You are on page 1of 14

PAGKATUTO NG WIKA

NG ISANG BATA
Ano-anong wika ba ang nasasalita at
nauunawaan mo? Paano mo natutunan ang
mga ito?
Ang paggamit ng wika sa
pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa
kapwa ay isang katangiang unique o
natatangi lamang sa tao.
Chomsky (1965)
Ayon kay Chomsky (1965),
ang pagkamalikhain ng wika ay makikita
sa kakayahan ng tao lamang at wala sa
ibang nilalang tulad ng mga hayop.

Nagagamit ng tao ang wika upang


makapagpahayag ng:
• Karanasan
• Kaisipan
• Damdamin
• Hangarin
- Ang tao ay gumagamit ng wikang naaangkop sa sitwasyon o pangangailangan.

- Maituturing na isang mahalagang handog sa tao ang kakayahang


makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat lamang nating pagyamanin ang
kakayahang ito at gamitin sa pamamaraang makabubuti hindi lamang sa sarili
kundi sa higit na nakararami.
UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA, at IBA PA
UNANG WIKA

• Unang wika ang tawag sa WIKANG KINAGISNAN


mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
• Tinatawag din itong KATUTUBONG WIKA, MOTHER
TONGUE, ARTERIAL na wika.
• Kinakatawan ng L1
• Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na
naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at
damdamin.
Halimbawa ng mga Unang Wika

Ito ang mga halimbawa ng mga wikang hindi na natin masyadong ginagamit sa panahon ngayon at mga
kahulugan nito.

• Piging – ito ay ginagawa tuwing may okasyon, pag-sasama ng mga tao sa isang lugar para kumain at
magsaya.
• Busilak – ginagamit upang ilarawan ang isang tao na mabait, maputi o kaakit-akit.
• Sambat – ginagamit bilang pamalit sa salitang tinidor o kasalungat ng kutsara.
• Kalupi – isang maliit na kwadrado na nilalagyan ng salapi.
• Alimusom – ginagamit noon pamalit sa salitang amoy.
• Salumpuwit – may apat na paa, kadalasang kahoy, may sandalan at pwedeng upuan.
• Tampalasan – ginagamit upang ilarawan ang isang taong masama, traydor o taksil.
• Batalan – isang lugar kung saan karaniwang pinaghuhugasan ng kamay, plato, baso at iba pa.
• Katipan – tawag sa iyong kasintahan.
• Batugan – tawag sa isang taong laging walang ginagawa, tamad, laging nag-papahinga.
PANGALAWANG WIKA
 Kinakatawan ng L2
 Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng
exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na
maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad
ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase,
guro, at iba pa.
 Madalas ay sa magulang din mismo nagmumula ang
exposure sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang
nagsasalita lang ng iisang wika.
 Mula sa salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti
niyang natutuhan ang wikang ito hanggang sa
magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at
magamit niya rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap
sa ibang tao.
 Pero, dahil sa sistema ng edukasyon sa bansa, ang wikang Tagalog ay
kailangang ituro sa lahat ng lugar sa Pilipinas. Subalit, ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay “Filipino”.

 Sa wikang Filipino, may iba’t-ibang dialekto katulad lamang ng Cebuano, at


Hiligaynon. Dahil dito, lahat ng tao sa Pilipinas, mula pagkabata, ay may
dalawang wika na kaagad na matututunan, ang kanilang inang wika, at
Tagalog.
IKATLONG WIKA
 Sa pagdaan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata.
Dumarami pa ang mga taong nakakasalamuha niya, gayundin ang
mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang
napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa, at
kasabay nito'y tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral.
 Dito'y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala
na kalauna'y natutuhan niya at nagagamit na sa
pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin
ng wikang ito.
 Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa
lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.
 Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3
 Sa mga taong nasa labas ng katalugan, ito ang wikang ingles. Sa original
na kahulugan, ang ikatlong wika ay wikang kasunod na natutunan matapos
ang pangalawang wika. Ito ang wikang natutunan sa tulong ng telebesyon,
radyo at kakilala
 Sa Pilipinas, kung saan may mahigit 150
wika at wikang ginagamit sa iba't ibang
bahagi ng bansa, ay pangkaraniwang na
lang ang pagkakaroon ng mga
mamamayan ng ikatlong wika.
Ayon sa maraming pag-aaral, ang mga mag-aaral na naturuan sa wikang hindi nila unang wika
ay nakararanas nang mas maraming bilang ng dropout o paghinto sa pag-aaral o kaya'y pag-uulit sa
antas. (Benson, 2005; Hovens, 2003; Klaus, 2003; Lewis & Lockheed, 2006; Patrinos &
Psacharopuolos, 1997; Pinnock, 2009; Steinberg, Blinde, & Chan, 1984).

Sa taya ng World Bank (2005), may limampung bahagdan ng mga batang nahinto na sa pag-
aaral o ang tinatawag na out-of-school-youth ang nakatira sa mga pamayanang ang wikang panturo ay
hindi ang wikang ginagamit nila sa tahanan.

Si Pinnock (2009) naman ay naglabas ng isang nakagugulat na puntos; 72% daw ng mga out-
of-school-youth sa buong mundo ay nagmula sa bansang maituturing na "highly linguistically
fractionalized" o may mataas na pagkakahati-hating panglingguwistika.

Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa


pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat. Ito rin ay nagbibigay-diin sa mga batayang kaalaman at
simulain sa linggwistika at nagpapakita ng aplikasyon sa pagkatuto o pagtuturo ng Filipino.
Pagkatuto ng Wika ng Bata ayon
kay Werner (1987)
• Ang palaging pagyakap, pagkarga at
pakikipag-usap sa kanila ay isang malaking
tulong upang maunawaan lalo ang wika.
• Sa mga sanggol naman, kadalasan mapapansin
sa kanilang pag-ngiti, pag-titig, pag-iyak at
pagbubuo ng tunog. Nakatutulong ito dahil
namememorya ng bata ang istilo ng pagsasalita
ng ina at ang tono ng boses.
MGA DAPAT TANDAAN UPANG
MABILIS NA MATUTO ANG BATA
• Nakikipag-interak ang isang sanggol ayon sa
kanyang kapaligiran at sa pamamagitan ng NG WIKA
pag-galaw ng kanyang katawan at pagsipsip ng
pagkain na ginagamit ang dila.
• Paulit-ulit na magtanong na ginagamitan ng
senyas, pag-iling at pagtango
Makapagpapabilis sa pagkatuto ang paulit-ulit
na tanong, senyas at pag-iling.

You might also like