You are on page 1of 1

TEMA: “Filipino: Wika ng Karunungan”

Magandang araw sa mga tagapagpakining. Sa ating guro. Sa inyo mga kapwa ko mag-aaral. At sa
lahat na maaaring mabigyang karunungan sa magiging talumpati ko ngayon.
Wika. Ano nga ba ang wika? Ito ba’y isang bagay na hindi natin binibigyang pansin? Ito ba’y
binabaliwala lamang? Sa inyong palagay mga kapwa ko mag-aaral? Ano ng aba ang wika?
Ang wika ay isang pagkakakilanlan. Ito’y isang instrumento na ipinagkaloob sa atin upang tayo’y
mapagbuklod. Mapag-ugnay. Mapag-isa. Ang wika ang siyang daan sa pagkakaisa. Sa pagkakaintindihan
ng mga taong magkakaiba ang lahi, kulay, relihiyon, paniniwala at lugar ng pinanggalingan. Ang wika ay
siyang tulay sa maayos na ugnayan ng mga tao. Kung wala ang wika sa tingin niyo’y magkakaunawaan ba
ang mga taong sumasailalim sa proseso ng komunikasyon?
Hindi. Ang wika ay isang esensyal na bahagi ng pakikipagkomunikasyon. Ay isang banal na
instrumento sa pangaraw-araw na pakikisalamuha ng isang tao sa kanyang buhay. Ito ay mahalaga. Ito ay
may mahigpit na importansya.
Marami at mataas pa na pagbibigay halaga sa wika ang ating matatalak. Iba’t-ibang kahalagahan
na sumasangkop sa iba’t-ibang bahagi ng larangan ng lipunan. Ngunit bilang isang mag-aaral, mas
binibigyang halaga natin ang wika bilang isang daan patungo sa maunlad na karunugan. Karunungan sa
araw-araw na pagpasok sa paaralan. Karunungan sa mga bagay na nararanasan natin sa tig iisa-isa nating
mga buhay.
Wikang Filipino. Wikang ipinagkaloob ng makapangyarihang Diyos. Wikang ginamit ng mga bayani
upang ipaglaban ang ating kalayaan laban sa mga mananakop. Wikang nagbuklod sa mga kumikinang na
damdamin ng mga Pilipinong may lubos na pagmamahal sa ating bansa.
Ang wikang Filipino ay wika ng karunungan. Ito ay wikang dapat nating mahalin, unawain at
paunlarin. Paano maiintindihan ng mga paparating na henerasyon ang mga likhang literatura noon at ngayon
kung hindi nila maisasaulat, maiintindihan at mauunawaan ang wikang Filipino? Nararapat nalang ba na
ipagliban nalang nila ang pagsasalita at paggamit ng wikang Filipino dahil mas mayabong pa ang mga
wikang banyaga?
Ang karunungan ay mahalagang sangkap upang matamo ng isang bansa ang kanyang kaunlaran. At
gamit ang wikang Filipino, matatamo ng ating bansa ang inaasam-asam nito na kaunlaran. Kaunlaran sa
pagkakaisa, at pagkakaroon ng isang wikang naiintindihan ng lahat, at wikang handang ipaglaban ng mga
mamamayan ng bansa. Wikang Filipino na magiging tulay upang maabot natin ang mga natutulog na puso
ng mga nagsilipat na Pilipino sa ibang bansa. Wika na magiging daan upang matamo ng bawat mag-aaral
ang pinakamataas na lebel ng karunungan. Wikang Filipino, na kailanma’y di magkakaroon ng hangganan
at katapusan.

You might also like