You are on page 1of 2

Maintenance:

Kung ang paguusapan ay ang usok na binubuga ng mga tradisyonal na


jeepney hindi na dapat ito ginagawang problema sapagkat ayon sa mga
nagrerepair ng mga sasakyan tulad ni Jeep Doctor PH isang dalubhasang
mekaniko-maaaring mabago ang binubugang usok ng mga jeep sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng pagrepair ng makina nito kasama pa rito
ang pagkakaroon ng maintenance sa sasakyan ng sa gayon ay maiiwasan
o mababawasan ang binubugang maitim na usok ng mga jeepney. Dagdag
rito ayon sa kanya proper air and fuel mixture at fuel injections ang tanging
kailangan, na naghahalagang 20,000 pesos. Kung ikukumpara sa e-
jeepney makikita nating mas affordable at accessible ang pagkakaroon ng
maintenance at repairs sa ating mga tradisyonal na jeepney.

Hindi sapat na dahilan kung ang polusyong dulot ng mga jeep ang dahilan
kung bakit iphase-phase out it sapagkat hindi lamang naman sila ang mga
sasakyang nagbubuga ng maiitim na usok mayroon ding mga sasakyan
tulad ng mga kotse at truck na bumubuga ng maitim na usok. Dagdag rito
ayun sa Philstar.com ang isang dahilan kung bakit maitim ang usok ng mga
sasakyan ay dulot ng diesel na kanilang ginagamit. Ayun sa kanila bakit sa
ibang bansa tulad ng Singapore kahit diesel ang gamit di ito nabuga ng
maiitim na usok? Ito ay dahil sa hindi maganda o sinasabing "mura" ang
mga ini-import na diesel kung kaya't marumi ang krudo ng mga sasakyan.
Gobyerno ang dapt sisihin at managot sa problemang ito sapagkat sila ang
namamahala pagdating sa pagiimport ng mga diesel sa bansa kung kaya't
marapat na ayusin ito nila dahil kalusugan ng mga mamamayang Pilipino
ang madadamay dito.

WALANG PLANO, KORAPSYON

Saan mangagagling ang modern jeepney, sa china? Kung saan ang mga
taong ito ay pa tuloy na inaapi ang mga kababayan lalong lalo na ang mga
mangingisda, tapos tutulungan natin sila para pagkakitaan ang mga
Jeepney drivers? - raffy tulfo

Walang plano, palpak ang rationalization plan at program walang experto


na gagawa at walang tulong ang pmahalaan, tapos magdedesiyon na lang
sila ng sarili? - joel Villanueva

About half atleast ay unusable na after 2 years kasi wala namang available
na parts nyan lalo na kapag nasira. Kapag ito nasira, walang dealers sa
ating bansa kaya kapag kukuha ng parts para dito pahirapan pa. Sa pag
modernize ng Jeep may mga koneksyon kaya talagang may gusto kumita.
-grace poe

Tingnan na lang natin kung rush hour, naghahabulan. Kulang tayo sa tren,
bus pero bingi ang ltfrb sa mga hinanaing at sa kbila ng nararanasan ng
drivers at commuter. 4 beses na na extend ang kanilang plano pero sa
kabila nito ay wala paring sagot sa mga reklamo patungkol sa equity sa
pagsubsibiya ng bagong unit, taon taon tuwing nanghihingi ng budget ay
hinihingi ang rationalization plan para sa mga modernization ng Jeep, base
sa kanilang 2023 budget submission ay fina finalize pa rin, wala pa nga
yung mga Ruta na maaari nating sabihin, bakit pinapahurapan ang driver at
komyuter kung wala at hindi panga nagagawan ng plano at pagaaaral
hinggil sa modernization ng Jeep. - grace poe

Wala pa ang local government unit ng plan patungkol sa route


rationalization plan. At dahil dito kawawa ang mga driver, kalaban na nila
ang modernization, gastos at yung local government na gusto na lang I
sarilihin din. -migz zubiri.

Wala pangang support, walang available expert, from dotr and ltfrb na
magsasabi kung ano ba ang mangyayari kung ano ang magiging itsura, ng
route rationalization plan at kung ano ang meron ito. -shut escudero

May problem pa sa financing, 2.4m ang halaga nito, hindi ito biro. Saan
kukuha ang mga kababayan ng pera na ito na lugmok at nahihirapan
ngayon. - joel Villanueva Isa pa, ang secretary ng dotr, bago ang pandemic
ay sinabi mismo kay joel Villanueva na maraming korupt sa ltfrb. -joel
Villanueva

Ang ltfrb ay gustong kumita pa ng pera, gusto yumaman. Imagine 2.4


million at 300k ang subsidi, kaya 2.1 pa rin ang babayaran ng Jeepney
driver. Alam ng ltfrb kung magkano lang ang kinikita ng mga Jeepney driver
sa maghapon. Marami sa lgu at ltfrb ang lokoloko, sa halip kaawaan at
magkaroon ng mas maayos na plano, ang Jeep ay parte na ng ating
kultura kaya bakit natin ito ipphaseout? - raffy tulfo

You might also like