You are on page 1of 1

Nalungkot po ako sa tuluyang pag-alis ng Filipino at Panitikan bilang mga subjects sa kolehiyo sapagkat

sa aking opinyon dapat hanggang sa kolehiyo ay nalilinang ang kakahayan natin sa pagsasalita at
paggamit ng ating sariling wika. Ang wika ang isa sa mga mahalagang bahagi ng ating pagka-Filipino
sapagkat nahahayag nito ang ating pagkakakilanan. Para sa mga karaniwang mamamayang Filipino,
mahalaga na nagkakaisa tayo sa wika sapagkat napupuna ko halos ang mga kabataan ngayon ay hindi
marunong magsalita ng ating sariling wika at mas pinapahalagahan ng mga magulang ang pagtuturo ng
wikang Ingles. Dapat na mas pahalagahan ang sariling wika sa pamamagitan ng pag-aaral nito hanggang
kolehiyo at dapat halos ng asignatura natin ay nasa wikang Filipino upang sa mga darating na mga
henerasyon ay mas lalong malinang ang mg kabataang Filipino. Dapat ay umuunlad na ang ating bansa
katulad ng mga kalapit na bansa na may pagpapahalaga sa kanilang wika at kultura. Aking napagtanto na
mahalaga ang pagkakaroon ng sariling identidad upang lalong umunlad ang isang bansa. Kaya dapat
lamang na pahalagahan ito at mahalin ang wikang Pambansa. Kailangan nating magkaisa upang lalong
malinang ang ating wika at mapa-unlad ang ating bansa. Ang pag-aaral sa wikang Filipino sa
pamamagitan ng asignaturang Filipino ay isang tungkulin bilang mamamayan na tangkilikin at mahalin
ang wikang nagbubuklod sa atin.

You might also like