You are on page 1of 2

Ang aking repleksyon tungkol sa

Mga Pamamaraan ng Pagsasalitang Ginamit ng Guro sa Asignaturang Filipino

Ni: Jannoah L. Gulleban

Ipinasa kay: Gng. Susan B. Dipolog

Masasabing ang pagsasalita ang unang kasanayang natututunan ng ng tao. Ang


pagsasalita ay isa sa pinakamahalagang kasanayang dapat taglayin ng isang tao sapagkat ito
ang pangunahing pamamaraan ng pagpapahiwatig, paglalahad at pagpapahayag ng personal
na kaisipan o saloobin. Pangalawa na lamang ang sulat/ liham at ekstralinggwistik na
katangian tulad ng paggalaw, ekspresyon ng mukha, pagtitig, pagtango, kilos ng katawan at
iba pa. Bagaman ang pagiging “pipi” ay hindi hadlang sa pagpapahiwatig ng sariling saloobin,
napakalaking kalamangan parin ang pagsasalita bilang isang instrumento ng komunikasyon
sa maraming mga pagkakataon.

Ang pagsasalita ay mahalaga sa pang araw-araw na buhay. Nagagawa ng isang taong


nakagagawa ng komunikasyon ang makipag-ugnayan sa kapwa, makapagpanatili ng
maganda at mahusay na relasyon, magpahayag ng sariling kaisipan o saloobin, makatanggap
ng papuri, puna o pidbak; nakapapangalap ng impormasyon, maaliw o masiyahan at marami
pang iba. Sa pagsasalita’y dapat angkin ang kaangkopan ng tono, bigkas, mga salita o
pangungusap na gagamitin, paksa at iba pa. Ang mga salitang mabibigkas o mabubuo ng
isang tagapagsalita ay natural namang lumalabas sa bibig basi sa okasyon, lugar o
pinangyaarihan, tao o paksang tatalakayin.

Ang pagsasalita naman ay napakahalagang kasanayan at kakayahang dapat taglayin


ng isang guro sapagkat ang pagsasalita ay isa sa mga kaparaanan upang talakayin ang paksa.
Ang wastong paggamit ng kasanayang ito ay makadudulot ng kabutihan o kasamaan sa
paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral. Maging ang paraan ng pagkabibigkas ng guro sa
mga salita, kaangkupan ng mga salita at mga pangungusap ay nakapagbibigay sa mga mag-
aaral ng kasiyahan/ kasabikan o kawalan ng gana sa pakikinig. Ang mga guro ay may ibat-
ibang estilo ng pagsasalita bilang isang pinakagamiting kasanayan/kakayahan sa
pagtatalakay.
Basi sa aking natatandaan, ang aking mga naging guro noon at ngayon sa
asignaturang Filipino ay mayroong ibat-ibang pamamaran nagamit/ginagamit. Kung pag-
uusapan ang mga aralin sa elementarya, kadalasan, ito ay mga kwento, tula, pabula
sanaysay at iba pang uri ng panitikang aming natatalakay noon sa klase. Iniisa-isa,
binabasa/kinukwento ng mabagal at binabalik-balikan ng aming guro ang mga tagpo sa
kwento upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang akda. Malumanay, mabagal;
kung minsa’y mahina at malakas depende sa damdaming sinasalamin sa akda ay ang mga
paraang ginamit ng aking guro sa elementarya sa pagtuturo ng naturang asignatura.

Saludo naman ako sa mga paraan ng pananalitang ganamit ng aking mga guro sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino sa sekondarya. Lahat sila ay magagaling na mambibigkas;
may pagkamakata at kakikitaan ng galing sa paggamit ng mga salita, diin, tono at indayog sa
bawat pangungusap na kanilang binibitawan. Sa katunayan nga ang aking mga guro sa
sekundarya ang nakaimpluwensya sa akin upang tahakin ko ang pagkuha ng kurso sa
pagiging guro sa Filipino sapagkat nakapanghahalina ang katatasan at kariktan ng pagiging
mahusay na mambibigkas sa Filipino na siyang pumukaw sa akin upang kunin ang kurso na
ito. Nais kong maging katulad nila at mahasa ang aking kasanayan hindi lamang sa
pangkaraniwang pagsasalita kundi maging sa malikhaing pakikipagtalastasan ay maangkin ko
ang kasanayang iyon. Ang mga mag-aaral sa sekundarya ay nangangailngan ng ibayong
atensyon kaya naman mararapat lamang na ang tagapagturo sa mga gulang na ito ay may
kakayahan sa pagsasalita ng maayos, malinaw, may katamtamang lakas ng boses na may
kasamang paggalaw/kilos ng katawan para sa matagumpay na pagtuturo/pagkatuto ng mga
mag-aaral na siya namang sa tingin ko ay angkin ng mga guro ko sa sekundarya.

Ang pamamaraan namang ginamit sa kolehiyo, datapwat may kaugnayan sa


sekondarya ay may kaibahan parin naman ito. Ang guro ay gumagamit ng mas pormal na
pagsasalita para sa talakayan o mga araling tinatalakay. May iilang bago o hindi pamilyar na
mga salitang ginamit; mas kumplekado ngunit sapat lamang sapagkat ito ay angkop sa lebel
o baitang ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Bagaman sa dakong ito ay medyo seryoso ang
ginamit na pamamaraan, may mga pagkakataon parin naman na nagagamit ang mga balbal,
kolokyal, lalawiganin at iba pang kaantasan ng wika depende sa napag-uusapang paksa.

You might also like