You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGPAPALAWAK NG CANTEEN

NG MARIA ELENA CHRISTIAN SCHOOL

Mula kay Mercy Eulet M. Quijano


1st Street North Singson Flats
Baranggay Guadalupe
Cebu City
Ika – 13 ng Agusto 2020
Haba ng Panahong Gugulin: 4 na buwan at labing isang araw

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Maria Elena Christian School ay isang pribadong paaralan sa lungsod ng


Minglanilla sa probinsiya ng Cebu. Ang paaralang ito ay mayroong isang libo at
dalawandaang mag – aaral sa elementarya at sekondarya.

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag – aaral ng elementarya at


sekundarya pati na rin ng mga guro ay ang maliit na espasyo sa canteen na hanggang
sa limampung tao lamang ang maaaring kumain. Ito ay nagdudulot nang labis na
problema sa mga mag – aaral dahil sa kakulangan ng akmang lugar na maaaring
pagkainan maliban sa silid – aralan at nagdudulot ng sakit ng ulo sa mga guro
pagkatapos ng tanghalian dahil sa mga basura ng mga mag – aaral. Nagdudulot din
ito ng suliranin sa mga nagtitinda sa canteen tuwing tanghalian dahil ang pila ng
mga mag – aaral ay aabot hanggang sa labas ng canteen.

Dahil dito, kinakailangan na dagdagan ang espasyo ng kainan upang hindi


na lalagpas sa canteen ang pila ng mga mag – aaral at magkakaroon na rin ng
pagkakataon ang mga guro na makisabay sa pagkain sa mga mag – aaral sa canteen.
Hindi na rin sasakit ang ulo ng mga guro hinggil sa basura kung ang lahat ng mag
– aaral ay sa canteen na lamang kakain dahil may maraming tapunan ng basura
rito. Higit sa lahat, mabibigyan na ang mga mag – aaral at mga guro ng mas maayos na
serbisyo tuwing tanghalian kung mayroong malawak na espasyo sa canteen.
Kinakailangang ang agarang pagsasagawa ng proyektong ito upang mas mapabuti ang
serbisyong maibibigay sa mga mag – aaral at mga guro.

II. Layunin
Nakapagsasagawa ng pagpapalawak sa canteen na nakatutulong nang malaki
sa mga mag – aaral at mga guro upang hindi na nahihirapan tuwing tanghalian sa
paghahanap ng lugar sa paaralan na makakainan. Hindi na makikita kung saan –
saan lamang ang mga basura sa paaralan na mula sa canteen at mas maayos na
ang serbisyo na maibibigay ng mga nagtitinda sa canteen sa mga susunod na buwan.

III. Plano ng Dapat Gawin

MGA GAWAIN MGA TAONG PETSA NG


MAGSASAKATUPARAN PAGTATAPOS
Pagpapasa, pag – aaproba at paglalabas ng Sr. Becca Nograles, FMA 3 Linggo
badyet Ingat – Yaman ng Board of
Trustees at Punong
Tagapamahala ng
Accounting
Pagsasagawa ng bidding ng mga kontraktor o 1 Linggo
mangongontrata sa pagpapalawak ng canteen
Pagpapasa o pagsusumite ng mga kontraktor Atty. Gina Paler, Pangulo 2 Linggo
ng kani – kanilang tawad para sa ng Parents’ Association
pagpapalawak ng canteen kasama na ang
gagamiting plano
Pagpupulong ng Board of Trustees ng 1 araw
Educating Community ng Maria Elena
Christians School para sa pagpili ng Sr. Merabel Yllana, FMA
kontraktor na gagawa sa pagpapalawak ng Chair of the Board ng
canteen Educating Community
Pagpapahayag ng opisyal na napiling 1 araw
kontraktor sa kabatiran ng nakararami
Pagpapasinaya o Inagurasyon sa Gng. Fedelisa Quijada, Vice 1 araw
pagpapalawak ng canteen na dadaluhan ng Chair of the Board at
Board ng Educating Community, mga guro, Pangulo ng Parents’
mga opisyales ng Parents’ Association at Association
mga
opisyales ng Student Council
Pagsisimula sa konstraksiyon sa Sr. Merabel Yllana, FMA 3 buwan
pagpapalawak ng canteen Chair of the Board ng
Educating Community
Pagbabasbas ng canteen Engr. Francis Rosas, Board 1 araw
Member at Pangalawang
Pangulo ng Parents’
Association
IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng pagpapalawak sa canteen
batay sa isinumite ng napiling kontraktor
Php 3,100,000.00
kung saan kasama na rito ang lahat ng
materyales at suweldo ng mga trabahador
II. Gastusin para sa pagbabasbas nito Php 25,000.00
Kabuoang Halaga Php 3,125,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto

Ang pagpapalawak ng canteen ay malaki ang magiging kapaki – pakinabang


nito sa mga mga – aaral, mga guro, at mga nagtitinda sa canteen ng Maria Elena
Christian School. Ang mahabang pila na lampas hanggang sa labas ng canteen ay
mabibigyang kalutasan na hindi na gugugulin ng mga mag – aaral ang higit sa lima
hanggang pitong minuto na pagpila sa halip ito ay magagamit na nila sa paghahanda
para sa kanilang mga klase sa hapon. Makakatulong ang pagpapalawak ng canteen
upang mabibigyan na rin ng kalutasan ang problema ng mga guro hinggil sa mga
basura na mula sa canteen na itinatapon ng mga mag – aaral sa lugar na kung saan
sila kakain tuwing tanghalian dahil sa pamamagitan nito ang mga basura na mula
sa canteen ay mananatili na lamang sa dito kapag kakain ang mga mag – aaral.

Mapapadali na rin sa mga nagtitinda sa canteen ang pagkuha nila ng mga


kubyertos na ginagamit ng mga mag – aaral dahil hindi na ito madadala ng mga mag
– aaral sa ibang lugar o sa silid – aralan na kanilang pinagkakainan. Higit sa lahat,
mas maayos nang mapagsisilbihan ng mga nagtitinda sa canteen ang mga bibili rito
lalo na ang mga mag – aaral at mas magiging komportable na rin sila sa kanilang
pagkain.

Mahalagang isakatuparan ang proyektong ito upang mas mapag – ibayo pa


ang pagbibigay – serbisyo ng paaralan sa pangunahing stakeholder nito na mga mag
– aaral. Matagumpay na edukasyon ang dulot ng busog at masayang kabataan dahil
sa serbisyo ng kanilang paaralan.

You might also like