You are on page 1of 1

Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo pahahalagahan ang wika?

Bilang isang mag-aaral at lalong-lalo na bilang isang mag-aaral ng Komunikasyon at Pananaliksik sa


Filipino, aking mas maipapakita ang aking pagpapahalaga sa sarili kong wika sa pamamagitan ng patuloy
na paglinang at paggamit nito. Mula noong bata ako ay sadya na akong nahihirapan sa pakikipag-usap at
pagbibigkas ng mga salitang Filipino. Madalas akong nabubulol at nahirapan rin akong ihayag ang aking
mga saloobin at damdamin gamit ang wikang ito, sa paraang pasulat o pasalita man. Kung gayon, lumaki
akong mas nililinang ang Kinaray-a at ang Ingles, na siyang nakasanayan ko na at kalaunan ay naging
bihasa na rin ako. Ngunit sa pag-aaral ng kasaysayan at pinagmulan ng wikang Filipino ay mas nakita ko
ang kahalagahan kung bakit ba kinakailangan nating linangin ito. Napagtanto kong isa ito sa mga apekto
ng ating identidad at dahil sa napakaraming pinagdaan nito ay nagsisilbi na rin itong simbolo ng ating
kalayaan. Kaya ako ay nabigyan ng inspirasyon na aralin muli ang Filipino at sikapin nang maging bihasa
rito. Sa pamamagitan ng paglinang at paggamit pa ng wikang Filipino, nanaisin kong maging magaling sa
wikang ito at hindi ako magiging isa sa mga bagay na maghuhudyat ng pagkawala nito. Higit na
mahalaga ang paggamit ng wika dahil sa ganitong paraan lamang ito naipapausbong at nalilinang, kung
gayon sa ganitong paraan ko rin ipapakita ang aking pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili kong wika.

Gaano kahalaga ang lingua franca para sa iyo bilang isang estudyanteng nag-aaral wika?

Ang lingua franca ay isang daluyan o tulay para sa aking isang mag-aaral ng wika. Bilang isang “student
leader”, hindi maiiwasang mapunta ako sa mga lugar na kung saan hindi Kinaray-a ang kanilang unang
wika at kinakailangan kong makibagay. Hindi rin maaaring magsalita ako sa sarili kong wika dahil kung
gayon ay hindi na kami magkakaintindihan. Dito na pumapasok ang lingua franca na kadalasan ay
Filipino o Ingles. Sa pamamagitan ng lingua franca, ako nabibigyan ng paraan upang epektibong
makipag-usap sa ibang mga tao at maihayag ng maayos ang aking sariling mga opinyon at saloobin. Sa
pamamagitan rin ng lingua franca, mas napapalawak ko ang aking mga kaalaman at hindi lamang ako
nakukulong sa kung saan ako komportable. Ganito ka importante ang lingua franca para sa isang mag-
aaral na tulad ko, at hindi ko alam kung magkakaroon ba ako ng oportunidad na linangin ang aking mga
nalalaman kung walang lingua franca.

You might also like