You are on page 1of 36

KOMUNIKASYON

AT PANANALIKSIK
SA WIKA
AT KULTURANG
PILIPINO
*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL
MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Bilingguwalismo / Multilingguwalismo
Ang mga sumusunod na kasanayan ay dapat
matutunan sa pagtatapos ng modyul na ito:
1. Natutukoy ang mga kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong
pangwika.
2. Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Ano ang
bilingguwalismo?

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Bilingguwalismo
- kakayahang gumamit ng dalawang wika

Ganito rin marahil ang pang-unawa ng pamahalaan


kaya nang ipatupad nito ang Patakaran sa
Edukasyong Bilingguwal noong 1974 na nirebisa
noong 1987, ang tunguhin ay hubugin ang mga
Pilipino na maging matatas sa kanilang
wikang pambansa na Filipino at sa wikang
Internasyonal na Ingles.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Bilingguwalismo
Gayunpaman, sa aklat ni Colin Baker na
Foundations of Bilingual Education and Bilingualism
(2011), binigyang-diin niya na ang ganitong
saradong depinisyon ng bilingguwalismo ay
problematiko.
Bilingguwal ba ang isang tao na bagama’t kayang
gumamit ng dalawang wika ay hindi pantay ang
kasanayan dito? Halimbawa’y natural mag-
Filipino ngunit mali-mali namang mag-Ingles?
*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL
MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Bilingguwalismo

Bilingguwalismo ba ang may alam nga sa


dalawang wika ngunit isa lang sa dalawa ang
ginagamit o wala ngang ginagamit?

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Bilingguwalismo
Hanggang saan ba ang antas ng katatasan na
dapat maabot bago maituring ng bilingguwal
ang isang tao?

Kailangan bang matatas na matatas o


sapat na iyong katamtaman o kahit ba
kaunti lamang basta masabing pamilyar sa
dalawang wika?

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Bilingguwalismo
Sa anong kasanayan sa pakikipagtalastasan ba dapat
maging matatas upang masabing bilingguwal – sa
pakikinig ba, pagsasalita, pagbasa, pagsulat o
lahat bang ito o kahit isa o ilan lang ba sa mga ito?
Ang bilingguwal ba ay isang tao na dalawang
monolingguwal (isang tao na sanay sa isang wika
at isa pang tao na sanay sa isang wika na pinagsama
sa iisang katawan) o ang bilingguwalismo ba ay
isang buong kasanayan lamang?

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Bilingguwalismo
Mahirap hulihin at talagang imposibleng masabi
kung sino ang bilingguwal at sino ang hindi
(Baker, 2011). Hindi rin katanggap-tanggap ang
mga simpleng pagpapakahulugan sa
bilingguwalismo, gaya ng sinabi ni Bloomfield
(1993) na “pagkontrol sa dalawang wika na
para bang katutubong nagsasalita ng
dalawang wikang ito” dahil nga masalimuot
ang wika at sapin-sapin ang mga isyung
dapat kaharapin dito.
*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL
MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Bilingguwalismo

Ang bilinggwalismo ay may iba’t ibang uri at


antas. Maaring maging bilingguwal ang isang
tao sa maraming paraan.

Ano nga ba ang mga paraan???

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Uri ng Bilingguwalismo sa mga Bata
1. One-person, one-language – dito, may
magkaibang unang wika ang mga magulang
bagama’t kahit paano ay nakapagsasalita ng wika
ng isa ang isa. Isa sa kanilang wika ang
dominanteng wika ng pamayanan.
Halimbawa ay may mag-asawang Tagalog at Cebuana na
naninirahan sa Cebu na ginagamit ang kani-kaniyang unang wika
sa pakikipag-usap sa kanilang anak. Sa ganitong sitwasyon,
nalilinang ang bilingguwalismo dito dahil mula’t sapul, nalalantad
ang bata sa kani-kaniyang unang wika ng kaniyang mga
magulang.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Uri ng Bilingguwalismo sa mga Bata
2. Non-dominant home language / one-language,
one environment – sa uring ito, may kani-kaniya pa
ring unang wika ang ama at ina, at isa sa mga ito ang
dominanteng wika ng pamayanan. Gayunpaman, mas
pinipili nilang kausapin ang kanilang anak sa isang di-
dominanteng wika, kahit paglabas ng bata sa bahay ay sa
dominanteng wika siya nalalantad.
Halimbawa, Tagalog ang ama at Bisaya ang ina. Dahil
naninirahan sa Cebu, Bisaya ang dominanteng wika sa
pamayanan. Gayunpaman, kinakausap ng mga magulang ang
bata sa di-dominanteng wika na Ingles.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Uri ng Bilingguwalismo sa mga Bata
Ngunit paglabas ng bata sa bahay, Bisaya na uli ang
dominanteng wika.
Nalilinang ang bilinggwalismo rito dahil ang unang
wika ng mga magulang ang nagiging unang wika ng
bata samantalang ang di-dominanteng wika ang
nagiging isa pang unang wika. (tandaan ang
tinalakay sa nakalipaas na kahit dalawa, unang wika
pa ring maituturing ang mga wika basta sabay na
natutuhan ang mga ito mula pagkasilang).

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Uri ng Bilingguwalismo sa mga Bata
3. Non-dominant language without community
support – dito naman, magkatulad ang unang wika ng
mga magulang ngunit ang dominanteng wika sa
pamayanan ay hindi ang sa kanila. Gayunman, iginigiit
nilang gamitin ang kanilang unang wika sa kanilang anak.
Halimbawa, ang mag-asawang Cebuano. Dahil Tagalog ang
lingua franca sa Maynila, ito ang ikalawang wikang natututunan
ng bata paaglabas ng tahanan. Nalilinang ang bilingguwalismo
rito dahil nasasanay ang bata sa Cebuano sa loob ng tahanan at
sa Tagalog paglabas naman.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Uri ng Bilingguwalismo sa mga Bata
4. Double non-dominant language without
community support – sa ganitong uri, may kani-
kaniyang unang wika ang mga magulang ngunit ang
dominanteng wika sa pamayanan ay hindi ang alinman sa
kanila. Mula pagkasilang, kinakausap na ng mag-asawa
ang kanilang anak sa kani-kaniyang wika.
Halimbawa nito ang mag-asawang Tagalog at Cebuana na
naninirahan sa Pampanga. Kinakausap ng ama ang kaniyang
anak sa Tagalog, ng ina ang anak sa Cebuano at paglabas ng
bata sa tahanan, nalalantad din siya sa Kapampangan. (cont..)

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Uri ng Bilingguwalismo sa mga Bata
Nalilinang ang bilingguwalismo rito dahil
nasasanay ang bata sa kani-kaniyang unang
wika (Tagalog at Bisaya) ng kaniyang mga
magulang sa loob ng tahanan at sa
dominanteng wika (Kapampangan) naman sa
paglabas.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Uri ng Bilingguwalismo sa mga Bata
5. Non-dominant parents – dito, pareho ng unang
wika ang mga magulang. Ang wika din nila ang
dominanteng wika sa pamayanan. Gayunpaman, isa sa
kanila ang laging kumakausap sa kanilang anak gamit
ang isang di-dominanteng wika.
Halimbawa, Cebuano ang mga magulang. Dahil sa
Cebu sila nakatira, Cebuano din ang dominanteng wika
sa pamayanan. Gayunpaman, isa sa kanila, maaaring
ang ama o ina ang laging kumakausap sa kaniyang
anak sa Tagalog. (cont..)
*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL
MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Uri ng Bilingguwalismo sa mga Bata
Nalilinang ang bilingguwalismo rito dahil lantad ang
bata sa unang wika (Cebuano), sa loob o labas man
ng tahanan, ngunit dahil sa isa sa mismong mga
magulang ay nasasanay rin siya sa isa pang unang
wika (Tagalog).

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Mga Uri ng Bilingguwalismo sa mga Bata
6. Mixed – sa ganitong uri, bilingguwal ang mga
magulang. May mga sector din sa lipunan na bilingguwal.
Kapag kinausap ng mga magulang ang bata, nagpapalit-
palit sila ng wika. Paglabas ng bata sa pamayanan,
katulad ang sitwasyon. Dahil dito, nasasanay rin ang bata
sa pagpapa-palit na wika.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Ano naman ang


konseptong
multilinguwalismo?

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Multilingguwalismo ay ang kakayahang nakagamit
ng dalawa o higit pang wika. Sinasabing hindi
pambihira ang ganitong kalagayan katunayan marami
sa mga bansa sa daigdig ang gumagamit ng dalawa o
higit pang wikang nagbubunsod ng pagiging
multilingguwal ng kanilang mamamayan. (Ayon sa aklat na
Introducing Second Language Acquisition (2006) ni Muriel Seville-
Troike)

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Ayon naman kay Grosjean (1982), may
multilingguwalismo sa bawat bansa sa daigdig,
anuman ang antas panlipunan o edad.
Katunayan, napakahirap makakita ng isang
pamayanan na purong monolingguwal dahil
tila imposible na ang isang lahi ay mamuhay ng
mag-isa at hindi makipag-ugnayan sa ibang
lahing may sarili nitong kultura at siyempre,
sariling wika.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo

Dagdag naman ni Tucker (1999), lalong marami


ang batang bilingguwal o multilingguwal kaysa
monolingguwal at marami sa kanila ang
naturuan gamit ang ikalawang wika o natuto nito
sa kanilang pag-aaral, kaysa sa naturuan gamit
ang purong unang wika lamang.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo

Sa pag-aaral naman ni Zhu (2001) at Crystal (1997),


lumalabas na ang apat na wikang pinakasinasalita
sa daigdig bilang unang wika ay :
1. Tsino - ginagamit ng 1.2 bilyong tao
2. Ingles - ginagamit ng 427 milyong tao
3. Espanyol - ginagamit ng 266 milyong tao
4. Hindi - ginagamit ng 182 milyong tao.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Sa ikalawang wika naman, pinakaginagamit ang :
1. Ingles - sinasalita ng 950 milyong tao
2. Espanyol at Hindi na kapuwa sinasalita ng 350M tao
3. Tsino - sinasalita ng 15 milyong tao.
Sa Pilipinas na may 150 buhay na katutubong wika.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga dahilan ng pagiging multilingguwal:
1. Pagkasakop sa isang bayan ng isang bansang may
ibang wika
2. Pangangailangang makausap ang mga taong may
ibang wika upang mapag-usapan ang negosyo at
iba pang interes ekonomiko.
3. Paninirahan sa ibang bansa na may ibang wika.
4. Pagsunod sa isang relihiyon o paniniwala na
mangangailangan ng pag-aaral ng ibang wika.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga dahilan upang maging multilingguwal:
5. Pagnanais na matamo ng edukasyon na
makukuha lamang kung matututo ng ibang wika.
6. Pag-angat sa trabaho o pagtaas ng antas
panlipunan na magagawa lamang kung
matututuhan ang hinihinging ikalawang wika.
7. Pagnanais na makakilala pa ng mga taong may
ibang kultura at mapakinabangan ang kanilang
teknolohiya o panitikan na magiging possible lang
sa pag-aaral ng kanilang wika.
*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL
MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga Dimensiyon ng BL o ML ayon kay Baker (2011)
1. Kakayahan – ang bilingguwal o multilingguwal ay:
a. aktibo - naipapakita ang kasanayan sa mga wika
sa pagsulat at pagsasalita
b. pasibo - naipapakita ang kasanayan sa pakikinig
o pag-intindi.
Lantad ang una samantalang tago ang ikalawa. Magkakaiba rin ang progreso
ng kakayahang bilingguwal o multilingguwal ng bawat tao, bagamat
maaaring maabot nang pantay ang mga ito; kayang makinig at makaintindi
at kaya ring magsalita at magsulat.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga Dimensiyon ng BL o ML ayon kay Baker (2011)

2. Gamit – tumutukoy sa konteksto o sitwasyong


pinaggagamitan ng wika.

- Nakaaapekto rin sa pagpili ng wikang gagamitin ang


pagiging pormal o impormal ng sitwasyon.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga Dimensiyon ng BL o ML ayon kay Baker (2011)

3. Balanse ng mga Wika – pagkakapantay-pantay


ng kasanayan sa paggamit ng mga wika. Bihira sa
isang tao ang magkaroon ng magkakapantay na
kasanayan sa mga wika. Karaniwan ay higit ang
kasanayan niya sa isang wika kaysa sa iba pang
pagkakaroon ng wikang dominante, bagama’t
nagbabago-bago ito sa paglipas ng panahon.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga Dimensiyon ng BL o ML ayon kay Baker (2011)
4. Gulang
- bilingguwalismong sabayan (simultaneous bilingualism)
kasanayan sa dalawang wika kung mula pagkasilang ay
nalilinang na ito.

- Bilingguwalismong sunuran (consecutive o sequential


bilingualism) kasanayan kapag may isa nang wikang
natutuhan ang isang bata na nasundan ng pagkatuto ng isa
pang wika pagsapit niya ng tatlong taong gulang.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga Dimensiyon ng BL o ML ayon kay Baker (2011)
5. Pag-unlad – ang isang bilingguwal ay maaring
maging napakahusay sa isang wika samantalang
umuunlad pa lamang sa isa pang wika.
Pasulong - kasanayan sa isang wika ay paunlad nang paunlad

Paurong - kapag nababawasan nang nababawasan. Ang huli


ay maaring mauwi sa tuluyang pagkawala ng kasanayan
(tinatawag itong attrition).

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga Dimensiyon ng BL o ML ayon kay Baker (2011)
6. Kultura – dahil ang wika ay kakambal ng kultura, hindi
lamang kasanayan sa komunikasyon ang nalilinang sa isang
taong natututo ng wika kundi natututuhan din niyang yakapin
ang kultura nito.
Monokultural ang tawag sa isang taong bagama’t maalam sa maraming
wika ay nananatiling sarado sa isa lamang kultura.
Bikultural naman ang isang taong kasabay ng pagkatuto ng isa pang wika
ay natututuhan ding mamuhay gaya ng lahing nagsasalita ng wikang iyon.
Multikultural naman pag nadagdagan pa ang wika.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga Dimensiyon ng BL o ML ayon kay Baker (2011)
7. Konteksto – ang pamayanang kinabibilangan ng
isang bilingguwal o multilingguwal ay maaring maging
endoheno o eksoheno. Endoheno ito kung may
dalawa o higit pang wikang karaniwang gamit sa
pamayanan samantalang eksoheno kapag iisa lang
ang wikang gamit ngunit natututo ang isang tao ng
iba pang wika sa pamamagitan ng media, Internet,

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga Dimensiyon ng BL o ML ayon kay Baker (2011)

…….telepono o cellphone o sa presensiya ng isang


taong may ibang wika na bumibisita o nagbabakasyon
sa pamayanan. Sa simula ay natural at tuluy-tuloy ang
pagkakataong matuto ng ikalawang wika samantalang
sa sumunod ay may higit na kontrol, halimbawa ay
ang pagkaputol ng teknolohiya ay maaari din
magbunsod ng pagkatigil ng pagkatuto ng isa pang
wika.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL


MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Multilingguwalismo
Mga Dimensiyon ng BL o ML ayon kay Baker (2011)
8. Paraan ng Pagkatuto
a. Elektib - ang bilingguwalismo o multilingguwalismo ay
maaaring malinang sa pormal na pag-aaral.
Halimbawa ay ang pagkuha ng kurso sa dayuhang wika.
b. sirkumstansiyal - matutosa mga likas na pagkakataon.
Halimbawa ay ang pagkatuto ng ikalawang wika matapos ng
matagal na pagkababad sa ibang bayan o bansa o pagkatuto
nito mula sa mga dayuhang araw-araw na kasama.

*Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. – SENIOR HIGH SCHOOL

You might also like