You are on page 1of 1

Bakit ng aba mahalaga pang pagaralan ang asignaturang Filipino

Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay nararapat lamang
nating pag-aralan ang asignaturang Filipino sapagkat tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa
sariling atin. Nararapat lamang na pagaralan a ng wikang Filipino sa kung ano mang kursong ataing
tatahakin sapagkat tungkulin ng isang Pilipino na malaman at magamit ng husto sa maayos na paraan
ang ating wika upang lubos na maintindihan ang kasaysayan at kultura.

Mahalaga ang ating wikang pambansa na wikang Tagalog dahil ito ang kadalasang ginagamit ng Pilipino
sa pakikipagtalastasan at sa mabuting pakikipagkomunikasyon. Dapat itong malaman nang mga Pilipino
upang ating pagyamanin, bigyang importansya, at pagbuhayin ang ating nakagisnang kultura.

Kung ikokonekta po natin ang asignaturang Filipino sa isang kasabihan na Ang hindi marunong
magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa hayop at malansang isda. Ito po ang katagang
binitawan ni Jose Rizal na nangangahulugang mahalin natin ang sarili nating wika dahil ito ay ating
kinalakhan at nagiisa nating kayamanan na maipagmamalaki natin sa ibang bayan.

Dito sa Pilipinas, taon taon patuloy na itinatatak sa puso ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng sariling
wika sa pamamagitan ng pagdiriwang ng buwan ng wika. Sa mga paaralan ay inaanyayahan ang bawat
estudyante na gamitin ang wikang pambansa sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan. Ang mga kataga
din na mula sa ating pambansang bayani ay patuloy na sinasalita at ipinapaintindi sa mga mag-aaral o
estudyante upang magsilbing hamon ay inspirasyon upang mahalin at gamitin ang wikang pambansa,
ang ating sariling wika

Bilang isang nursing student na nagbabalak mangibang bansa, naniniwala ako sa kasabihang Ang hindi
lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paroroona. Ito lamang ay nangangahulugang
nararapat lamang na bigyan natin ng karangalan at pasasalamat ang baying ating kinalakhan. Sapagkat
hindi tayo magtatagumpay kung walang Pilipinas na ating kinasanayan at kinalakhan.

You might also like