You are on page 1of 1

Posisyong Papel

Archel Harvey Paglinawan


12 STEM 3 – St. Pio of Pietrelcina

Bansa: Pilipinas
Delegado: Archel Harvey Paglinawan
Paksa: Ang Pagpapatupad Ng Jeepney Phase Out Sa Pilipinas

Ang jeepney phase out ay isa ngayon sa pinaka maingay na isyu sa ating
lipunan at sa ating bansa dahil gusto ng ating gobyerno na tanggalin na lahat ng
mga lumang jeep at paltan ito ng tinatawag nil ana modern jeep pero hindi ito
ganon kadali dahil hindi lahat ng ating mga nagmamaneho ng jeep ay may pera
para makabili o i-upgrade ang kanilang jeep para maging modern jeep. Madaming
tao ang nagalit at nagreklamo dahil sa biglaang pag aanunsiyo ng gobyerno nito.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi tayo pumasok ng isang lingo.

Mas komportable, ligtas, at mas maganda naman talagang sakyan ang modernong
jeep kesa sa mga luma nating jeep pero alam naman nating lahat na hindi ito ganon
kadaling paltan dahil ito ay matagal at magastos na proseso. At hindi lahat ng
nagmamaneho ng jeep ay may milyon sa kanilang bulsa para bumili neto. Kaya
dapat bigyan pa nila ng matagal na oras para makapaghanda ang ating mga taga
maneho bago nila tuluyang i phase out ang mga jeep. Ang mga luma rin nating
jeep ay parte na nang ating tradisyon at kultura kaya sana wag nila baguhin ang
disenyo neto. Gawin lang sana nilang mas malaki at mas maganda ang makina ng
mga bagong jeep para hindi nila matabunan ang ating kultura. Nakakawa rin ang
ating mga nagmamaneho dahil sila ang mawawalan kung bibiglain nila ang pag
phase out ng mga lumang jeep kaya sana bigyan muna ng gobyerno sila ng oras
para makapaghanda at makapagipon bago nila tuluyang iphase out ang mga
lumang jeep.

Sana bago mag anunsiyo ng ganon ang ating gobyerno pagisipan muna nila kung
ano ang pwedeng mangyari dahil hindi lahat makikinabang sa mga gusto nilang
mangyari. Nakakaawa ang mga ibang tao lalo na ang mahihirap na don lang
umaasa kung bigla bigla na lang magdedesisyon ang ating gobyerno ng mga
ganong bagay nang hindi man lang pinagiisipan.

You might also like