You are on page 1of 6

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

BARAYTI AT BARYASYON HEYOGRAPIKAL

- Nagkakaroon ng pagkakaiba sa wika o barayti ng wika batay sa lugar o lokasyong


kinaroroonan ng tagagamit ng wika

BARAYTI

- Tinutukoy nito ang iba’t ibangbarayti ng wika na ginagamit ng ibat ibang bansa na mula sa ibat
ibang pamilya ng wika.
- Maari naming tinutukoy nito ang ibat ibang uri ng wika sa loob ng isang bans ana nabibilang sa
isang pamilya at ginagamit ng ibat ibang linggwistikong grupo.

BARYASYON

- Ang baryasyon ay ang pagkakaiba sa pagbigkas, grammar o pagpili ng salita sa loob ng wika.
- Ang baryasyon sa wika ay maaring may kaugnayan sa rehiyon, sa uring sosyal at sa uri ng
edukasyon, o sa digri ng pormalidad ng isang sitwasyon na pinaggagamitan ng wika ( Richards,
plaatt aat platt, 1992)

BARAYTI NG WIKA

- Tinutukoy nito ang ibat ibang barayti o uri ng wika na ginagamit ng ibat ibang bansa

BARYASYON NG WIKA

- Sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado gawain at tungkulin ng tao at ito ay


nagreresulta ng pagkakaiba-iba ng kultur ana siyang nagiging panukat sa progreso ng tao.

DAYALEK

- Ang dayalek ay wikang subordeneyt ng isang katulad ding wika


- Pekulyar ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon
- Tinatawag din itong rehional na dayalek
- Ang baryasyon ng wika ito ay nasa ilalim ng isang masaklaw na wika ay maaring nasa tung-
punto o paraan ng pagbigkas, m/grammar o maaring sa leksikon o bokabularyo o maaring sa
pagkakabuo salita o sa lahat na.
Hal:
tagalog – bakit?
Batangas – bakit ga?
Bataan – bakit ah?
Ilocos – bakit ngay?
Pangasinan – bakit ei?
Tagalog: nalilito ako
Bisaya: nalilibog ako
BARAYTI AT BARYASYONG SOSYAL
- Ang pagkakaiba-iba sosyal sa paggamit ng wika ay tinatawag ding sosyalek o sosyal na dayalek
- Nagmula ang pagkakaibang ito sa wika bunga ng posisyong sosyal

SOSYALEK

- Ito ay ang bunga ng mga paktor tulad ng edukasyon, trabaho, sosyoekonomikong grupo,
kaanak, kasarian, at iba pa.
Hal: fafa o jowa
Shoke o shonget
Boylet

SOSYOLEK
- Sosyolek ang tawag sa wikang ginagamit ng bawat particular na grupo ng tao sa isang Lipunan.
- Maaring ang grupo ay magkakaiba sa edad, sekd, sa uri ng trabaho, sa istatus ng buhay, sa uri
ng edukasyon at bp.

IDYOLEK

- Tawag sa kanya-kanyang paraan ng pagamit ng wika o ito ay ang particular na pag gamit ng
isang tao sa kanyang wika. Kadalasan ay unik.
Hal:
Magandang gabi bayan
Ito ang iyong igan!
Na diumano…
Dear charo

ETNOLEK

- Nadedebelop mula sa mga salita ng mga entolonggiwistikong grupo.


Hal:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon
ng tag-init at tag-ulan
Kalipay – (Bisaya) tuwa, Ligaya, saya
Taub
Hunas
Ilonggo – “anay” gid bala

EKOLEK

- Kadalasang mula sa sinasalita sa loob ng bahay


Hal:
Palikuran – banyo o kubeta
Pappy – ama/tatay
Mumsy – nanay/ina
JARGON

- Ito ang mga natatanging bokabularyo ng particular na pangkat na may pagkilala sa particular
na trabaho o gawain.
- Hal:
Exibit, appeal, compliant, abogado

PIDGIN

- Ito ay barayti ng eika na walang pormal na estruktura


- Ito ay binansagang “nobody’s language” ng mga dayuhan
- Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang
komong ginagamit na wika. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga
pansamantalang wika lamang
Hal:
Ako kita ganda babae
Bili barato

CREOLE

- Wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika. Nagkakaroon nito sapagkat
may bumunidad ng mga tagapagsalita ang mga nag-angkin dito bulang kanilang unang wika.

REJISTER

- Wikang espedyalisadong nagagamit sa isang particular na domeyn


- Maaring sa [ropesyong kinabibilangan
- Gawain o trabaho
- Sa interes ( sugal, sabong)

REGISTER

- Ang register ay set ng mga salita o sekyon nauunawaan ng mga grupong gumagagamit nito na
maaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi pamilyae sa propesyon

ESTILO

- Ang estilo ay bahagi rin ng mga barayti ng wika


- Maaring gumamit ng ibat ibang estilo ang tagapagsalita
- Maari siyang maging pormal o di pormal sa pakikipag-usap

PAGLILINAW UKOL SA PAGKAKABUO NG PAHAYAG

- PALIT-KODA – ito ang pagsamasama ng dalawa o mahigit pang makabuluhang pahayag na


nabibilang sa dalawang Sistema ng wika.
Hal: “ nagets ko naman yung point mo jaya lang edyo foul yung sinabi nang mag text ka”
- HALO-KODA – may naghahalo o nasisingit na salita mula sa ibang wika labas sa naitakdang
dalawang pangunahing Sistema
Hal: “getching ko naman yung chenes mo kaya lang its hard to identify talaga, what is
‘aristeia”, tolits?”

SALIK NG BARYASYON

- HEYOGRAPIKAL NA VARAYTI – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan


ng kaangkupan sa lugar o sa komunidad na kinakabilangan ng tagapagsalita.
- Halimbawa na lamang ng mga ilokano na nagsasalita ng tagalog, hidni ba’t kapuna-puna ang
kaibahan ng kanilang pagsasalita? Napapansin natin na mapagpapalit nila an pagbigkas ng e/
at/ i/ at/ o/ at/ u.
- SOSYAL – nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng kinakasangkupan
na Lipunan, kultura at itinakdang mga isyu at usaping nakabatay sa panahon.
- OKYUPASYUNAL – nagkaroon ng pagbabago sa pagpapahayag batay sa pangangailangan sa
larangan ng hanapbuhay

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang
simbolismo tungo sa pagkakakulanlan ng bawat indibidwal. Sa
pamamagitan ng wika, ay nailalabas o naipapahayag natin ang ating mga
emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa
pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.

Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri
ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon,
okupasyon, edad, kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan.
Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkakaroon ng
iba’t-ibang baryasyon nito at dito nag-ugat ang mga barayti ng wika, ayon sa
pagkakaiba-iba ng mga indibidwal

BARAYTI AT BARYASYON

Bunga ng paniniwala ng mga lingguwistiko na ang wika ay heterogenous o


nagkakaiba-iba.

PANGKAT NG MGA TAO:


Tirahan
Interes
Gawain
Status

BARYASYON

Ang pag-usbong ng mga baryasyon ng wika ay may malaking kinalaman sa


estado ng buhay, kasarian, trabaho, antas ng pinag-aralan at paniniwala.
Maging ang teritoryo, lugar o espasyo ay may malaking epekto sa
pagkakaroon ng barayti ng wika

BARAYTI

Ang barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian


na nag-uugnay sa particular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal
na makatutulong sa pagkilala sa isang particular na baryasyon ng
wika.

Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang


sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging
heterogenous ng wika. Isa rin itong positibong penomenong
pangwika. Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng
mga ito. Nagagawa nitong mapaunlad ang isang wika sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang gagamitin sa isang
lipunan.

Dahil ang wika ay ginagamit sa lipunan ng tao, natural lamang na ito


ay lumikha ng baryasyon bunga nito ay nagkakaroon ng barayti o
iba’t-ibang uri ng wika. Lahat ng wika sa daigdig ay may barayti
dahil sa pagkakaiba-iba ng gumagamit hanggang sa pook na
pinag-ugatan nito. Samakatuwid, walang wikang magkatulad.

2 URI NG BARAYTI

PERMANENTE
1. Dayalek
2. Idyolek

PANSAMANTALA
1. Register
2. Mode
3. Istilo

MGA BARAYTI NG WIKA

Dayalek

Sosyolek

Idyolek

Etnolek
Ekolek

Jargon

Register

Pidgin

Creole

You might also like