You are on page 1of 37

Mga Suliraning kinakaharap sa pagtuturo

panitikan at wika

Tagapag-ulat

SANIATA C. ORIÑA
Mga Layunin
a.Naipamamalas ang kaalaman sa hagdan ng karanasan sa
pagkatuto ng mga estudyante

b. Nakabubuo ng mabilis ang kagamitang panturo na


nasasaklaw ang Hagdan ng Karunungan ni Dale.
Bilang guro sa asignaturang
Filipino, ano-ano ang mga
suliraning kinakaharap/nakaharap
ninyo sa pagtuturo ng wika at
panitikan?
Mga Suliraning kinakaharap sa pagtuturo
panitikan
1. Mababaw na pagtingin sa ating
panitikan.
2. Kakambal ng panitikan ang wikang Filipino
na maituturing ding isang suliranin sapagkat
tayong mga Filipino mismo ay mababa ang
pagtingin sa sariling wikang atin at
nakalulungkot isipin na mas pinag-aaralan ang
mga banyagang wika.
3. Ang panitikan ay nakaangkla rin sa ating
kultura na kung saan may mga aralin na itinuturo
sa ating kurikulum panghayskul ang pinag-
aralan/ itinuturo ang panitikang banyaga
4. Ang pagkabagot ng mga magaaral sa
pagbabasa ng panitikang Filipino.
Posibleng paraan upang matugunan ang mga
saluraning ito.

• pag-aralang mabuti ang panitikan at


alamin ang pinagmulan.

• Bigyang-halaga ang mga napag-


aralan at ibahagi sa mga mag-aaral
ang mga natutuhan
Posibleng paraan upang matugunan ang mga
saluraning ito.

• Ipagmalaki ang panitikan at wikang


Filipino.

• Tangkilikin ang sariling atin at


ipakilala ito sa ibang bansa.
Posibleng paraan upang matugunan ang mga
saluraning ito.

• Ipagmalaki ang panitikan at wikang


Filipino.

• Tangkilikin ang sariling atin at


ipakilala ito sa ibang bansa.
Posibleng paraan upang matugunan ang mga
saluraning ito.

Sa aspeto naman ng pagtuturo,


kailangang alamin ang mga interes ng
mga mag-aaral upang malaman ang
estratehiya at kagamitan na nakaangkla
sa pagtuturo ng panitikan.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA
PAGTUTURO NG FILIPINO
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

1. Oras na itinakda para sa asignatura.


MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Higit na makakatulong sa guro at sa mga mag-


aaral ang magkaroon ng sapat na oras sa
pagtuturo/pag-aaral upang maisakatuparan ang
layunin sa pagtuturo sa araw na iyon
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

2. Kapaligiran ng paaralan.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Magkadaragdag sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang may


maayos na kapaligiran sa lugar na kanilang pinag-aaralan
gayundin sa mga guro sa kanilang pagtuturo kung kaya’t
nararapat na magkaroon ng maayos,malinis,
maliwanag,maganda at maaliwalas na kapaligiran sa isang
paaralan.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

3. Kakulangan sa kaalaman sa mga makabagong


pamamaraan o istratehiyang pampagtuturo.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Makatutulong ang pagdalo ng mga guro sa mga seminar-worksyap na


ibinibigay ng KWF o anumang samahang nagtataguyod ng wikang
Filipino upang mas lalong madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil
sa makabagong pamamaraan o estratehiyang pampagtuturo.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

4. Kakulangan sa mga makabagong kagamitang


pampagtuturo.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Paglaanan ng tagapamahala ng paaralan at maging ng guro ang mga


kagamitang pampagtuturo upang magkaroon ng makabago at
epektibong pagtuturo sa wika at pantikan.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

5. Kawalan ng interes ng mga mag- aaral


MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Umisip ng mga teknik o estratehiya na makahihikayat sa mga mag-


aaral na makuha ang kanilang atensyon habang nagtuturo ang guro sa
wika at panitikan katulad ng pagbabawal sa pagpapadala ng kanilang
cellphone o anumang gadgets sa pagpasok sa paaralan o pagbabawal
na paggamit nito habang nagtuturo ang kanilang guro.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

6. Kakulangan sa bokabularyong Filipino/Tagalog.


MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Makatutulong ang madalas na pagbabasa ng mga diksyunaryong


Filipino upang lalong madagdagan ang bokabularyong
Filipino/Tagalog.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO
7. Pagdating ng mga makabagong salita na
wala naman sa diksyunaryong Filipino.
(jejemon at bekemon)
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Sanayin/hikayatin ang mga mag-aaral na bumigkas o gamitin ang mga


wastong pananalita sa kanilang araw-araw na pakikipagtalastasan lalo
na kung nasa loob ng paaralan.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

8. Ang mahinang kakayahan ng mga mag-


aaral sa pakikinig.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Mahahasa ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig kung


mas bibigyan ng guro ng mga pagsasanay ang mga mag-aaral hinggil
dito (pakikinig).
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO
9. Ang kawalan ng interes ng mga mag-
aaral sa pagbabasa ng mga akdang
pampanitikan.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Gumamit ng iba’t ibang estratehiya o pagdulog


 sa pagtuturo ng akdang Pilipino upang
makapukaw sa interes ng mga mag-aaral na
basahin ang mga ito.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Gumamit ng multimedia sa pagtuturo ng mga akda (vcd,dvd etc.) o maging


ang kompyuter katulad ng powerpoint presentation upang mas higit na
mahikayat ang mga mag-aaral sa pagbabasa o pag-aaral ng mga akda.

Gamitin ang masining na paraan ng pagtatanong sa talakayan upang


maturuang mag-isip at mahikayat na basahin ng mga mag-aaral ang
akdang binabasa.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

10. Kamalayang makadayuhan ( colonial


mentality )
MGA POSIBLENG
SOLUSYON
Magkaroon ng mga patakaran sa loob ng silid-
aralan ang guro sa wika at panitikan upang
maiwasan ang kolonisado ng isip ng mga mag-
aaral lalo na sa paraan ng kanilang
pakikipagtalasatasan.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

11. Miskonsepsyon sa gamit ng wika

MGA POSIBLENG
SOLUSYON
Ituro sa mga mag-aaral ang wika sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay
ayon sa gamit ng wika makatutulong ito upang
maunawaan ng mga mag-aarala ng wastong
gamit ng isang wika.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO
12. Pagbibigay ng higit na pansin at halaga sa
Wikang Ingles ( oras , gawain , mga proyekto
)
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Iwasan ang paggamit ng wikang Ingles (guro-


mag-aaral) sa loob ng klase ng Filipino.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Magbigay ng insentibo sa mga mag-aaral na gumagamit ng wikang Filipino


sa talakayan sa klase at bigyan ng magaang parusa ang gumagamit ng
wikang Ingles sa mga talakayan sa klase ng Filipino.

Magbigay ng mga proyekto na mas magpapahalaga sa wikang Filipino


at Panitikan.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO
13. Obsesyon ng guro at mga mag-aaral na
makamit ang bentahe sa kahusayan sa wikang
Ingles bilang tanging instrumento ng pandaigdigang
kompetisyon.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Bilang guro ng wikang Filipino at Panitikan,


kinakailangang mas pahalagahan ang wikang
itinuturo kung kaya’t dapat na kakitaan ito ng
kasigasigan sa pagtuturo ng wikang Filipino.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO
14. Kakulangan ng kaalaman ng guro sa mga
teknik o estratehiya sa larangan ng pagtuturo ng
pagsulat.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Makatutulong ang pagbabasa, pagdalo sa mga


seminar-worksyap hinggil sa pagsulat upang sa
gayon ay lumawak pa ang kaalaman sa pagtuturo
ng pagsulat.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO
15. Kakulangan sa kaalaman ng guro sa
istrukturang gramatikal (pagbabaybay,gamit ng
iba’t ibang bahagi ng pananalita atbp.)
MGA POSIBLENG
SOLUSYON
Dumalo sa mga seminar-worksyap hinggil sa
suliraning ito.
Makatutulong ang internet sa pagdaragdag ng
kaalaman ng guro pagdating sa pagtuturo ng
istruktura ng gramatika.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

16. Di-lubusang paglinang sa kahusayang magamit


ang wikang Filipino sa pagtuturo.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON
Mas makabubuting iwasan ng guro ang pagsasalita ng
wikang Ingles sa loob ng silid-aralan ng sa gayon ay
maging modelo siya ng kanyang mga mag-aaral sa
paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan
(tag-lish na sistema na pakikipagtalastasan)
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

18. Hirap sa pagtuturo ng mga matatalinghagang


salita/pahayag ang guro at mag-aaral
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Iaplay ang kolaboratibong pagtuturo kung saan ang bawat mag-


aaral ay magkakaroon ng ugnayan upang magbahagi ng kanilang
nalalaman sa mga matatalinghagang pahayag.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Sa parte ng guro mas makabubuting magkaroon ng oras at panahon sa


pagbabasa, paggamit ng internet at aklat upang maunawaan ang ituturong
matatalinghagang pahayag.

Magbigay ng mga proyekto na mas magpapahalaga sa wikang Filipino


at Panitikan.
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO

19. Maging mapanuring mambabasa.

MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Pananaliksik ang unang paraan upang malaman kung ano-ano ang


mga awtentikong kagamitan na maaaring gamitin sa pag-ases sa
kaalaman ng mga mag-aaral
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO
20. Hindi nagiging sensitibo ang guro sa suliraning
pangwika na matatagpuan sa mga aklat,materyal at maging sa
kanyang pananalita na nakapagpapahirap sa pagkatuto ng
mga mag-aaral sa wika at panitikang Filipino.
MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Maging sensitibo higit sa lahat.


MGA POSIBLENG
SOLUSYON

Dapat ang guro ay mulat din sa lahat ng pagbabagong nagaganap sa kapaligiran


lalo na sa larangan ng wika at panitikan upang sunod sa bagong
estratehiya/teknik sa pagtuturo ng wika na makatutulong sa mga mag-aaral.

Gumamit lamang ang guro ng mga pananalitang talos sa isip ng


kanyang mag-aaral. Dapat ding ibagay nito ang mga salitang kanyang
gagamitin sa lebel ng isip ng mga mag-aaral habang nagtuturo ng
wika at panitikan upang makamit mga ito ang pagkatuto sa itinuturo
ng guro.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!!!

You might also like