Professional Documents
Culture Documents
ng
Wika
Nag-uugat ang mga barayti
ng wika sa pagkakaiba-iba
ng mga indibidwal at grupo,
maging ng kani-kanilang
tirahan, interes, gawain,
pinag-aralan at iba pa.
Mga Uri ng Barayti ngWika:
Idyolek,
Dayalek,
Sosyolek ,
Etnolek,
Ekolek,
Pidgin,
Creole,
Register
Idyolek
-Ito ang dayalek na sinasalita ng
pangkat ng mga tao na mayroong
pansariling paraan ng pagsasalita ang
bawat isa.
-Ito ay personal na paggamit ng
salita ng isang indibidwal. Bawat
indibiduwal ay may istilo sa
pamamahayag at pananalita.
HALIMBAWA:
“Hindi kita tatantanan!” -Mike Enriquez
“Walang himala!” -Nora Aunor
“Lumipad ang aming team…” -Jessica
Soho
“Handa na ba kayo?” -Korina Sanchez
“I am sorry.” -President Gloria Macapagal-
Arroyo
“Ansabeeeehhh?” -Vice Ganda
Dayalek
▪ Ito ang barayti ng wika na ginagamit
ng partikular na pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar tulad
ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
▪ Maaring gumamit ang mga tao ng
isang wikang katulad ng sa iba pang
lugar subalit naiiba ang punto o tono.
Halimbawa ng Dayalek:
Ang pangungusap na “Anong pangalan mo”
ay maaaring sabihin sa iba’t ibang dayalek.
Tagalog: Anong pangalan mo?
Kapampangan: Nanong lagyu mo?
Ilokano: Anya ti nagan mo?
Bisaya: Unsa imu ngalan?
Cebuano: Kinsay imong ngalan?
Hilgaynon: Ano ang imo ngalan?
Bicolano: Ano ang ngaran mo?
Sosyolek
-Ito ang barayti ng wikang
nakabatay sa katayuan o
antas panlipunan o
dimensiyong sosyal ng mga
taong gumagamit ng wika.
Halimbawa ng Sosyolek
Mga repa, nomo na. Walwal na!
(Jeproks/ balbal)
Si Yorme, maraming nahuli, mga etneb.
(Salitang kanto/pinauso ni Mayor Isko
Moreno)
Eow pfouh? Muztah nah? (Jejemon)
Echoserang frog ka. Chinorva mo akez.
(Bekimon/ Gay Linggo)
So haba naman ng pila. I am so inip na.
(Conyo language)
Ayan na ang mga Hathor. Sugod mga sang’gre!
(Fans ng Encantadia)
BTW, JWU. Need something to do.
(Millennial online language)
Ekolek
-Ito rin ang dahilan kung bakit kahit sa loob
ng tahanan ay nakagagawa ng kani-kanilang
paraan para gamitin ang banggitin ang mga
salita.
-Tumutukoy sa mga salita at wikang
ginagamit sa loob ng tahanan at kadalasang
tumatatak sa mga bata. Ito rin ay ang
ginagamit sa pakikipag-usap araw-araw.
Halimbawa ng Ekolek
Mom,dad/Nanay,tatay/Mommy,daddy/Ma,pa
pamingganan/ platuhan/ lagayan ng kubyertos
CR/ banyo/ kubeta/ palikuran
itaas/ second floor
mamam/ tubig
am-am/ kain
diko/ ditse/ sangko/ sanse/ ate/ kuya
baby/ bunso
lola/ granny/ mamu/ la/ inang
lolo/ granpa/ Papu/ lo/ itang
Etnolek
Ginawa ito mula sa salita
ng mga etnolonggwistang
grupo. Nagkaroon nga iba’t
ibang etnolek dahil sa
maraming mga pangkat na
etniko.
Halimbawa ng Etnolek
Adlaw – araw, umaga
Bagnet – sitsarong gawa sa Iloko
Vakuul – pantakip sa ulo ng mga taga-Batanes o
Ivatan
Palangga – mahal, iniirog, sinta
Banas – mainit, maalinsangan, pagkayamot
Batok – tradisyonal na paraan ng pagta-tattoo mula sa
Kalinga
Dugyot – marumi
Kalipay – ligaya, saya, tuwa
Magayon – maganda, kaakit-akit
Ambot – ewan, hindi ko alam
Pidgin
Wala itong pormal na estraktura
at tinawag ding “lengguwahe ng
wala ninuman”. Ginagamit ito sa
mga tao na nasa ibang lugar o
bansa.
Halimbawa ng Pidgin
“You go there… sa ano… there in the banyo…”
(English carabao)
“Ako benta mga prutas sa New Year para swerte.”
(Chinese na sumusubok mag-Filipino)
“What’s up, madrang piporrrr…” (Koreanong si
Ryan Bang sa kaniyang programa)
“Ikaw bili sa kin daming tikoy…” (Chinese na
sumusubok mag-Filipino)
“Ako wara masamang barak… / Ako walang
masamang balak…” (Japanese na nagta-Tagalog)
“Ako punta kwarto wag na ikaw sama…”
“Ako lugi na wag ka na tawad…”
“Are you foreigner? Where?”
“Don’t me. Don’t us…”
Creole
-Ito ay ang pinaghalo-halong
salita ng indibidwal, mula sa
magkaibang lugar hanggang sa
naging personal na wika.
Halimbawa:
Mi nombre – Ang pangalan ko