You are on page 1of 2

"Wikang Filipino: Ang Wikang Karapat-Dapat Ipaglaban at Pangalagaan"

Ang wikang Filipino ay ang pangunahing wika ng bansang Pilipinas na kung saan ang mga

kababayang Pilipino ay dapat gumagamit ng sariling wika, ngunit ayon kay Dr. San Juan base sa

National Achievement Test ang resulta ng mga Pilipino high school students ay mas mababa pa

sa istandard ng Department of Education para sa pagmasterya ng wikang Filipino. Makikita natin

dito na kahit ang sariling wika na Filipino ay hindi ganun kaginagamit ng mga sambayanan

Pinoy, at mas pinipili nilang gamitin ang wikang Ingles kumpara sa sariling wika. Kaya

naipatupad ang Artikulo 14 Seksyon 6 na kung saan nakasaad dito na ang wikang Pambansa ng

Pilipinas ay Filipino at nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na

wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat natin ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit

ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang

pang-edukasyon. Ang paggamit ng wikang Filipino bilang isang medium sa pagtuturo ay

magiging epektibo lamang kung magkakaroon ng subject na Filipino sa kolehiyo dahil mas

mapapalawak ang wikang Filipino kung ito ay patuloy na ituturo hanggang sa kolehiyo dahil mas

nahahasa ng mga estudyante ang paggamit ng sariling wika kung ito ay patuloy na tinuturo

habang sila ay tumatanda. Hindi kailangan alisin sa kurikulum ang pag-aaral ng wikang Filipino

dahil hindi lahat ng nilalaman ng Filipino noong senior high school ay kapareho ng nilalaman at

kasanayang kasalukuyang itinuturo sa kolehiyo.

Ayon naman sa artikulo ni Dr. Contreras siya ay nalulungkot sapagkat sa panahon na ito,

patuloy parin ang pakikipaglaban para magkaroon ng lehitimong lugar sa ating kamalayan ang

isang wikang matagal na nating ginagamit. Ang tanong ang wikang Filipino ba ay may gahum?

Ang sagot lamang diyan ay walang gahum ang wikang Filipino kahit na ito pa ang wikang
pambansa dahil laging nakikiusap at nakikipaglaban ang wikang Filipino para sa kanyang lugar

sa bansa. Wala din gahum ang Tagalog sa Filipino, dahil bukas ang huli upang pagyamanin ito

ng iba pang wika. Hindi nangangahulugan na kapag ginagamit mo ang isang wika ay mawawala

na ang iyong pagkatao dahil kung may kontrol ka dito, hindi ito mabubura. Dapat ang

pinagkakaabalahan natin mga kababayang Pilipino ay ang pagyamanin ang kani-kanilang wika,

kultura at kamalayan, kasabay ang dominenteng hulmahan ay ang Tagalog. Ito rin ang dahilan

kung bakit dapat patuloy na ipinagtatanggol ang wikang Filipino, at panatilihing buhay ang

kamalayan iugnay ito sa ating paghubog ng ating mga iba’t-ibang identidad. Ito lang din ang

makakasiguro na hindi malulusaw ang wika ng mga Pilipino sa mukha ng talamak na

pagtangkilik sa wikang Ingles.

Sapagkat, ang mga kaaway ay ang mga puwersang nananahan sa puso at isipan ng

maraming Pilipino, na ang iba pa ay may hawak na posisyon sa pamahalaan man o sa

pamantasan, na sila ang lumilikha ng balakid at pumipigil sa paggamit ng wikang Filipino sa

kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga tao na pumipilit sa mga Pilipino na gumamit ng wikang

Ingles kasya sa mag-Filipino. Samanatalang, nararapat lang na mas palawakin pa natin ang

kamalayan ng wikang Filipino bilang isang Pilipino dahil kahit na matatas na tayo sa wikang

Ingles ay mananatili tayong matatas sa pagsasalita ng ating sariling wika na Filipino. Kung

kaya’t dapat mahalin natin ang ating sariling wika at tangkilikin ang sariling atin.

You might also like