You are on page 1of 1

• Ano ang kontekstwalisadong Komunikasyon?

- Ito ang pamamaraan ng paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagusap o pakikipagsalamuha,


maari itong mapakita sa iba't ibang anyo ng komunikasyon tulad ng paggamit ng wikang Filipino sa
pagsulat at pagsasalita. Nakapasok din dito ang pagbabasa at pakikinig ng mga impormasyon na nagmula
sa isa/mga taong ginagamit ang wikang Filipino upang maipahatid ang kanilang mensahe. Sa kabuuan ito
ang paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon sa isang lipunan.

- Ang kurso namang Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino, base sa Scribd, ay isang


praktikal na kurso sa Kolehiyo na naglalayong mapalawak at mapalim ang komunikasyon sa wikang
Filipino ng mga mamayang Pilipino sa konteksto ng kanilang mga kaniya-kaniyang komunidad sa
partikular at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan.

• Ano ang Kahalagahan ng Kontekstwalisadong Komunikasyon?

- Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba't


iabng antas at larangan.

- Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagpapalitang ideya.

- Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas


na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino bilang lunsaran sa mas mabisang
pakikipag-ugnayan sa mga mamayan ng ibang bansa.

• Bakit kailangan natin pag aralan ang Kontekstwalisadong Komunikasyon?

- Kaya marapat pag-aralan ang Kontekstwalisadong komunikasyon ay upang malaman ang


wastong paggamit at nang sa gayon ay mapalawak din ang ating kaalaman sa wikang ating nakagisnan.
Isa pang kadahilanan ng pag-aaral ng kursong ito ay upang ating mapayabong at hindi maibaon sa limot
ang ating sariling wika, sapagkat alam nating lahat na ang wika ay parang buhay din na maaring mamatay
kung ito'y hindi na nagagamit at tuluyan nang nalimutan ng mga tao. Kaya importante na ating ipamulat
sa mga mga kabataan ngayon at sa mga susunod pang mga henerasyon ang atin wika nang sa gayon ay
ito'y ating mapanatili at maituro na ang wika ay hindi lamang mga simpleng letra at salitang ating
binibigas, bagkus ito'y ang ating pagkakakilanlan, bagay na nagbubukod sa atin sa mga banyaga at
nagbubuklod sa ating mga Pilipino.

You might also like