You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY- Paaralan Bautista NHS Baitang 8

ARALIN Guro SANIATA C. ORIÑA Asignatura Filipino


Petsa at Oras Markahan Ikalawang Markahan
I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang
A. Pamantayang Pangnilalaman
pampanitikang sa Panahon ng Amerikano , Komonwelt at Kasalukuyan
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
A. Pagwawari/Pagpapahalaga
1. Naipahahayag ang mga akda tulad ng Balagtasan ang kulturang Pilipino sa
panahong naisulat ang mga ito,
2. Nabibigyang halaga ang pagtuturo ng kagandahang asal at pagdidisiplina sa
mga anak.
B. Pampagtuturo
C. Mga Kasanayang
Unang Araw :
Pampagkatuto/Layunin
1. Naibibigay ang opinyon at katwiran tungkol sa paksa ng balagtasan.
(F8PB-IIc-d-42)
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa.
Pangalawang Araw :
 Naibibigay ang opinyon at katwiran tungkol sa paksa ng balagtasan. (F8PB-
IIc-d-42)
II. PAKSA
BALAGTASAN – “Alin ang Lalong Nagpapatino sa mga Anak? : PAMALO o PANGARAL”

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: Modyul 2 Filipino 8, Pinagyamang Pluma 8


B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:
 Sipi ng akda ,Manila paper, Pentel pen , TV , Laptop

IV. PAMAMARAAN
Unang Araw:
A. Balik-aral/Panimula

BALIK –TANAW
Kamusta na? Batid kong medyo may kahirapan ang nakaraang Aralin ngunit ito ay iyong nagawa ng buong husay. Tayain
natin kung ano ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin. Subukang sagutin ang tanong sa ibaba.
Tanong:
Ano ang pagkakaiba ng tulang nasa malayang taludturan sa tradisyunal?

B. Pangganyak

1. Pangganyak :
Magpapatugtog ang guro ng isang awitin o isang bidyo ng sikat na awitin na nilikha ng “Apo Hiking Society”.
Pagkatapos ay maglalahad ang guro ng ilang katanungan.
Pangganyak na tanong:
1. Ano-ano ang mga pangaral na inilahad ng awitin para sa mga kabataan?
2. Sang-ayon ka ba sa nilalaman ng awitin? Nagustuhan mo ba ang mensahe ng awitin? Bakit? Ipaliwanag.

C. Paglalahad ng Aralin
GAWAIN 1. 1 : Kilaanin Natin.. ( Araling Panlipunan /Kasaysayan)

Sa araling ito ating malalaman ang isang natatanging bahagi ng panitikang Pilipino, na pinayabong ng ating mga makatang
ninuno, walang iba kundi ang balagtasan.

Ang balagtasan ay isang pagtatalong patula at hango sa pangalang Balagtas bilang pagpaparangal kay Francisco Baltazar na
kilala sa palayaw na Balagtas at siyang kinikilalang Ama ng Balagtasan.

Unang ginanap ang balagtasan noong ika-6 ng Abril, 1924 kung saan tatlong makata ang nagpakita ng kagalingan sa pagtula.
Itinanghal na pinakamagaling si Jose Corazon de Jesus at tinawag na Huseng Batute noong 1920 dahil isa siyang mahusay na
mambabalagtas. Makalipas ang Ikalawang Digmaang pandaigidg ay nagpatuloy na ang balagtasan at naging paboritong
pampalipas-oras o aliwan ng mga Pilipino . Binubuo ito ng isang Lakandiwa o Lakambini, Mambabalagtas A at
Mambabalagtas B. Mambabalagtas ang tawag sa makata at mambibigkas naman kung sila ay nagbabalagtasan.

D.Pagtalakay sa Aralin
(Pumili ng tatlong mag-aaral na mahusay bumigkas ng tula at hayaan silang basahin ang balagtasan. Piliin sa tatlo kung sino kung
sino ang babasa sa “Alin ang Lalong Nagpapatino sa mga Anak? : PAMALO o PANGARAL”.
GAWIN NATIN!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Sino-sino ang mahahalagang tauhang bumubuo sa balagtasan?
2. Bakit mahalagang magkaroon ng paggalang at magandang kaasalan ang mambabalagtas sa kanyang katalo, maging lakandiwa at
manonood?
3. Muling balikan ang balagtasang tinalakay, anong tema ang inilahad ng mambabalagtas? Sa iyong palagay masasabi nga bang
ito’y isang magandang paksa para sa balagtasan?
4. Ano-ano ang kalimitang nagiging paksa ng balagtasan? Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong gumawa ng balagtsan, anong
paksa ang nais mong bigyang-pansin? Bakit?
5.Bakit mahalagang magkaroon ng malawak na kaalaman ang mambabalagtas sa paksang pagtatalunan?

D. Paglalapat ( ESP Disiplina)


GAWAIN 2
Mula sa balagtasang binasa’y mahihinuhang kapwa mahalaga ang pagdidisiplina at pangaral sa buhay ng isang bata. Buoin ang mga
sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon.
1. Kung ako ang iyong tatanungin, naniniwala ako na mas makabubuti sa bata ang……………………..

2.Sa tingin ko ang _______ ang mas nakabubuti sa bata dahil ___________

3.May punto ka sa iyong sinasabi pero……………..

4.Maaaring totoo ang iyong paniniwala ngunit para sa akin, ang __________

5.Naintindihan ko ang iyong panig subalit…………..

6.Sa kabilang banda, nakikita ko naman na mas nadidisiplina ang bata sa ____________ dahil _______________.
E. Paglalagom
Tanong:
Masasalamin ba sa mga akda tulad ng Balagtasan ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito? Bakit o Bakit
hindi?

F. Pagtataya
PAG-ALAM SA NATUTUNAN
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang diwa ng pangungusap sa bawat bilang at salita ng MALI naman kung
hindi ito wasto .
______1.Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo na ginagawa sa paraang patula.
______2.Itinanghal sa Plaza Miranda sa Quiapo ang kauna-unahang balagtasan noong Abril 4, 1924 sa sagupaan nina Jose
Corazon de Jesus at Florention Collantes.
______3.Tinatawag na mambabalagtas ang sinumang bumubigkas ng balagtasan.
______4.Isang tono lamang ang ginagamit sa pagbigkas ng balagtasan.
______5.Ang Lakandiwa o Lakambini ang nananawagan sa mga mambabalagtas na makilahok sa pagtatalo.
______6.Si Lope K. Santos ang nagmungkahi na magsagawa ng makabagong duplo na kakaiba bilang parangal kay
Francisco Baltazar.
______7.Pinagtulungang isulat nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes ang unang balagtasan na “Bulaklak ng
Lahing Kalinis-linisan”.
______8.Ipinagtanggol ni Emilio Mar Antonio ,ang panig ng pangaral na kumakatawan sa makata ng Bulacan.
______9.Nadaig ni Teo S. Baylen, ang makata ng Cavite sa balagtasan si Emilio Mar Antonio.
_____`10.Ang madlang nakikinig ang magbibigay ng hatol sa pagtatalong ginawa sa balagtasan tungkol sa wastong
pagdidisiplina sa mga anak.
G. Kasunduan
Bilang karagdagang Gawain, bumuo ng mga makabuluhang tanong hinggil sa napapanahong isyu o paksang maaaring
pagtalunan o gawing paksa ng balagtasan sa kasalkuyan. Itala ang iyong sagot sa tsart na makikita sa ibaba. Ginawa na ang
unang puwang para sa iyo.

TEMA ISYU/PAKSANG PAGTATALUNAN


Pag-ibig Dapat Ba o Hindi Dapat Manligaw ag Kababaihan?
Kultura
Ekonomiya
Lipunan
Kalikasan
Politika
Edukasyon

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy
na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang
naging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

You might also like