wika upang
matukoy ang dapat na pagsasaalang-alang.

Pag-isipan Natin
Magsaliksik ng mga panlalawigang salitang may ibang katumbas sa wikang ginagamit sa
Kamaynilaan. Magtala ng limang salita. Pagkatapos, gamitin ang mga salita sa pangungusap
at talakayin ang kinabibilangang antas ng wika.

2
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Panlalawigan Gamit sa Pangungusap


Kamaynilaan

You might also like