You are on page 1of 1

Sa aking kapwa mag -aaral at kabataan,

Tayo'y Malayang Pilipino dahil sa Wikang Filipino

Panahong tila dahong lumipas

Panitikang Hindi kumukupas

Kaluluwa sa'ti'y pinamalas

Dulot ay yaman sa ating bukas

Wikang Filipino tila simple

Wikang tayo'y naging komportable

Nagpalaya sa layang kinubli

Sa dan'taong tila imposible

Wika natin ay huwag ikubli

Tulad ng kay Tinampikang makasarili

Ako'y kabataang nagagalak

Tayo'y may kulturang ating tatak

Wikang gamit sa komunikasyong payak

Maging sa talastasang malawak.

Ang tulang ito ay aking isinulat para sa aking kapwa kabataan at mag-aaral na nawa ay ating
pahalagahan ang mga aralin ukol sa ating wika at panitikan higit sa pagpapahalaga natin sa pag aaral sa
ibang wikang panggamit sa pakikipagtalastasan. Buhat ng modernong teknolohiya at panahon, tayo ay
naaaliw na matutong gumamit ng ibang wika sa pakikipagtalastasan. Ating gamitin ang wikang atin.
Wikang nagbuhat sa atin sa kasarinlan at pagkakaroon ng pagkakakilanlan.

You might also like