You are on page 1of 1

Diaz, John Carlo M.

BSIT-1A

KAHALAGAHAN NG FILIPINO BILANG DISIPLINA AT WIKA NG EDUKASYON AT


KOMUNIKASYON SA PILIPINAS.
Ang pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo. Nag-simula bilang eksperimento sa kolehiyo
ng sining at agham. At dahil sa eksperimento na ito napatunayan na gigit na epektibo ang
pagtuturo ng Agham-panlipunan gamit ang wikang Filipino sapagkat higit na nakakaunawa ang
mga guro at mag-aaral. Ang pagtuturo ng subject na Filipino sa kolehiyo ay isa sa mga
magandang nangyari sa edukasyon sa pilipinas sapagkat maraming estudyanteng Pilipino ang
natututo kung anon ga ba ang Filipino. At dahil sap pag aaral ng Fillipino mas lalong nagging
pino ang aking pag unawa at pag gamit ng wikang ito. Dahil sa pag-aaral ng Filipino mas lalong
nag-kakaunawaan ang bawat Pilipino. Ang Filipino ay ating nagagamit sa maraming bagay gaya
ng pagsakay sa jeep, sa pagbili, sa pagtanong ng direksyon. At nalaman din nating paano
nagagamit ang “ng” at “nang” at marmi din tayong mga lenggwahe na magkakamukha ng ibig
sabihin gaya ng “doon” at “roon”.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang
paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinion, mga personal na obserbasyon
at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng
isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa mga pangunahing pagpaparating sa
iba ng panglipunang pagkakalinlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili
ang damdamin at kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan. Sa pagaaral ng Filipino ay
malalaman natin kung paano at kung saan ito nag-simula. Malalaman din natin kung bakit
Tagalog ang ating nating lenggwahe bilang isang Pilipino. Sa paggamit ng wikang Filipino mas
lalong nagkakaintindihan ang guro at magaaral sa eskuwelahan sapagkat maipapaliwanag ng
husto ng guro ang kanyang mga tinuturo sa paggamit ng wikang Filipino. Sa kabilang banda
ganon din sa isang magaaral masasabi nya ang kanyang mga gusting sabihin o maipapaliwanag
nya ng husto ang kanyang mga saloobin o sagot sa kanyang mga guro upang sila ay
magkaintindihan ng husto.

You might also like